Harris POV “Napalingon ako sa pintuan ng aking opisina nang bigla itong bumukas at pumasok si Clinton. Hindi na maipinta ang mukha nito habang karga ang kambal kong anak. Kung ano ang kinasimangot ng kanyang mukha ay siya namang ikinaganda ng ngiti ng dalawang bata. “Ouch! I said stop it, Zanella!” Naiinis na saway nito sa aking anak na babae. Napangiti ako sa naging reaksyon ng aking mga anak dahil imbes na matakot ay humalakhak pa ng malakas ang mga ito. Tuwang-tuwa sa reaksyon ng kanilang uncle Clinton sa tuwing nasasaktan ito. “May lahi ba kayong bampira at mahilig mangagat ang mga anak mong ‘yan?” Irritable na tanong niya sa akin, bago binaba ang dalawang makulit na bata sa kandungan ko. Napansin ko na namumula na ng husto ang pisngi nito at puro laway na rin ang suot niyang dam

