Chapter Three

4773 Words
BIHIRANG um-attend ng mga party si Justin pero hindi niya napahindian si Troy nang imbitahan siyang dumalo sa birthday nito na idinaos sa Malate branch ng Jason Pub. That bar and its branches all over the Metro and nearby provinces were managed by his twin brother BJ. Okupado ng party ang buong second floor ng bar. Karamihan sa mga dumalo ay kapwa basketball player ni Troy, ilang kasamahan sa pagmomodelo, at ang barkada nila. Pagkatapos ng isang oras ay nag – umpisa nang mainip si Justin. Hindi kasi siya maka–relate sa pinag–uusapan ng Kuya Gabe ni Frances at pinsan nitong si Lance tungkol sa drag racing. Panay rin ang tingin niya sa paligid, hinihintay ang pagdating ni Frances. Tumanggi ang dalaga na sunduin niya para sabay na silang magpunta sa party. May client meeting pa kasi ang dalaga kasama si Fran, anak ng Ninang Danna niya, sa isang big-time client. Dadalo rin si Fran sa party kaya sasabay na lang daw si Frances sa pinsan sa pagpunta sa venue. He really couldn't wait to see Frances. Nasanay na siyang araw – araw nakikita ang dalaga at nakakasama magmula nang pumayag itong ihatid at sunduin niya mula sa trabaho isang linggo na ang nakararaan. Madalas ay sa mall lang naman sila nagpupunta kapag sinusundo niya ang dalaga. He really loved to be with her. She was fun, cool and very talented. Walang dull moment kapag kasama niya ito. Gusto niya ang maturity nito at sense of humor.  Laging may sense ang mga sinasabi at marami itong alam sa lahat ng topic. He noticed Frances as lovely and beautiful even before she turned sixteen. Gustong – gustong dinadalaw ni Justin ang tahanan ng mga Yuzon dahil nakikita niya ang dalaga na laging may magandang ngiti sa kanya. Gustong – gusto rin niya ang personal na pag – aasikaso nito bukod pa sa pagpapakain sa kanya ng kanyang mga paborito. Pero alam ni Justin na nakatatandang kapatid lang ang tingin nito sa kanya at inakala na para sa nakababatang kapatid lang ang fondness na nararamdaman para sa dalaga dahil ang ate nito ang nililigawan niya noon. Pero nag-iba na ngayon. Dahil hindi naputol ang komunikasyon nila ni Frances ay mas napalapit siya rito. Hanggang isang araw ay ma – realize na lang niya na in love na siya sa dalaga. Hindi ganoon ang naramdaman niya noong niligawan niya ang Ate Francine nito. It was far different. Ni minsan hindi siya nakaramdam ng lungkot noon kapag hindi niya nakikita o nakakausap si Francine, kumpara ngayon kay Frances na isang araw lang na hindi niya makita ang magandang mukha kahit sa webcam lang o marinig ang boses nito ay bumibigat na ang kanyang dibdib. Much more kapag inabot pa iyon ng ilang araw. Hindi na siya makapag– concentrate sa kanyang pag – aaral.            Ngayong habang nakabakasyon si Justin ay desidido na siyang sabihin sa dalaga ang kanyang nararamdaman. Pero lagi na lang ay nauunahan siya ng hiya at takot na magalit at layuan nito oras na magtapat siya dahil baka hindi naman pala siya gusto ng dalaga.           Ilang sandali pa ay natanaw na ni Justin si Frances kasama ng magkapatid na Fran at Denise. Tumayo siya mula sa kinauupuan para salubungin ang mga ito. Pero nang makita siya ng iba pa nilang mga kaibigan ay sandaling nakipagkuwentuhan muna si Justin sa mga ito kaya tumagal ng ilang minuto bago niya nagawang malapitan si Frances na kausap ni Lance.  “Pumayag ka na kasing makipag-date kay Luke,” narinig niyang sinabi ni Lance kay Frances.  “I’m sorry, Lance, pero busy ako kaya ayoko munang makipag–date,” sagot ni Frances habang nakatingin sa kanya. “Who’s Luke, another model or an actor?” kunot – noong singit ni Justin. Hindi niya gusto ang pamimilit ni Lance na makipag - date si Frances sa kung sino mang Luke na iyon na marahil ay kapwa nito modelo. “Model. I really know this man, bro. Sa tingin ko bagay sila ni Frances,” patuloy pang pamimilit ni Lance. “Stop matching, Frances to any other guy, bro. She can have a boyfriend on her own. Kapag nalaman pa ito ni Ken magagalit ‘yon sa ’yo,” tukoy niya sa pinsan ni Frances sa father side na overprotective sa mga kapatid nito at mga pinsan. “Bro, back off! Masyado kayong overprotective kay Frances, at ikaw naman panay ang bakod mo. Let her enjoy being single,” asar na sabi ni Lance bago sila iniwan. Napailing na lang si Justin habang umuupo sa binakanteng upuan ni Lance. “Sa tingin ko lasing na si Lance,” sabi ni Frances habang nakasunod pa rin ng tingin sa pinsan. “He can take care of himself. Fran is also here. Sisitahin n'on si Lance kapag nakita siya.” Ibinaling nito ang tingin sa kanya. “Kumain ka na ba?” “Yes, with your Kuya Gabe and BJ awhile ago. Ikaw?” “Yes, sa meeting kanina.” “Oh, that’s why you're drinking beer now,” sabi ni Justin habang nakatingin sa bote ng beer na nasa harapan ni Frances. “Oh, shut up, there’s nothing wrong with a bottle of beer. Hindi naman ako maglalasing.” “Right. Mabuti na lang dumating na kayo, kanina pa kita hinihintay.” “Hay, naku, kung hindi lang magagalit si Troy hindi talaga ako pupunta rito.” Napangiti si Justin sa narinig. “How about going with me now?” Napatitig ito sa kanya. “Ano’ng iniisip mo?” Halatang na - excite ito sa narinig. “This place is not for us, let’s go somewhere.” “Pero baka magalit si Troy kapag nalaman niyang aalis na kaagad tayo,” nag – aalalang sabi nito. “Hindi natin kailangang magpaalam. Sa dami ng bisita, hindi rin nila tayo mapapansin na umalis. So, let’s go?” tanong niya sabay tayo at inalahad ang isang kamay.  Walang pagdadalawang - isip na humawak ang dalaga sa kamay niya. Umalis sila ng bar na wala man lang nakapansin sa kanila.   NAKARATING sina Frances at Justin sa Baywalk. Kanina pa sila magkahawak – kamay na naglalakad at nagkukuwentuhan nang ma – realize ni Frances na hindi sila katulad ng ibang magkaparehang naroon dahil magkaibigan lang sila. Napabuntong – hininga siya nang ma – realize na hindi na naman niya nasunod ang ipinangako sa sarili na iiwasan na ang binata. Naalala rin niya na nagbakasyon ang Ate Francine niya sa hacienda ng lolo nila sa Davao para makapag – isip nang husto kung sino sa mga manliligaw ang sasagutin nito. Nang malaman iyon ni Frances ay hindi niya naiwasang lihim na lumuha at masaktan. Nanalangin si Frances na sana si Anthony ang piliin ng ate niya dahil muli na namang nakipag - date sa kaibigan nila. Pero pakiramdam niya ay si Justin ang pipiliin ng kapatid. Hindi kasi umalis si Anthony ng bansa.Kung talagang si Anthony ang gusto ng ate niya, dapat noon pa ito