Angela’s Point of view Nakabibinging tugtog ng isang rock music ang maririnig sa loob ng bar na kinaroroonan namin ngayon ni Hareth. Tahimik lang akong nakatayo sa likod nito habang siya naman ay abala sa pakikipag-inuman sa kanyang mga barkada. Sa totoo lang ay kanina pa ako napapagod sa kasu-sunod sa lalaking ito kung hindi lang siya anak ng taong pinagkakautangan ko ng buhay ay marahil kanina pa ito bumulagta sa sahig. nagkayayaan sila ng kanyang mga barkada na gumimik ngayong gabi kaya sa bar na ito kami humantong. Kanina pa ako nakakaramdam ng hilo dahil sa mga umiikot na ilaw sa buong paligid, hindi kasi ako sanay sa ganitong klaseng lugar. Nasanay ako sa bundok na tanging ang natural na ingay ng kalikasan ang lagi kong naririnig. Gusto ko ng tahimik na lugar hindi katulad nito

