Hindi ako nagkamali ng akala. Parang mga bubuyog na nagsikuyog sa akin ang mga ka-opisina ko pagkabalik na pagkabalik palang ng aking cubicle. Sunod sunod ang mga katanungan nila sa tungkol sa pagkakakilanlan namin ng bagong boss. "Close na kayo agad? Paano?" "Magkakilala na pala kayo bago pa man kayo nagkita dito" "Paano mo siya nakilala? Diba galing kang Maynila? Naging boss mo din ba siya sa dati mong pinapasukan?" "Mabait ba siya?" "Anong pinag usapan ninyo?" "Bakit parang may something kayo? At kung anu-ano pang nakakangiming mga katanungan. Para makontento sila ay sinagot ko ng mga na-filter ng impormasyon tutal ay di naman sila titigil hanggat di ako nagsasalita. Sinabi kong naging sekretaya niya ako dati pero hindi ko sinabing may nakaraan kami. Hindi naman ako nagsinung