pinili ng kapatid niya kung kailan nasa malayo ang isa pa nitong manliligaw. “Hey, ano’ng problema? Ang lalim n’on, ah,” komento ni Justin na napahinto sa paglalakad at humarap sa kanya. “Puwede bang bumalik na tayo sa kotse? Nilalamig na ako, eh.” “Okay,” sabi nito at inakbayan siya. Habang pabalik sila sa sasakyan, hindi niya naiwasang mag – isip kung magiging ganoon pa rin kaya ka – sweet sa kanya ang binata kung magiging girlfriend na nito ang kanyang kapatid. Siguradong hindi. At maling- mali na ipagpatuloy ni Frances ang kanyang kahibangan. Tila wala sa sariling napalaki ang hakbang niya pabalik sa sasakyan. Nauna siyang pumasok sa kotse. “Puwede na ba tayong umuwi?” tanong niya nang makaupo si Justin sa driver’s seat. “Mamaya na, gusto pa kitang makasama. Bakit nga pala wala kanina sa party si Francine?” kaswal na tanong nito na halatang iniba ang usapan. Napakunot noo siya. “Hindi mo alam? Hindi ba nagpaalam si Ate sa ’yo?” Si Justin naman ang napakunot – noo. “No, ilang araw ko nang hindi nakikita ang ate mo. Bakit, saan ba siya nagpunta?” “Sa Davao, kay Papa Angelo. Nagpunta siya roon para magbakasyon at makapag – isip kung sino sa inyo ni Anthony ang sasagutin niya.” “What?!” Rumihistro ang pagkagulat sa mukha nito. “Nakapagdesisyon na si Ate, Justin, pag – uwi niya ay pipili na siya sa mga manliligaw niya kung sino ang sasagutin, kasama na kayo roon ni Anthony,” patuloy niya. “Sigurado ka ba?” shocked pa ring sabi nito. “Frances, huli na ang lahat para sa amin ng ate mo dahil iba na ang sitwasyon ngayon. Hindi ko na siya nililigawan at wala na akong romantic feelings para sa kanya.” Si Frances naman ang nagulat sa sinabi ng binata. “Pero noong nakaraang linggo lang, nakipag - date ka sa kanya, ‘di ba?” “Kung ang tinutukoy mo ay noong isang linggo na hinatid ko sa bahay n’yo ang ate mo,hindi ‘yon date gaya ng iniisip mo dahil kasama rin namin sina Janine, Denise at Ethan. Nonood kami ng Women’s Volleyball game. Niyaya kami ni Denise dahil sa La Salle sila grumaduate ni Ethan at kami naman ni Francine sa UST. Pero ‘yong buong oras na magkakasama kami, hindi ako nagpakita ng sign sa ate mo na manliligaw uli ako sa kanya. Kami pa nga ni Denise ang mas nag – usap, eh,” paliwanag nito. Nakatingin lang siya kay Justin  habang naguguluhan. Naninwala siya rito. Walang dahilan para magsinungaling ang binata sa kanya. Nagtataka lang siya kung bakit nagdesisyon ang ate niya ng ganoon. “Nag – volunteer ako na ihatid ang ate mo dahil nagbakasakali ako na makikita kita, makikipagkuwentuhan pa sana ako sa ’yo. Pero tulog ka na pala, kaya umuwi na rin ako kaagad,” dugtong pa nito. Lalong naguluhan si Frances sa sinabi ni Justinx . Nag – iwas siya ng tingin at tumingin sa harapan ng kotse. “Iyan ba ang dahilan kung bakit bigla ka na lang tumahimik?” tanong nito.  “Nahalata ko rin na parang ayaw mo akong makita, na parang gusto mo akong iwasan. At kung hindi pa kita kukulitin, hindi ka papayag na ihatid at sunduin kita.” Ibinalik niya ang tingin dito. “Justin…” “I love you, Frances. ‘Yan ang dahilan kung bakit kinukulit kitang ihatid at sunduin ko. Ikaw ang gusto kong makasama habang nandito pa ako.” “Yes, as a little sister,” sarkastikong sagot niya. “What?” nanlalaki ang matang sabi ni Justin, hindi makapaniwala. “Alam mo, ang manhid mo. I love you as in I’m so in love with you. Nasa Portland pa lang ako, gustong - gusto ko nang sabihin sa ’yo na gusto kitang ligawan, pero lagi na lang akong naduduwag dahil baka mapabilang lang ako sa mga lalaking binasted mo. At saka baka big brother lang ang turing mo sa akin.” Sandaling natulala si Frances sa narinig. “Kahit kailan hindi kita itinuring na big brother,” nagawa niyang sabihin sa kabila nang pagkabiglang nararamdaman. Napangiti si Justin. Kinuha nito ang isang kamay niya at hinalikan. “Alam kong ginulat kita. Pero hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya tuwing nakakausap kita pag – uwi ko mula sa ospital. Nagdesisyon akong sabihin sa ’yo ang nararamdaman ko pag – uwi ko rito, pero hindi ko akalain na maduduwag ako kaya ngayon ko lang nasabi.” Nanatili siyang walang masabi habang nakatingin lang sa binata. Nang biglang pahirin ng hinlalaki nito ang luha na nasa kanyang mga mata, hindi niya alam na umiiyak na pala siya dahil sa kaligayahan. “Hey, sweetheart, please don’t cry. Hindi ko gustong gulatin ka. Sinabi ko lang ang nararamdaman ko sa ’yo dahil ayaw ko nang mag – aksaya ng panahon,” sabi nito at hinila siya para yakapin. Gumanti siya ng mahigpit na yakap. Masayang – masaya siya. Hindi niya akalain na pareho lang sila ng nararamdaman. Pagkatapos ng ilang sandali ay bahagyang kumalas ang binata para pakatitigan ang kanyang mukha.  “Please allow me to court you, Frances,” sabi ni Justin na tila nangungusap din ang asul na mga mata. “Sira, I love you too!” natatawang tugon niya. “What?” hindi makapaniwalang sambit nito. “Sigurado ka?” paniniyak nito. “Oo. Dati pa akong in love sa ’yo. I love you so much, Justin, more than you ever know.” Sandali itong hindi nakapagsalita at pagkatapos ay sumilay ang matamis na ngiti sa mga labi. Napunta ang mga mata nito sa kanyang mga labi. Alam ni Frances na hahalikan siya ng binata kaya kusa siyang napapikit. Sa una, banayad lang na humahagod ang mga labi ni Justin sa kanyang mga labi na tila tumitikim. Hanggang sa naibuka na niya ang mga labi, lumalim pa ang halik nang matutunan niyang tugunin ang mga halik nito. Kapwa sila humihingal nang maglayo ang kanilang mga labi. Pagkatapos ay mahigpit silang nagyakap. Matagal sila sa ganoong tagpo nang muli itong magsalita. “Bukas, sasabihin natin sa kanila na tayo na. Gusto kong malaman ng lahat na seryoso ako sa ’yo. Gusto kong linawin sa lahat na sa ’yo ako in love at hindi sa ate mo. Para na rin hindi ka na nila piliting makipag - date sa kung kani – kanino.” Natigilan si Frances nang maalala ang ate niya. Biglang nawala ang kaligayahan at excitement na nararamdaman dahil pakiramdam niya ay nagtraidor siya sa sariling kapatid. Kumalas siya sa binata. “Justin, hindi natin puwedeng sabihin sa kanila ang tungkol sa atin.” “Bakit hindi?” nagtatakang tanong nito. “Ayokong biglain ang lahat lalong - lalo na si Ate. Ayokong isipin niya na hindi ako naging tapat na kapatid sa kanya. Hindi ko kayang saktan ang kapatid ko. Hindi ako traidor at – ” “Frances, wait,” pigil nito sa sunod – sunod niyang sinasabi. “Hindi mo sasaktan ang kapatid mo dahil sa simula pa lang ay hindi na niya ako gusto. Hindi ka