“anak meron akong sasabihin tungkol sa ate mo”salubong agad ng kanyang ina sa labas ng kanilang apartment,napaintag naman ang kanyang tenga dahil narinig nya ang 'ate' na word
“ano po iyon ma?”sumabay sya sa kanyang Ina papasok sa apartment nila,umupo sila sa kahoy na silya at kaharap Ang isa't isa
“yung ate mo pagpapakasal na”masayang sambit ng ginang, napakunot naman ang noo ni Amara at tinignan ang kanyang Ina na masaya sa pakikipag usap sakanya
“ano sabi?”alam ni Amara na Ang ate nya ay maginhawa ang buhay sa USA dahil Malaki Ang sinasahod ng ate nya sa pinagtratrabahohan nya.
“binalitaan nya lang ako na ikakasal sya Yun lang”malungkot na pinahihiwatig ng kanyang Ina habang yumuko, napaisip naman sya ang ate nya yung taong Mahal nya pero hindi sya gusto ng ate nya Ewan Kong bakit palaging may galit Ang ate nya sakanya,Wala naman syang nagawang kasalanan
“hindi po ba Tayo inimbeta ni ate ma?”tanong nya sa kanyang Ina kahit alam nya ang magiging sagot nito.
“hindi eh” tumango tango nalang sya at pumunta sa higaan na palapag nila,napahikbi sya ng mahina dahil baka marinig sya ng kanyang ina,grabe ba talaga ang galit ni ate sa akin pati si mama dinamay nya sambit nya sa kanyang isipan,
Pinunasan nya ang mga luha na dumadaloy sakanyang mukha at nagpabuntong ng malalim na hininga,
“ma, pupuntahan ko si ate , pupuntahan natin...”sabi nya sa kanyang Ina,pero umiling Ang kanyang Ina
“wala tayong sapat na pera anak at tsaka hindi ako pinapababakasyon sa trabaho Alam mo naman Ang mga Della Palmier diba?”napakagat ng Mariin si Amara sa kanyang labi,wala nga silang sapat na pera meron syang na ipon na savings sapat na para sa pamasahe papunta sa USA pero sya lang mag isa ang magkakasya sa pamasaheng kanyang inipon dahil biglaan ang balita na narating sa kanila
“pero anak kong gusto mo talaga pumunta sa kasal ng ate mo pwede naman ikaw lang,pero may problema Tayo sa pamasahe”malungkot na Saad ng ginang,
“meron po akong kaunting na ipon,siguro sapat na Yun sa pamasahe ko,pero ma ayaw ko naman na iwan kang mag Isa dito sa pilipinas”
“ok lang ako anak kaya ko ang sarili ko, pumunta ka sa kasal ng ate mo”hinawakan sya ng kanyang Ina sa balikat,pero desidido din syang puntahan ang kanyang ate sa USA
“sigurado po bang magiging ok ka rito”nag alalang tanong nya,kahit ayaw nyang iwan ang kanyang Ina Wala din syang choice,baka sa USA makahanap sya ng trabaho na magbabagay sa kanya at Hindi na taga hugas pinggan kahit papaano,gusto nyang makaahon sa kahirapan ayaw nyang pagtrabahuhin ang kanyang Ina dahil may edad na ito,
“ok lang ako anak wag mo na akong alanlahin,matanda na ako alam ko na ang gagawin” tinupi ng kanyang Ina Ang damit na galing sa sampayan sa labas, napanguso naman si Amara dahil sa sinabi ng Ina nya
“yun nga ma matanda ka na,kaya mahina na sestema mo”tinulungan nya ang kanyang Ina sa pagtutupi.
“sige kiha ka na ng ticket mo,para bukas maka alis ka na”napalaki naman ang Mata ni Amara at tumingin sa kanyang Ina,
“bukas agad ako aalis,kailan ba ang kasal?”tanong nya habang hinintay Ang sagot ng kanyang ina.
“sa susunod na araw,Kaya Kailangan munang mag book ng flight para bukas sa umaga maakalis ka na para makaabot ka sa kasal ng ate mo,”tumango nalang sya sa ina at sinumalan ayusin ang mga damit at gamit na dadalhin nya para bukas.
***
“Ma mag ingat ka dito ah,alagaan mo sarili mo”mangiyakgiyak na sambit ni Amara habang may dalang isang maleta, aalis na sya ngayon sa pilipinas at makaka salamuha nya ang ibat ibang uri ng tao sa kanyang pupuntahan.
“oo nak ,ikaw din alagaan mo sarili”kumakaway ang kanyang Ina sa kanya,hinatid sya sa airport ng kanyang ina,
Ngumiti ng matamis si Amara bago tumalikod sa kanyang Ina dahil tinatawag na ang kanyang flight papunta sa US
Ilang oras din ang byinahe nya sa eroplano bago,maka tapak sa US
Sa wakas nandito na sya sa isang lugar na pangarap nyang puntahan noon pa man, tinignan nya ang paligid dahil iba ang senaryo kaysa sa pilipinas,sa pilipinas kasi maraming makakapansin sa galawan mo pero pag dito sa US parang walang pakialam Ang mga tao dito,sambit nya sakanyang isip at hinila ang maleta nya,Alam nya Ang address ng bahay ng ate nya Kaya kailangan nya iyong puntahan
Nag aabang si Amara ng taxi ng may babae syang napansin tinignan nya iyon ng mabuti,mayayamanin,maganda at parang Modelo ang tindig katawan nya ang Ganda ng suot nyang damit mapapatingin ka talaga.
Napaiwas si Amara ng Tingin ng dumako ang tingin ng babae sakanya at tinaas ng babae ang kanyang kilay,maldita sambit ni Amara sa isip nya.
“why are you staring at me”napalaki ang Mata nya ng pumunta ang babae sa direksyon nya, napalunok sya dahil Hindi nya alam Ang sasabihin
“me...uhmm...staring ..at you?”nauutal na banggit ni Amara at tinuro pa ang sarili nya.
“tsk, filipino ka ba?” nakataas na kilay ng babae at mataim na nakatitig kay amara,tumango tango si amara, magaling din pala magtagalog pinapahirapan nya pa ako, mahinang bulong ni Amara sa kanyang sarili.
“bakit mo ako tinitignan?” mataray na sabi ng babaeng kaharap ni Amara
“tinitignan ba Kita?”tanong ni Amara sa babae na mas lalong nagpataas ng kilay ng babae,
“are you stupid,Nakita kitang nakitigin saakin then you ask me a question,ugh unbelievable”napahawak pa ang babae sa ulo nya at parang hinihilot iyon, napangiwi si Amara sa sinabi ng babae.
“excuse me lang ah?big deal ba talaga sayo ang tinitignan?”hinihintay ni Amara Ang sagot ng babaeng kaharap nya
“yes it's a big deal,dahil hindi naman Kita kilala para tinitignan mo ako,parang may masama kang balak sa suot mo palang”nagtaas baba ang tingin ng babae sa suot ni Amara na isang pantalon at plain t-shirt na white,
“anong tingin mo saakin holdaper?” Hindi na ni Amara mapigilan ang pagsagot sa babae dahil below the belt na ang mga sinasabi ng babae nakakaapak na sya ng ego ng iba.
“yes,kaya pwede ba wag mo akong tignan nakakakilabot”the girl smirk at pumunta sa magarang kotse na sasakyang nya,napakuyom ng kamao si Amara at tinitignan Ang kotse na paalis, napailing nalang sya at pumara ng taxi papunta sa address na binigay ng kanyang Ina.
Midsummer nights dream ◼️◾▪️