Prologue

1599 Words
PABABA si Lahynna sa front porch nang marinig niya ang pamilyar na ingay na nagmumula sa may lawn area. And surely, doon na naman nakatambay ang grupo sa malawak na grounds nila. Napansin niya ang benteanyos na bunso at nag-iisang kapatid na si Lanryd na nagmamadaling lumabas ng bahay dala ang bowl ng potato chips. Ang mga magulang nila? Well, malamang na pumasok na ang Papa nila sa trabaho. Head researcher iyon ng isang process food company. Ang Mama nila, malamang na naglalaba. “Anong mayro’n?” Inginuso ni Lahynna ang direksyon ng lawn. “Ah, may tournament ng DOTA 2. Kasama ‘yongteam namin sa championships.” Namilog ang mga mata ni Lahynna sa excitement. “Talaga?” Tumango si Lanryd at mabilis na siyang iniwan ng kapatid. Nagtatakbo ito papunta sa lawn. Malamang na excited din sa tournament. Ganoon naman palagi. Sa bahay nila madalas tumambay ang barkada ng kapatid. Random age ang grupo. May kaedad ni Lanryd, meron din naman kaedad niya. At mayro’ng mas matanda. Meron ding babae sa grupo nina Lanryd. At ‘yon ay ang batang ina na pinsan niya, si Eina. Pero iisa lang ang pagkakatulad ng lahat. Mga gamer ang mga iyon sa lugar nila. Wala pa rin palang nagbago… Hindi na siya madalas umuwi sa Bohol para maiwasan na din ang masasakit na alaala. Pero kasi, mas masakit pala kapag nag-iisa. Mas masakit kasi mas madaling ma-trigger na maalala ang hindi na dapat inaalala pa. Dumeretso si Lahynna sa lawn para makinood din sa game ng grupo. Bigla ang daloy ng excitement niya. Matagal na din kasi siyang hindi nakakapaglaro. Madami na kasing nangyari sa buhay niya nitong nakaraan. Pasalamat nalang siya at kinaya niya ang lahat-lahat na hindi inaatake ng sakit. She had an Idiophatic Dilated Cardiomyopathy. Hindi nagpa-pump normally ang dugo niya. Inborn daw iyon pero noong college na siya na-detect. Ilang beses na siyang nagkaroon ng seryosong atake at iniingatan ng mga magulang na maulit ang mga iyon. Babala na din ng mga doctor sa kanila dahil uncurable ang sakit niya. Nag-aalala ang doctor niya na baka mauwi na siya sa severe cases ng DCM. Nahinto si Lahynna sa paglalakad nang makita ang pamilyar na pamilyar na bulto. At napahawak nalang siya sa sariling dibdib. Magkakahalong damdamin ang nagpapahirap sa kanya sa araw-araw at hindi niya alam kung paano pa niya nakakayanan ang mga iyon. Kanya-kanyang sigawan na ang mga naroroon sa lawn dahil sa tuwa. Siguro ay nananalo ang team. “Oy, Hynna! Aba, himala na lumabas ka ng lungga mo ngayon?” bati sa kanya ni Eina. Sandali siyang luminga sa paligid. Hinahanap niya ang baby nito. Pero si Rubick ang naabot ng kanyang mga mata. Nilalaro nito ang bata na mahigit dalawang taon na. Para siyang sinaksak ng kuntsilyo sa tapat ng kanyang puso. Anak nila dapat iyon. Siya dapat ang nasa tabi ni Rubick. Siya dapat ang kasama nito sa bahay na binili nito sa sentro. Siya dapat… Pinilit ni Lahynna na patayin ang hindi magagandang damdamin. Hindi iyon makakabuti sa kalusugan niya. Tumayo si Rubick karga ang bata at iniabot kay Eina.He was still that tall, over six feet and standing so attractive. Still lean but she knew that behind his semi-fitted polo, were the powerful muscles on his chest and shoulders. Dati nang maganda ang katawan ni Rubick pero sa tuwing dumadalaw ito sa DJP-Main, o ang main branch ng De Juego Pharma, para bang parating may nagbabago rito. He used to appear with so much improvement. And this recently, she noticed how perfect his sculpture is. Nag-gi-gym ba ito nitong nakaraan at naging ganoon kaganda ang katawan? Lumapad at gumanda ang hubog ng balikat nito. His skin was lightly tanned and it doubled his attraction. Tripled it with his snob and silent appearance. God! What did she miss? “Have to go. Umuwi na kayo pagkatapos ng game.” Kung magiliw ang boses ni Rubick sa bata, kasing-lamig naman ng yelo nang si Eina na ang kausapin nito. Nanatili siya sa kinaroroonan habang pinapanood ang tatlo. Kahit naka-side view ay pansin niya ang ekspresyon ng gwapong mukha ni Rubick. Pockerfaced itong sumilip sa laro ng grupo at puno ng reservation nang magpaalam sa mag-ina nito. Sa mag-ina nito na dapat ay siya at ang anak nila. At parang gustong kumawala ng puso niya nang sandaling bumaling si Rubick sa kanya. His eyes were unfathomably sad it seems to slice her heart. His handsome face was devoid with emotions but his eyes said it all. He was such a lonely handsome man. At hindi niya alam kung sino ang dapat sisihin sa lahat ng iyon. Nagsimulang humakbang si Rubick palapit sa kanya. Napapalunok si Lahynna nang malapit na malapit na si Rubick sa kinatatayuan niya. Derektang nakatitig siya sa mga mata nito at ganoon din ito sa kanya. Pero nang tumapat na ito sa kanya ay para bang hindi siya nito nakita at lumagpas na, deretso palabas ng gate nila. Walang lingon-likod na sumakay ito sa itim na four-wheel na hindi niya napansing naka-park pala sa tapat ng bahay nila. At parang gustong sumabog ng puso niya sa magkahalong sakit at pangungulila. Ni hindi siya nito tinapunan ng ilang sandali para batiin. Pinigilan ni Lahynna ang mapahikbi. He wasn’t the same man who will look at her with so much love and adoration. Hangin nalang siya ngayon kay Rubick. At kapag natapos na ang proseso ng annulment papers nila, tapos na tapos na din sila. Mayaman sina Rubick. At ipinagtataka niyang hindi pa ito kumikilos para mapadali ang proseso ng annulment. Dahil sa bagay na iyon kaya maski paano ay umaasa siyang hindi pa nagbabago ang isip ni Rubick? Hindi pa nito gustong maputol na ang dating meron sila. May pag-asa pa. Siya ang nagtulak palayo sa dating asawa. Kahit na hinahayinan siya ni Rubick ng maraming alternatives para sa sitwasyon nila, itinulak pa rin niya ito palayo sa kanya.Ilang beses na lumapit ulit si Rubick sa kanya para kumbinsihin siya. “Eina and Rain can live with my mother and I’ll provide for them. At tayo, bumalik tayo sa dati, Belle. Pwede pa tayong bumalik sa dati.” “And then you will raise a bastard? May uuwian kang mag-ina sa kabila tapos uuwi ka sa akin dahil responsibilidad mong umuwi bilang asawa ko?” “What the hell, Lahynna Belle!? Hindi lang basta obligasyon ang tawag do’n! I want to be with you for the rest of my life… Ikaw ang gusto kong makasama at hindi sila.” Singhal nito sa kanya na tila nagpipilit lang na pigilan ang damdamin. Malamig na sinalubong niya ang mga mata ni Rubick. “And you told me you will never repeat what he had done before? Pero ang alternate na ibinibigay mo sa akin ay hindi malayo sa ginawa ng Daddy mo. Ang ipinagkaiba lang namin, kapatid ni Mommy Miranda ang naging kahati niya samantalang sa akin ay pinsan.” Umawang ng malaki ang bibig ni Rubick. Pain crossed his eyes, it slays her. Yet, she needs to stand strong in front of him. “No, Rubick. Ayokong matulad kay Mommy Miranda na sa sobrang pagmamahal niya sa Daddy mo…” “Damn you!” Sigaw ni Rubick sa kanya. Namumula ang mga mata sa nagbabantang mga luha. Pagkuway bumaba na ang boses. Bumuga ng hininga. At pakiramdam niya, sa mga sandaling iyon, magsisimula na ang kanyang sintensiya… “You didn’t trust me anymore. Hindi ko agad na-realize ‘yon. Wala na nga tayong pupuntahan pa.” And now, she was suffering the results of her decision. Because honestly, she was painfully missing him. “Ate?! Halika dito, nananalo na kami!” sigaw sa kanya ng kapatid. Pinilit niyang ngitian ulit ang kapatid. It’s been six aching months. Anim na buwan na ang mabilis na lumipas pero hindi pa din nauubos ang sakit. Paano ba naman? Lagi din silang nagkikita. Madalas ito sa main branch ng DJP kung saan siya nagpa-transfer. Balak na nga niyang humanap ng ibang trabaho pero somehow, ayaw niyang iwan ang kompanya. Ayaw niyang tuluyang iwan si Rubick… Gusto na niyang pagsisihan ang ginawa. Gusto niyang pagsisihan kasi siya din naman itong nasasaktan. Kaya lang, ang bagay na nakakasakit sa kanya, iyon din ang alam niyang tama at dapat gawin.Hindi kasi siya pwedeng maging makasarili. Hindi pwede… “Ang galing nila, Hynna. The best talaga ang grupo natin.” Tuwang-tuwang sabi ni Eina habang karga ang bata. Gusto niyang magalit kay Eina. O baka inggit ang nararamdaman niya sa pinsan at unti-unti iyong nauuwi sa galit. At hindi niya rin alam kung saan pa kumukuha ng kapal ng mukha ang babae para magpakita sa kanila pagkatapos ng lahat ng eskandalong dinala nito sa pamilya niya. Hindi pinansin ni Lahynna si Eina. Hindi niya kayang makipag-plastikan rito kagaya ng ginagawa nito. Though sinabi ng kanyang mga magulang na kailangan niyang harapin ang mga taong nanakit sa kanya ng may dignidad, hindi pa din niya kayang maging masaya para sa mga iyon. “Saan kayo? Sentinel o Scourge?” pilit pinasiglang tanong ni Lahynna sa mga gamer. “Scourge.” Sagot ni Damon sa tabi niya na sa laptop nakatutok ang mga mata. “‘Yong goblin dapat ang pinili mo, Damon!” Pero wala na sa laro ang utak ni Lahynna. Nilipad na iyon papunta sa kakasakay palang sa Audi na lalaki. Weekend, ibigsabihin ay dederetso ito sa restaurant ng ina. Ano kaya kung sumilip rin siya roon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD