Darius Lazaro P.O.V
Nandito kami sa Hideout namin wala dito si Drek at si boss kami lang ng kakambal ko ang nandito. Naglalaro kami ng kakambal ko ng Mobile legends. Sobrang higpit ng hawak ko sa selpon ko habang nag lalaro.
Hindi korin mapigilan na hindi magmura t'wing namamatay ako.
"Zarius! Tulungan mo'ko dito! Mamatay na ako!"si Zarius na kakambal ko ay magaling sa laro na'to. S'ya ang nag aya sa'kin na maglaro at dahil nga wala akong magawa umuo nalang ako.
Habang busy kami sa paglalaro. Biglang bumukas ang pintuan ng hideout namin. Tinaas ko ang tingin ko para tingnan kung sino ang pumasok. Agad kong napindot ang back ng cellphone ko nang makitang si Boss 'yun.
"The f**k! Ba't umalis ka Darius! Mananalo na tayo-"napatigil sa pagsasalita si Zarius ng makita si Boss. Tinago nito ang selpon n'ya at nag akto na parang walang ginawa.
"Boss! Anong ginagawa mo dito?"tangang tanong ni Zarius kay boss. Sinamaan n'ya ito ng tingin. Natahimik bigla si Zarius kaya natawa nalang ako sa kan'ya. Napatikom nadin ako ng bibig ng samaan din ako nito ng tingin.
"Call Drek, I have something important to announce,"seryosong saad nito. Napaseryoso nadin kami dahil alam namin na may nangyare. Tumayo si Zarius para tawagin si Drek.
Tinanong ko si Boss. "Boss, gumagalaw na sila?"
Umupo ito sa sofa. Napatingin ako sa damit nitong may bahid na pula. Mukhang gumagalaw na nga sila. "Yep, they're making their first move. And the hell. They almost hurt my wife!" ani nito. Himig sa boses nito ang galit. Lumiliyab din ang mata nito ng apoy.
Pero may nakakuha ng atensyon ko. May asawa si Boss?! Big news ito! Simula kasi no'ng namatay ang asawa n'ya. Lumalayo ito sa mga babae kumbaga ayaw nito sa mga babae. Kaya nakakagulat lang malaman na may asawa na ito.
Mga ilang minuto lang ay dumating na si Zarius kasama si Drek. Umupo sa tabi ko si Zarius.
"Anong meron?"tanong kaagad ni Drek pagkaupo nito.
"I have something important to tell. The Zacharias Group. They're making their moves,"napaseryoso ang mukha nila sa narinig.
Maze Sandra Fort P.O.V
Umaga na pero kahit hindi pa nag-aalarm ang alarm clock ko gising na ako. Kinuha ko ang cellphone ko para tawagan si Callie.
Agad n'ya namang sinagot. "Hello! Kingina! Aga aga tumatawag ka! Puyat ako ngayon Maze! Wahh!"napapikit nalang ako ng mata.
Hindi ko nalang pinansin ang paninigaw nito sa'kin gan'yan talaga s'ya. Ayaw n'yang may tumatawag sa kan'ya ng ganito kaaga anong oras naba? Tiningnan ko ang waist watch ko para tingnan kung anong oras naba.
Saktong 5 a.m na. "Gumayak kanang babaita ka, Pupunta pa tayong Arena remember? And don't be late. Kilala n'yo naman si Lance, better arrive early."
Paalala ko bago ko patayin ang tawag. Tiningnan ko ang repleks'yon ko sa salamin. Nakaayos na ako puro black ang suot ko, kinuha ko narin ang maskara at sinuot.
Pagpumunta ka sa Arena kailangan nakamaskara ka. Para walang makakakilala sa inyo dahil kung hindi ka magsusuot ng maskara mahirap na.
Pagkatapos kong ayusan ang sarili ko kinuha kona ang paborito kong motor 'yung regalo ni Mama sa'kin at agad na pinaandar 'yun papunta sa Arena.
"Nandito kana,"saad ni Lance ng makita ako. Nilapitan ko ito at niyakap.
"Paano mo nalaman na ako 'to?"tanong ko dito. Dahil alam ko naman na wala akong pinagsabihan sa susuotin kong maskara.
He winked at me. "S'yempre ako pa,"natatawang hinampas ko ang balikat nito.
'Yung tatlo wala parin hanggang ngayon. Napalinga linga nalang ako. "Wag mona silang hanapin, Nasa may baba sila,"nabaling ang atensyon ko sa kan'ya.
"Ha? Nasaan sila?"tanong ko dito. Tinuro n'ya ang baba ng Arena.
"Nasa baba, Mukhang lalaban sila,"may excitement sa boses nito. Napatingin ako sa baba at nakita kong magkasama ang tatlo.
"B'wesit na tatlong 'yun! Hindi ako sinama!"asik ko. Dahil matagal na noong lumaban ako sa Arena.
Napatingin ulit ako kay Lance ng magsalita ito. "Mukhang tatlo lang ang p'wedeng maglaban, kawawa ka naman,"
Inis na sinuntok ko ito pero nainis lalo ako ng nasalag nito ang suntok ko. Todo tawa ito habang sinasalag ang mga suntok ko. At napahinto namang ako ng nagsalita na ang Mc.
"So," panimula ko, "Did you find something weird?"
Tumikhim ito at tumingin sa baba bago ako sagutin."Yep, may nahanap ako, but I still don't know the reason,"napatango tango nalang ako.
"Good Day! Everyone! Are you excited for the fight? Between Melodies and Chandies?!"napangiwi ako sa pangalan nang groupo nila. Nagsi-ingayan ang mga tao sa Arena.
"Ang badoy,"komento ko. Natawa nalang si Lance sa gilid ko sa sinabi ko.
"I heard, from Callie that you investigated someone?"tanong n'ya pero hindi ito nakatingin sa'kin, dahil nakafocus ang atensyon nito sa baba. Napakagat labi ako.
Sht! Ang ingay talaga ng bunganga ni Callie. Bumuntong hininga mona ako bago sumagot. "Yes, I h-have,"mahinang ani ko.
Nakita ko sa gilid ng mata ko na tumango tango ito. "I see."
Nakaramdam ako ng intense kasi bigla s'yang tumahimik. Kita ko din na gumalaw galaw ang panga nito. Alam kong nanggigigil ito sa ngipin n'ya.
"Lance-"pinutol ako nito sa pagsasalita. Hindi ko maiwasan na masaktan.
"Let's talk about it, later."napatungo nalang ako. Ayaw ko ng ganito.
I feel like my heart shattered, nagiging ganito s'ya t'wing may hindi ako sinasabi sa kan'ya and I know feeling n'ya mawawala ako sa kan'ya. Kasi ganoon s'ya magisip.
"Let's start the battle!"
Tumingin narin ako sa baba nang marinig ko na magsisimula na ang laban.
Pinatunog na nila ang Gong. Nagsisimbolo na magsisimula na. Unang umatake ang gropo ng Chandies kalaban ng mga kaibigan ko.
Combat lang ang labanan, bawal ang may mga dalang armas because that's against the rules.
Sa laban may Rule's kaming sinusunod.
1. Pagcombat ang labanan, bawal ang may
armas or anything.
2. P'wedeng maglaban, bawal pumatay.
3. If the opponent surrender that's means panalo ka sa laban.
4. Bawal tumulong sa laban, kung tumulong ka may punishment, and so on.
Kaya ang magagawa ko nalang ay mag observe dahil alam ko na may tactics silang gagawin na hindi mapapansin ng manonood. My eyes is good at observing because nakikita ko kaagad pag may ginawang hindi maganda ang mga tao sa paligid ko. Kahit malayo makikita't makikita ko 'yun.
My eyes widen, when i saw something sharp sa kalaban ni Callie. Halatang hindi ito napansin ni Callie because she's focus fighting her opponent hand by hand.
Kinuha ko ang dagger na nasa may binti ko at experto na tinapon 'yun sa direksyon ni Callie. Sinigurado ko na walang nakapansin sa ginawa ko. Nakita ko sa gilid ng mata ko na napatingin sa'kin si Lance he knows what I did. I know na sinuway ko ang rule's na bawal tumulong but, I'd make sure nobody notice it.
"Maze, you're in trouble,"
Callie Adler P.O.V
Kalaban ko ngayon ang babaeng hati ang maskara, makikita lamang ang bibig nito. Black ang lipstick na suot nito na nababagay sa kasuotan n'ya. Matalim na titig ang pinukol nito sa'kin.
"Mananalo ako sa laban natin, Bitch."napataas ang kilay ko sa tinawag nito sa'kin. Ako b***h?
Humanda ka sa'king burikat ka! Agad kong sinalag ang kamao nito na gustong tumama sa t'yan ko. Mabuti at mabilis ang reflexes ko.
Puro iwas lang ang ginagawa ko habang s'ya ay gigil na gigil na sa'kin dahil nga puro iwas lang ang ginagawa ko.
"Wag puro iwas ang gawin mo! Lumaban ka! Duwag!"hindi ko pinansin ang sinasabi nito sa'kin.
Itong gaga na'to hindi manlang pinansin na ginagawa ko ito para mapagod s'ya. Dahil kita ko na todo na ang pinapakawalan nito habang sinusuntok ako.
"Putcha! Lumaban ka sabi!"natawa nalang ako dahil sobrang galit na s'ya sa'kin.
Kumuha ako ng tiempo para sumugod, nakita ko na hindi n'ya medyo binibigyang pansin ang paa nito. Kinuha ko 'yun na chance para patumbahin s'ya gamit ang paa ko.
Pero bago kopa magawa 'yun. Naramdaman ko sa likod ko na may dagger na papunta sa direksyon ko kaagad akong tumambling. Para itago ang dagger ni Maze sa likuran ko. Hudyat 'yun na may dalang patalim ang kalaban ko.
Pasimple kong tiningnan ang katawan nito para hanapin kung saan n'ya tinago ang patalim pero hindi ko nahanap, that's only means hawak n'ya na.