Chapter 4 (Inheritance)

1969 Words
Chapter 4 "The heirs" Ace Alden's POV Matapos mainom lahat ng alak sa baso ay inihagis ko ito ng buong pwersa na bumuo ng napakalakas na ingay. "Hey! What the heck are you doing with the glass?!" Napahinto ako nang may narinig na nagsalita sa likod ng garden namin nang dumating si Froze. Lumapit sa akin si Froze at tinignan ang basag na baso. "Galit ka ba?" sabi pa niya. Umupo lang ako sa katabing bench at napabuntong hininga. "Alam ko kung sino ang dahilan." dumating naman si Owen. "Sino ba yan ha." dumating na naman si Vien. Ba't ba andito ang mga mokong nato? I never invite them to come here. "Hindi lang siya, dalawa na sila." sabi ko sa kanila. Kalaunan naisip ko rin na mas mainam kung may masasabihan ako ng nararamdaman ko. "Sino 'yong isa?" sinipa ko yung laptop malapit sa akin para maiharap sa kanila.Tinignan naman nila 'yon. "ahh, yung babae kahapon na pina search mo sa akin. Sino nga 'yon?" "That ugly girl with ugly name. Fern Jade Tricco". sagot ko sa kanya. "Nagtagumpay ka ba na pahirapan siya?" tanong ni Hermen na tumabi sa akin ng upo. "Malapit na sana kung hindi lang dumating yung gagong 'yon." tuwing naaalala ko ang mukha non nang makita ko siya doon para bang gusto ko ulit manapak. Tumango naman sila. Alam na nila kung sino. "Pagdating kay Light, lusaw na lusaw ka bro, paano mo ba gagawing miserable buhay niyan eh malakas 'yon sa lolo niyo. " Ani ni Froze. "Planting hatred to anyone makes you more evil Ace. Maiba ako. bakit niya pinagtanggol ang babaeng yon?" tanong ni Hermen. "Dyan siya magaling. Tutulong sa iba para kunwari siya ang bida." Natahimik sila sa sinabi ko. Sasaya na sana ako kahapon pero may sumulpot. Sa dinami dami kasi ng set up doon pa sa school na 'yon. Tungkol kay Light Villegas. Para sa akin, di ko siya ka ano ano. Nakilala ko lang siya ng dumating siya sa buhay ko years ago nang pinakilala ng Lolo ko na anak iyon ng anak niya sa labas. Paborito ng matanda, kesyo mabait daw at madaling mahalin kaya nang gusto niya pumasok sa entertainment industry tinulongan siya ni lolo para maabot ang pangarap ng walang ka hirap hirap. At ang masaklap pa, may balak pang ibigay ang kalahati ng yaman niya sa lalaking 'yon. Pero hindi ako papayag, all of the Park holdings belongs to me and only me. Bilang umalingawngaw ang Cellphone at agad ko itong sinagot nang mapagalamang ang magaling kong Ate ang tumatawag. "What's up." "Go to Maritana Hospital immediately, maya ko na lang sa'yo ipapaliwanag." binaba niya agad ang tawag. "That sounds a chick, hmm?" sabi ni Froze. Sinamaan ko siya ng tingin. "That was my sister, you horndog!" Bakit naman ako pupunta sa hospital na 'yon? Para makita yung matanda siguro na nakalubog na sa higaan. Di agad ako tumayo para pumayag sa gusto ng kapatid ko. Maya maya ay tinext ko siya. 'balitaan mo na lang ako kung may nangyaring masama sa matanda' Atsaka ako pumasok sa bahay at iniwan ang mga ugok sa garden na nag-uusap. Sumeplang ako sa kama at naidlip. Nayayamot ako tuwing naiisip ko iyong babae. Saan ba nakakuha ng lakas ng loob 'yon na pumatol sa akin? Di hamak lumaki siyang salot sa lipunan. Mga ganoong klaseng tao dapat nililibing ng buhay. Dalawang linggo ang lumipas... Umuulan ng malakas, I wore my black suit with my black umbrella over me. May ibang naka shade para takpan yung namumugotong mata nila sa kakaiyak. Bawat taong lumalapit sa kabaong ni lolo binibilang ko. Ilan kaya ang makikinabang sa kayamanan niya ngayon wala na siya? Ako, ako lang dapat. Lumapit sa akin si Ate "alam mo ba sinabi ni lolo bago siya mamatay?" bulong niya sa akin. Syempre hindi, e wala ako noong namatay ang matanda eh. Hindi ako tumingin sa kanya at hinihintay siyang magsalita. " Anyone