magtatraidor sa kanya at sigurado ako na matutuwa pa s’ya para sa atin.” “No, Justin, nasa Davao si Ate para mag – isip at magdesisyon.” Umurong pa si Frances palayo sa binata at umayos ng upo. Napahawak pa siya sa kanyang ulo dahil sa problemang kinakaharap. “Kakausapin ko siya.” “No!” bigla sabi niya. “Siguradong mas masasaktan si Ate kung ikaw ang magsasabi. Mas mabuting ako na lang ang makikipag – usap sa kanya.” “Okay, sige. Kausapin mo siya pagbalik niya,” bale – wala sabi nito. Muli siyang hinala ni Justin para yakapin. Hindi niya nagawang magprotesta. Gustong – gusto rin niya na makulong sa mga bisig ng binata. Hinalik – halikan pa nito ang kanyang ulo. Kasunod nang pagpapaulan ng mga halik sa mukha niya hanggang sa makarating sa mga labi niya. Hindi niya napigilan ang sarili at muling tumugon sa mga halik nito. Nagpalipas pa sila ng ilang oras bago sila nagpasyang umuwi. Habang nasa biyahe ay piniling manahimik ni Frances habang nag – iisip. Iginalang naman ni Justin ang pananahimik niya pero halos hindi naman nito binibitiwan ang kamay niya. Bumibitiw lang ito sandali kapag nagpapalit ng gear. “Susunduin kita bukas ng umaga,” sabi nito matapos maiparada ang sasakyan sa gilid ng gate nila. Pinatay nito ang makina ng kotse at humarap sa kanya. “Dito ako magbi – breakfast sa inyo para masabi na natin sa pamilya mo ang tungkol sa atin bago kita ihatid sa Petals,” patuloy nito at muling kinuha ang kamay niya at hinalikan. Pinilit ni Frances na kontrolin ang kilig na nararamdaman. At sinabi niya ang napagdesisyunan habang nasa biyahe sila. “Huwag na muna tayong magkita, Justin,” kagat - labing sabi niya na hindi tumitingin sa binata. “Ano?” biglang ang pag - alsa ng boses na sabi nito. “Gusto ko munang makausap ang ate ko, Justin. Gusto kong makasiguro na hindi ikaw ang pinili niya bago natin ituloy kung ano mang meron tayo ngayon,” desisyon niya. “That’s impossible!” marahas na sabi nito. “Frances, hindi mo puwedeng isugal ang estado ng relasyon natin dahil lang sa mararamdaman ng ate mo.” “Nakapagdesisyon na ako. Please, huwag muna tayong magkita hangga’t hindi ko pa alam ang desisyon ni Ate.” Bumalatay ang sakit sa mukha ng binata. “Ikaw ang mahal ko, Frances. Please huwag mong gawin ito.” Nagpakatatag siya. “I’m sorry, Justin.” Tinangka siyang hawakan ng binata pero  mabilis siyang umiwas. Mabilis siyang bumaba ng sasakyan nito at pumasok sa gate bago pa muling magbago ang isip niya. Malapit na si Frances sa front door nang marinig ang pag – angil ng gulong ng kotse nito. Halatang galit si Justin sa klase ng pagmamaneho nito. Naiiyak na ipinagpatuloy niya ang pagpasok sa loob ng bahay, kasabay ng maikling panalangin na sana ay maayos itong makauwi.   KAY GIAN nalaman ni Frances na naaksidente si Janine. Ayon sa kapatid niya ay ligtas na ang dalaga, pero nagkaroon ito ng maliit na sugat sa ulo, mga pasa at galos sa katawan, at naka- cast din ang kaliwang braso. Nang makatapos siya ng trabaho kinahapunan ay nagpaalam na siya sa Auntie Danna niya at nagtungo na sa ospital para dalawin ang kaibigan. Nadatnan ni Frances sa hospital room ni Janine ang mga kapatid nito maliban kay Justin. Mahigit isang linggo na niyang hindi nakikita ang binata. Sinunod nito ang pakiusap niya na huwag muna silang magkita. Alam niyang galit sa naging desisyon niya ang binata dahil walang paalam na nagpunta si Justin resort ng pamilya nito sa Palawan. Iniyakan niya ang ginawa nito, pero piniglan niya ang sariling tawagan at pabalikin ang binata.  “Thanks for visiting, Ces,” nakangiting sabi ni Janine matapos nitong tanggapin ang dala niyang muffins. Ngumiti siya. “Tumawag na ba si Ate sa ’yo?” tanong niya matapos maupo sa isang silya sa tabi ng hospital bed. “Oo, nakausap ko siya kagabi. Babalik na sana siya rito sa Manila pero pinigilan ko lang. Ligtas na naman ako, eh, hindi niya kailangang putulin ang bakasyon niya para makita ako,” tugon ni Janine habang nakasandal sa headboard ng hospital bed. “Worried lang si Ate, sa ’yo.” Alam ni Frances kung gaano ka- close ang dalawa. Tulad nila ni Troy ay naging magkaklase rin ang Ate Francine niya at si Janine mula preschool hanggang high school kaya naging mag – best friend. “Paano ‘yan mukhang matatagalan ka pa rito.” “Hopefully not. Hindi na yata ako makakatagal dito.” “At least ngayon alam mo na ang pakiramdam ng maging pasyente,” nang – aasar na komento ni BJ. Nakaupo ito sa gilid ng hospital bed paharap kina Janine at Frances habang nakaupo naman sa sofa si Ate Jane na abala sa cell phone nito. “Masyado ka kasing kaskasero." “Sino kaya ang hindi?” ganting-banat naman ni Janine. “Ilang beses ka na kayang natiketan dahil sa overspeeding mo.” “Hindi kaya. Expert driver ako, hindi katulad mo na ilang taon nang may kotse pero hindi pa rin marunong mag – drive.” “Ang yabang mo talaga, Kuya. Ako kaya ang binangga, hindi ako ang bumangga,” pagtatanggol pa ni Janine sa sarili. “Kaya pala sira ang bumper ng kotse mo,” tumatawang patuloy pa ni BJ . “Nabasa mo ba ang police report, Kuya?” iritableng sabi ni Janine sa kapatid. “From the back binangga ako kaya nabangga ko ang nasa harapan ko. My God, nasaan na ba si Ate Denise para matahimik na ‘tong si Kuya.” Natatawang pinanood ni Frances ang pag – aasaran ng magkapatid. Kahit kailan talaga mapang – asar si BJ. Malayong – malayo ito sa kakambal nitong si Justin na madalas ay tahimik at tila pinag – iisipan muna ang sasabihin bago magsalita. Identical ang dalawa pero magkaibang – magkaiba ang interes at personalidad. Pareho ng hugis ng mukha, asul na mga mata, tangos ng ilong at manipis na mga labi. Pero sa buhok pa lang ay madali nang makilala ang bawat isa. Justin always had his curly hair short while BJ had a straight shoulder-length hair. Justin was always clean – shaven, mahilig namang magpatubo ng manipis na stubbles at goiti sa mukha si BJ. Parehong six – footer ang dalawa, pero mas di-hamak na mas malaki at mamasel ang katawan ni BJ dahil sa pagiging sporty at adventurous nito. Homebody at may pagka – bookworm si Justin. Maraming nagsasabi na kahawig ng kambal ang international artist and actor na si Justin Timberlake. Kung may pinagkakasunduan ang dalawa, ay iyon ang pagkahilig sa mga computer games at arcade. In general, mas habulin at mas nakakakuha ng atensyon mula sa opposite s*x at miyembro ng third s*x si BJ pero hindi ang kaguwapuhan at personality ni BJ ang gusto niya kundi sa kakambal nito. Justin Jason ang real name ni Justin at Bernard Jason namn si BJ. Mas matanda si Justin ng anim na minuto sa kakambal.  “Frances, may boyfriend ka na ba?” Awtomatikong napataas ang isang kilay niya nang mapatingin si BJ sa kanya at bigla siyang tanungin. “Bakit yata ang ganda – ganda mo ngayon?” sabi nito na tila siya naman ang isusunod na asarin. “Dati naman akong maganda, ah,” pagmamayabang niya. “Hindi nga, Ces, alam kong wala ka pang boyfriend pero may steady date ka ba ngayon?” patuloy pang tanong ni BJ. Hindi kaagad nakasagot si Frances. Bigla siyang naguluhan. Dapat na ba niyang i – consider si Justin bilang boyfriend niya? Pero malabo pa ang relasyon nila dahil na rin sa kagagawan niya. Napatingin siya sa Ate Jane ni Justin. Nakita niyang nakatingin ito sa kanya na tila naghihintay rin ng sagot kaya hindi na siya gaanong nakapag – isip bago sumagot. “No, wala akong boyfriend,” kagat - labing sagot ni Frances. Sana lang, hindi makarating kay Justin ang sinabi niyang iyon. Sigurado siyang lalo itong magalit sa kanya. “But I thought…” Bahagyang nagsalubong ang mga kilay ni BJ na tila hindi naniniwala. “Good!” biglang sabi nito. “Okay lang ba kung maging part ka ng family namin.” Napamaang si Frances sa biglang tanong nito. “Balak mo bang ligawan si Frances, BJ?” gulat na tanong ng Ate Jane nito. “At paano naman si Ate Denise?” tanong naman ni Janine. “Isa – isa lang ang tanong, okay. No, hindi kami ni Denise, mas macho pa nga sa akin ‘yon, eh. Hindi kami talo.” “Ang sama mo, huwag mong kalimutan na pinsan ko si Ate Denise. At isusumbong kita sa kanya,” babala niya sa kabila nang pagkagulat sa tanong nito.  “Totoo naman ang sinasabi ko, ah,” depensa ni BJ. “Ang sabihin mo hindi ka lang manalo – nalo kay Denise kaya ka nagsasalita ng ganyan,” sabi ni Ate Jane. “Pinagbibigayan ko lang si Denise. I’m a gentleman, you know.” Naputol ang pag – uusap nila nang biglang may kumatok. Mabilis namang tumayo si BJ at pinapasok ang isang cute na nurse. Kaagad itong kinulit ng binata habang kinukuhanan ng vital signs si Janine kaya nalipat ang atensyon nila sa mga ito. Panay naman ang blush ng pobreng babae. Nang makaalis ang nurse ay sunod – sunod namang nagdatingan ang mga kaibigan nila na may dalang mga pagkain. Nagulat pa si Frances nang biglang dumating si Justin kasama ng mommy nito. Ang buong akala niya ay nasa Palawan pa ang binata. Kaninang umaga pa pala dumating ang mga ito at umuwi lang sa bahay para magpahinga sandali at makapagpalit ng damit. Tipid siyang ngumiti kay Justin nang magkasalubong ang kanilang tingin.  Gumanti rin ito ng tipid na ngiti sa kanya habang nakikigulo sila sa dalang pizza ng mga kaibigan nila. Ala-sais na ng gabi nang magpasya si Frances na magpaalam para umuwi. Nagulat pa siya nang biglang magboluntaryo si Justin na ihatid siya sa parking lot. “Drive her home, bro, kahit huwag ka nang bumalik,” nakangising sabi ni BJ sabay kindat sa kanya. Napakunot ng noo si Frances, tila nahuhulaan niya na may nalalaman na si BJ tungkol sa kanila ng kakambal nito. Hindi naman kumibo si Justin hanggang sa makalabas sila ng hospital room. “Hindi mo na ako kailangang ihatid sa 'baba. Kaya ko naman ang sarili ko,” sabi niya dito habang naglalakad sila sa hallway patungo sa elevator. “Kahit ba sa paghahatid sa ’yo pagbabawalan mo pa rin ako?” salubong ang mga kilay na tanong ni Justin.   Na - guilty siya at hindi nakasagot. Kinuha nito ang kamay niya at hindi na binitiwan hanggang sa magkarating sila sa kinaroroonan ng kotse niya. “Ibigay mo sa akin ang susi mo, ihahatid kita sa inyo,” utos nito. Hindi na nakipagtalo si Frances. Gusto rin naman niyang makasama si Justin kahit sandali lang. Walang salitang ibinigay niya ang susi rito. “I’m still hungry, let’s have an early dinner. Saan mo gustong kumain?” tanong nito nang palabas na sila ng parking lot ng St. Francis General Hospital. “Ikaw na lang ang bahala,” tipid niyang sagot. “Okay,” sabi nito at ibinuhos ang atensyon sa pagmamaneho. “Kumusta ang bakasyon mo?” hindi na nakatiis na tanong ni Frances pagkaraan ng ilang minutong katahimikan sa pagitan nila. “Okay lang,” tipid na sagot ni Justin. “Bakit hindi ka man lang nagpaalam sa akin bago ka umalis?” nagdaramdam na tanong niya. “Gusto mo ng space, ‘di ba? At ayaw mo rin akong makita,” sarkastikong sabi nito habang magkasalubong ang mga kilay. “Pero sana man lang nagpaalam ka pa rin,” pumiyok ang boses na sabi ni Frances.  “Sana man lang tumawag o nagtext ka,” patuloy niya. Napalingon si Justin sa kanya. Kaagad siyang nag – iwas ng tingin nang pakiramdam niya ay maiiyak siya. Walang salitang bigla nitong ipinasok ang kotse sa parking lot ng isang coffee shop na madaranan nila. Inihinto muna nito ang kotse, saka siya nito hinarap at walang salitang hinila para yakapin. Gumanti rin siya sa mahigpit na yakap nito. “I’ve missed you,” bulong nito sa kanya. “I’ve missed you, too.” Tuluyan na siyang napaiyak. Sandali nilang pinagbigyan ang sarili na makulong sa bisig ng isa’t – isa. Hanggang sa humiwalay ito sa kanya at pakatitigan siya. “Huwag ka nang umiyak, sweetheart, nandito na ako,” sabi nito habang pinapahid ng daliri ang mga luha sa kanyang mga mata. Itinaas ni Justin ang baba niya. Alam ni Frances na hahalikan siya nito kaya kaagad siyang pumikit. Kaagad siyang tumugon sa mga halik ng binata kahit bahagya pa rin siyang nangangapa. Tumagal ang halik. Wala siyang pakialam kung ano ang nangyayari sa labas. Ang mahalaga ay maipadama niya kung gaano niya ito na – miss. Heavily tinted naman ang kotse niya kaya hindi siya nababahala na may makakakita sa kanila. “Please don’t ask me to stay away from you again,” humihingal na sabi nito matapos maghiwalay ng kanilang mga labi. “Justin…” hindi niya malaman ang sasabihin. Naguguluhan siya. Gusto niyang panindigan ang kanyang desisyon pero parang hindi na niya kayang sikilin ang nararamdaman. “Frances, listen,” Hinawakan nito ang kanyang kamay. “I swear, it’s you that my heart beats for. Please fight for our love because I’ll never give you up.” “Pero …” “Nag – aaksaya lang tayo ng panahon, Frances. Malapit na naman akong umalis. Please, huwag mo nang pahirapan ang sarili natin,” patuloy pa nito.  Hindi siya nakasagot at nag – iwas ng tingin. Lalayo na sana siya sa binata nang muli siyang hapitin. “I love you,” sabi nito at muling inangkin ang kanyang mga labi. Mas madaling tumugon sa mga yakap at halik nito kaysa magdesisyon, naisip niya bago muling yumakap sa binata at tumugon sa mga halik nito. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD