SANDALING na – disorient si Frances nang pagmulat niya ng kanyang mga mata ay hindi pamilyar na silid ang kanyang namulatan. She was alone in a room that was painted white. At base sa experience niya ay alam na niya kung nasaan siya. Awtomatikong napahawak siya sa kanyang pipis pang tiyan.
"Please, God no!” natatarantang usal niya. Kaagad na namasa ang kanyang mga mata dahil sa takot na muling naulit ang nangyari noon. Sandaling inalala niya huling pangyayari bago siya napunta sa lugar na iyon.
Habang naghahanda ng almusal sa kusina kasama ng mga kasambahay ay bigla siyang nakaramdam ng pagkahilo, kasunod ng pagdilim sa kanya ng lahat.
She was so happy before that because she had found out that she was pregnant. Positibo ang resulta ng pregnancy test na ginawa niya sa sarili. Magkakaanak na ulit sila ni Justin. Excited siyang sabihin sa kanyang asawa ang magandang balita pagkauwi nito mula sa ospital. Hindi niya ito nakasama sa pagtulog ng nagdaang gabi dahil nagkaroon ng emergency sa pasyente nito at kinailangang iwanan siya.
Bumukas ang pinto ng hospital room na kinaroroonan ni Frances at sumungaw roon ang guwapong mukha ng kanyang asawa. Tuluyan na siyang napaiyak nang makita ito.
“Hey, what’s wrong?” nag – aalalang tanong ni Justin na mabilis na nakalapit sa kanya.
Hindi sumagot si Frances. Isinubsob niya ang mukha sa dibdib nito at doon umiyak.
“Sweetheart, stop crying. Makakasama sa baby natin ‘yan, eh. Tell me, may masakit ba sa ’yo?” sabi pa nito habang hinahaplos ang kanyang likod.
Napaangat ng ulo niya sa narinig. “We still have our baby?” naninigurong tanong niya.
“Of course, sweetheart. Our baby is healthy. Wala kang dapat na ipag – alala.”
“A - akala ko nawala na siya dahil nag - collapse ako, baka… baka may nangyari na naman…”
“No, sweetheart. Walang nangyari sa inyo ng babay natin. Nag - collapse ka dahil napuyat ka kagabi. Luckily, naagapan kang saluhin ng mga kasambahay bago ka mahulog sa sahig. Nasa gate na ako noon, nagdesisyon akong dalhin ka rito para mas masuri ang kalagayan mo,” paliwanag ni Justin habang pinapahiran nito ang luha sa kanyang mga mata.
“Thanks, God!” nausal niya.
“Yes, thanks God!” usal din ni Justin. “Magkakaanak na uli tayo,” halata ang excitement na sabi nito. Nagsalo sila sa mahinang tunog ng kagalakan at pagkatapos ay naghinang ang kanilang mga labi.
Isang taon na ang nakakaraan magmula nang maikasal sila. Nagpakasal sila anim na buwan pagkatapos nilang magka – ayos. Almost everyday was a blissful day since then. Bumabawi ito nang husto sa mga panahon na hindi sila nagkasama. Madalas silang mag - date at kung wala rin lang itong trabaho sa ospital ay laging siya ang kasama nito.
Natuklasan ni Frances na mas workaholic pa pala siya kumpara sa kanyang asawa na inuunawa naman nito. Pansamantalang isinantabi ni Justin ang planong pagbubukas ng clinic at diagnostic center na pinaplanong itayo nito at ni Anthony noon pa man. Gusto kasi nitong magbigay ng mas mahabang oras sa kanya.
“You have to reduce your workload. I’ll take care of you and our baby,” humihingal na sabi ng asawa matapos ang matagal–tagal na paghihinang ng kanilang mga labi.
Tumango siya. “Anything for our baby.”
Sa pagkakataong iyon ay ipo – promote na talaga ni Frances ang assistant niya para ito na ang mag – manage ng Perfect Petals. Naisip din niyang tanggapin na ang partnership at expansion na inaalok ni Troy sa shop niya at ipasa rito ang mas maraming workload. Makakatulong din iyon para mawala ang depression ng best friend niya. Troy had an ACL injuiry, dahilan upang hindi ito makapaglaro ng basketball sa buong taon.
“I wish to have twins,” sabi pa niya.
“We’ll pray for that. I love you so much, sweetheart,” sabi ni Justin bago siya muling niyakap.
“I love you, too.” Kuntentong muling isinubsob ni Frances ang mukha sa dibdib ni Justin at mas lalong naman nitong hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya. Matagal sila sa ganoong ayos hanggang sa sunod–sunod na nagdatingan ang mga pamilya at mga kaibigan nila para batiin sila.
PEACH SEVILLA
*** WAKAS ***