from the two of you and Light na mauunang makakapunta sa kanya bago siya malagotan ng hininga ay doon niya ibibigay lahat ng ari-arian niya." Hindi na kagulat gulat ang sinabi ni ate sa akin. Ganun mag isip ang matandan. Yes, Ganoon siya kababaw. Ngunit nang dinugtungan niya ang sasabihin ay umapaw ulit ang natutulog kong galit. "And sorry to tell you this but it was Light." Everybody who are close to my grandfather visited the house. Malalaman mo talaga sa kanila kung sino 'yong totoong nagluluksa at nagpapanggap lang. Lumapit ako sa malaking litrato ni lolo na naka display sa isang pader. Tinignan ko ito ng mabuti. We have the same eyes and nose, sigurado noong kabataan niya'y pareho kami ng mukha at pustora. "Kaya nga pinapadali kita pumunta sa hospital diba para ikaw ang mauna, Gusto kong pangalagaan mo ang Park Holdings gaya ng pag aalaga ni Dad dito noong nabubuhay pa siya. Ace! You have alot of potentials more than Light can offer. Hinding hindi iyon nakikita ni Lolo because you are focusing to destroy the enemy than showing what you really can do for the Company and for him!" Huminga siya ng napakalalim para kalmahin ang sarili. Tumingala siya at pumikit. "So anong plano mo?" kalmadong tanong niya. "Para sa aking ang lahat ng iyon. Nobody's above the real blood of Park." determinadong sabi ko. "Excuse me, pwede ko ba kayong makausap?" Kahit nakatalikod ako kilala ko ang boses na ‘yon. Si Atty. Francisco, ang lawyer ng matanda. Humarap naman ako. "For what?" tanong ko sa kanya. "Your Grandfather's inheritance, you have to know something." Nasa may pribadong lugar kami ng bahay, kasama ko si Atty. Francisco at si ate. Pinabasa akin ang sulat ni lolo bago siya namatay kay Attourney. "It was stated here that he will give the Park Holdings and all of his properties to his grandchild who can first to present a wife-to-be to his tomb." Ngumisi ako "sigurado ka bang lolo kong gumawa ng sulat na 'yan o ikaw?" Pinigilan ako ni Ate sa mga sinasabi ko. "Wife-to-be? So I'll go pick a girl, introduce to him then dumb her. That easy, Mothafcking ass." sarkastikong sabi ko pagpatuloy ko. Tumawa naman si Attourney na para bang may mali sa sinabi ko. "Getting a girl means easy, yes it is but getting the real one isn't." Tumayo ako at aalis na sana mula sa walang kwentang pag-uusap kaso pinigilan ako ni Ate kaya napabalik ako ng upo. "What your grandpa meant to say is a potential girl who can cook a meal, do the dishes, clean the house and a capacity to run the business as well." tinuro niya ako sa hita pataas patungo sa aking ulo. ".. and can change you." "I knew you Ace Alden, I doubt your whole being." pagkasabi niya yun, sinugod ko na siya at sinuntok, napahawak naman siya sa giliran ng labi niya na ngayon ay may bahid ng dugo. "Ace!" pagpigil ni Ate sa akin. Tumayo si Ate at hinawakan ako sa braso. Napansin ko si Light na nakasandal sa pintuan habang naka ekis ang dalawang kamay. Hindi ko alam kung nakinig siya o bago lang siya dumating. Ngumisi siya at umiling. "Ace, businessman is willing to risk in order to regain. Be like that." lumabas siya ng silid at isinara ang pinto. "Hindi ko alam anong gagawin, Ace. Babae lang yan, hindi yan isang malaking patibong." sabi ng kapatid ko. Tumingin ako sa bintana at tumingala sa kalangitang na umuulan parin. I'm not going to lose. "So? hahanap ka ng girlfriend?" tanong ni Ate. Natawa ako ng kaunti, anong kahibangan ba 'to. Binalik ko naman ang tingin sa kalangitan. Kahit patay ka na, minumulto mo parin ako. Hanep ka talagang matanda ka. Atty. Francisco's POV Walang may hawak ng mana. Wala pa. "Lo kamusta na po kayo?" "Buhay pa, atty. Frans." ngumiti si Lolo habang naka higa. "May pabor sana ako atty." tumingin naman ako kay lolo 'non. "Ano po 'yon?" Kinuwento niya ang tungkol kay Ace at sa mana na ipapamana ni Lolo sa kanya at dapat ay ako muna ang humawak at sinabi niya din ang mana para kay Light, na ang totoo para naman kay Ace. Alam ni lolo na hindi interesado si Light sa mana kaya may kompansya siya na hindi niya aagawin ang dapat kay Ace at kung hindi man magbago si Ace, sorry to say, pero kelangan kongibigay kay Light ang mana. "Hindi mo dapat pwedeng ibigay hangga't hindi siya nagbabago" tumango lang ako sa sinabi ni Lolo. "Gayunpaman, kailangan niyang makahanap ng girlfriend as soon as possible na makakapagpabago sa kanya?" tanong ko kay lolo at tumango naman siya. "Bakit po girlfriend naisip niyo?" pagtakakang tanong ko. Humarap siya sa akin atsaka ngumiti. "Alam mo kasi hijo, Ace is not a typical guy that easily falls for a person. He never been there, he's numb, he even don't know how to love, he never cares to someone. You know why? It’s only because love cures a heart that full of hatred and anger and I know kung sino man ang babaeng 'yon magagawa niyang mapabago si Ace. This is a challenge for him bago niya makuha ang yaman na dapat sa kanya." tumawa ang matanda. Gustuhin niya man o hindi, kailangan niyang magka girlfriend. Girlfriend na makakapagbago sa kanya. Siguro it takes time bago magkagirlfriend si Ace. Mahirap 'yon para sa kanya pero kung mangyari man ang imposibleng bagay na 'yon, ay mahahanap niya ang totoong yaman niya. Yamang hindi man kelan mawawala sa tao... ang pagmamahal. "Take the challenge Ace, goodluck" Fern's POV Naka uniform akong pumasok sa school pero lingid sa kaalaman ng lahat may foam akong suot sa ilalim na aking damit para kung may magtangka na naman sa buhay ko gaya nong nakaraang araw hindi na ako masasaktan pa nang husto. Hindi naman pwedeng i-handle ko na lang kay Light ang lahat, busy siya at hindi time to time ma poprotektahan niya ako. Pagpasok ko ng Room, himala ata pero para akong invinsible, hindi man lang ako pinapansin ng mga kaklase ko. Maya maya may Isang paperplane na nanggaling sa bintana ang lumipad papunta sa akin. Saktong naglanding pa ito sa mesa ko. Binuklat ko't binasa. Sabi ko na nga ba eh! Hindi talaga ako tatantanan ng lalakeng 'yon! May sinulat na naman siyang 'meet me in hell this afternoon' tapos parang dugo pa ang ginamit na tinta. Ni hindi ko nga mahanap ang langit dito, empyerno pa kaya?! Saan naman kaya na hell ang sinasabi niya? Di kaya doon sa Rooftop? 'Yong unang pagkikita namin dito sa school? Tinatakot ba talaga ako ne'to? pwes yan ang inaakala niyang matatakot niya ako. Pumunta naman ako sa rooftop, yung hell na sinasabi niya. Kung aatras ako baka isipin niyang duwag ako. Napuna ko naman siya doon. "Hoy!" pagtawag ko sa kanya. Humarap naman siya sa akin at tinanggal ang shades niya. Ngumiti pa ito sa akin nang napakatamis. "Bakit mo ako pinapunta dito? may level 2 na ba 'yong pagpapahirap mo sa akin? Hindi kita aatrasan, di ako natatakot sayo, baka gusto mo suntukan pa tayo, ano?! Di kita uurunga---" Naputol ang sinasabi ko at nagulantang nang bigla niya akong hinalikan sa labi. Sandali lang pero 'yong init sa labi niya, ang tagal mawala. Ramdam ko pa nga eh. Napakapit naman ako sa labi ko at parang pinako sa kinatatayu-an ko. "Err. Teka?!" Aangal pa sana ako at magtatanong kung bakit niya ginawa 'yong pero pinigilan niya akong magsalita gamit ang hintuturo niya na nilagay sa labi ko para patahimikin ako. Ngumiti siya sa akin at unti unting lumapit sa tenga ko. Napakabog naman ng malakas at mabilis ang puso ko nang marinig ko ang sinabi niya, hindi ko akalain na may lalakeng magsasabi sa akin ng ganoon. "Will you be my girlfriend?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD