Chapter One

2454 Words
ANO’NG gusto mong pasalubong pag – uwi ko? Napangiti si Frances nang mabasa ang tanong na iyon ni Justin sa screen ng laptop niya. Kanina pa sila magka - chat nito sa Skype. Nagre – research siya para sa homework niya at ito naman ay nagluluto ng lunch nito habang nag – uusap sila nang bigla itong magtanong sa kanya. Mahigit tatlong taon na ang nakakaraan magmula ng umalis ng bansa si Justin upang mag – aral ng Medisina sa ibang bansa subalit hindi naputol ang komunikasyon nila dahil halos araw – araw silang nag – uusap sa pamamagitan ng internet. Tulad ng ipinangako nito, dumating ito noong eighteen birthday niya subalit sandaling – sandali lang itong nanatili sa bansa sapagkat kalagitnaan pa lang ng fall semester noon sa Amerika. Pero sapat na iyon sa kanya, ang mahalaga ay tinupad nito ang ipinangako nito. Kaagad siyang nag – type ng sagot sa tanong nito. Anything, just be home safe, aniya. Nakatakda itong dumating sa bansa sa linggong iyon upang dumalo sa kasal ng pinsan nitong si Kuya Jay – Jay at ng pinsan niya sa father side na si Ate Kate. Nataon din na semestrial break nito sa university hospital na pinapasukan nito kaya sa pagkakataong iyon ay matagal – tagal itong mananatili sa bansa. Ang sweet naman, tugon nito na may kasama pang smiley. Bigla siyang kinabahan, dahilan upang hindi siya makapag – type ng reply sa sinabi nito. Kung minsan talaga hindi niya napipigilang magpakita ng concern dito. Kung hindi pa niya alam na manhid ito, matagal na siguro nitong nabisto ang damdamin niya rito. Mali si Troy nang sabihin nito na mawawala ang infatuation niya kay Justin kung hindi na niya ito makikita. Dahil sa hindi naman naputol ang komunikasyon nila ng binata ay mas lalo pang lumalim ang nararamdaman niya rito. She was truly deeply in love with him already. Subalit nanatiling si Troy lang ang nakakaalam noon dahil nakababatang kapatid o malapit na kaibigan pa rin ang tingin nito sa kanya. Sinubukan naman niyang tumingin sa iba, allowed na naman siyang magkaroon ng boyfriend kahit kailan lang siya nagdalaga. Tumanggap siya ng mga manliligaw na isa – isa ring tumigil sa panliligaw sa kanya matapos niyang bastedin dahil tangging si Justin lang ang gusto at tinitibok ng puso niya. Muntik na siyang mapapitlag nang biglang tumunog ang default sound ng Skype kapag nagre – request ng video call, nakita niya sa screen ang request ng video call mula kay Justin. Kaagad niyang in – accept iyon at ilang sandali pa ay nakita na nila ang mukha ng isa’t – isa.           “Hey!” Kumaway pa ito sa kanya.           “Hello!” nakangiting tugon niya.           “Bagong gising ka lang ba, bakit may muta ka pa sa mata?” kunot – noong tanong nito.           Awtomatikong napahawak siya sa mga mata niya at tinignan kung totoo ang sinasabi nito subalit wala naman siyang nakita.           “Joke!” mabilis na bawi nito.           “Sira ka talaga!”           Tumawa ito nang malakas. “Seriously, ang ganda – ganda mo nga, eh.”           Hindi siya nakasagot. Dalangin niya na hindi makita sa screen ng laptop nito ang biglang pamumula ng pisngi niya dahil sa sinabi nito. Hanggang ngayon hindi pa rin niya naiiwasang mag – blush kapag pinupuri siya nito. Ilang sandaling walang nagsalita sa kanila at kapwa nakatingin lang sa mukha ng isa’t – isa.           “Frances…” pagkuwan ay sabi nito.           “Ano?”           “I… I … I gotta go.”           Natawa siya sa pautal – utal na pagsasalita nito. “Okay, tatapusin ko lang ang homework ko at magla – log out na rin ako,” aniya.           “O - okay. Bye,” tugon nito at tinapos na ang video call. May ngiti sa mga labing pinagpatuloy niya ang ginagawang pagre – research. Ilang araw pa ang hihintayin niya bago dumating sa bansa si Justin, subalit hindi na siya makapaghintay na muling makita ito ng personal at muling makasama. Sana lang ay nagbago na ang tingin nito sa kanya at sana ay dumating na rin ang araw na lagi niyang dinadalangin na magpahayag na ito ng pag – ibig sa kanya.   SABADO ng hapon, nag – bake ng cake si Frances pag – uwi niya mula sa opisina ng Perfect Petals. Nag – order kasi ng cake ang classmate niyang si Divina para sa kaarawan ng mommy nito. Nang makapagtapos siya ng two – year diploma course  sa isang tanyag na Culinary school ay nagsimula na siyang tumanggap ng made – to – order cakes, ang income niya ay iniipon niya para ipandagdag sa kakailanganin niyang capital para sa pinaplano niyang bakeshop pagka – graduate niya ng college. Graduating na siya sa susunod na pasukan sa Management course niya.           Noong nakaraang taon pa sana niya balak simulan ang pangarap niyang bakeshop dahil bibigyan naman siya ng daddy niya ng kakailanganin niyang puhunan subalit nang maka – graduate siya sa Culinary school ay inalok naman siya ng part – time job ng Auntie Danna niya sa Perfect Petals. Ayaw pa sana niya noong una subalit dahil sa pangungumbinsi nito at ng mommy niya ay napapayag siyang maging isa sa dalawang assistant nito. Tuwing mananghali lang at tuwing Sabado lang siya pumapasok sa opisina dahil tuwing umaga ang klase niya sa university. Habang abala sa ginagawa, hindi na naman niya naiwasang isipin si Justin na normal na nangyayari sa kanya sa halos lahat ng oras. Inaasahan na niya na dahil nakabakasyon ito, muli itong dadalaw sa bahay nila upang muling manligaw sa ate niya. Napabuntong – hininga siya nang maalala kung gaano ito ka – sweet sa Ate Francine niya sa wedding reception ng kasal ng mga pinsan nila kagabi. Aminado siyang dahil mas naging close sila at laging nag – uusap ni Justin online ay nanalangin siya at lihim na umasa na may pagbabago ang turing nito sa kanya. Nagpakita rin kasi ito ng mga senyales na nagugustuhan na rin siya nito, subalit nagkamali lang pala siya ng akala dahil malinaw na ang kapatid pa rin niya ang gusto nito lalo na’t single pa rin ang ate niya.           “I finally caught you baking!” Narinig niyang wika ng lalaking kanina pa niya iniisip. Napatingin siya sa bukana ng kitchen at doon ay nakita niyang nakangiting nakatayo si Justin. “J - Justin!” bulalas niya. Nagulat siya sa biglang pagdating nito. Iniisip pa lang niya ito ay bigla na lang itong sumulpot. Iyon ang unang pagkakataon na nakita siya nitong nasa kusina at hindi na fresh ang hitsura niya kaya kaagad siyang na - concious. “Order?” tanong nito habang lumalapit sa kitchen table. Batid nito ang sideline business niya. “Oo. Hindi mo sinabing pupunta ka ngayon dito.” Pasimple niyang inaayos ang suot niyang hairnet sa ulo na sigurado siyang natalsikan ng harina kanina. Walang paalam na dumampot si Justin ng isang sugar flower mula sa isang tray bago naupo sa isang silya. Hindi nakaligtas sa paningin niya ang dala nitong paper bags na inilapag nito sa bakanteng silya sa tabi nito. Marahil pasalubong nito ang mga iyon sa ate niya. Hindi man lang siya nito naalalang bigyan ng pasalubong samantalang ang tagal niyang inaliw ito habang nasa malayo ito at nagtanong pa ito sa kanya kung ano ang gusto niyang pasalubong.   “May inutos sa akin si Mommy sa postal service, naisipan kong dumaan dito pagkatapos,” tugon nito bago isinubo ang hawak na sugar flower. “Bukod sa mga maids, ikaw pa lang ang nandito?” tanong pa nito. “Oo. May pinuntahan sina mommy at daddy kasama si Gian, si Kuya Gabe naman at Ate Francine nasa office pa. Pero pauwi na rin siguro ang mga ‘yon.” Muling kumuha ng sugar flower sa tray si Justin at isinubo. Mga reject ang mga iyon kaya hindi siya nag - react. He loved sweet. Ito ang nasa isip niya kaya baking and desserts ang pinag – aralan niya noon sa Culinary school. Isang bagay na ikinahihiya niyang aminin kahit na kanino.  Itinigil niya ang ginagawa at inilabas sa ref ang isang round chocolate cake at inilapag sa harapan nito. “Alam mo talaga ang gusto ko,” ngiting – ngiting sabi nito. Kaagad nitong idinutdot ang isang daliri sa icing cake at dinala sa bibig. “Delicious!”  Napapailing na kumuha siya ng plate, fork at knife sa cupboard at iniabot dito. Ito na mismo ang nag - serve sa sarili. Naglabas din siya ng juice mula sa ref at sinalinan ang isang tall glass at inilapag din sa harapan nito. Naghugas muna siya ng kamay bago itinuloy ang ginagawang pagde – design sa cake. “May kasalanan ka pa sa akin,” narinig niyang sabi nito. “Hindi ka man lang nagpaalam kagabi noong umuwi. I was looking for you.” “I was looking for you, too, pero hindi rin kita nakita. You must be busy kaya nauna na kami ni Troy,” kaswal na sabi niya na nasa cake pa rin ang tingin. Narinig niyang bumuntong – hininga ito. “Hindi man lang kita naisayaw.” Bigla siyang napatingin dito. Totoo ba ang nakikita niyang panghihinayang sa mga mata nito?  Sabay silang napalingon sa pinto ng kusina nang biglang magsalita mula roon ang Ate Francine niya. “I knew it nagbi – bake ka,” nakangiting sabi ng ate niya habang lumalapit sa kanila. Halatang galing ito sa trabaho dahil bitbit nito ang isang blueprint. Isa ng interior designer ang Ate Francine niya at pinamamahalaan nito ang design department ng construction company ng pamilya nila. “Hey, Justin, kanina ka pa?” tanong ng ate niya sa binata. “In time para makatikim ako ng masarap na merienda,” nakangiting tugon nito. “Order ba ‘yan, sis?” baling ng ate niya sa kanya. “Yeah,” tipid niyang sagot. “Ang ganda!” bulalas nito. Isang two – tiered birthday cake na may floral motif ang ginagawa niya. “Try this, Francine, it’s delicious,” wika ni Justin. Inilapit nito ang tinidor na may lamang cake sa bibig ni Francine. Walang pagdadalawang isip na sinubo naman iyon ng ate niya. Tila nadurog ang puso niya sa nasaksihang eksena. “Oo nga masarap!” papuri ng ate niya. “Ang diet mo, Ate,” hindi niya napigilang sabihin nang makitang tuluyan na itong nakisalo sa kinakain ni Justin. They used to do it many times, normal na sa barkada nila na magsalo sa iisang plato, subalit tila hindi pa rin siya sanay at nagseselos talaga siya. “Pake ko, basta ikaw ang nag - bake hindi ko tatanggihan,” sagot ng ate niya habang patuloy pa rin ito sa pagkain. Ito na ang may hawak ng tinidor. “Di ba, Justin, maganda pa rin naman ako kahit tumaba na?” sabi pa nito. “Of course,” mabilis namang sagot ng binata. “Well, huwag ako ang sisihin mo kapag kinailangan mo nang mag - spend ng mas mahabang oras sa gym dahil tumaba ka na,” pa – sarcastic na sabi niya. Natawa lang ang ate niya sa sinabi niya. Sang – ayon din siya na kahit tumaba pa ang Ate Francine niya ay maganda pa rin ito. Tanggap niyang mas maganda at mas pansinin ito kumpara sa kanya. Mas mababa siya ng two inches sa tangkad nitong five feet and nine inches. Pareho silang mestisa at may balingkinitang pangangatawan pero hindi sila magkamukha. Tulad ng kanyang Kuya Gabe at ng bunso nilang kapatid na si Gian ay mas kamukha ng ate niya ang daddy nila habang siya ay kamukha ng mommy nila. Heart – shaped ang hugis ng mukha niya at wavy medium length light brown ang buhok niya katulad ng sa mommy niya habang ang sa ate niya naman ay oval shape ang hugis ng mukha at mahaba at itim na itim ang buhok. Pero pareho sila ng mga mata na katulad ng sa daddy nila.  Her sister was a former beauty queen, two years ago ay binigyan nito ng karangalan ang bansa nang lumaban at maging third placer sa Miss World. Nakagawa rin ito ng ilang print and TV ads pagkatapos ng competition subalit tinanggihan ang alok na mag – artista. She was sophisticated, athletic and fun to be with comparing to her that simple, homebody and sometimes killjoy. Pero aminado ito na mas masunuring anak siya at mas mabait kumpara rito. Four years ang age gap nila at panganay sa kanilang apat na magkakapatid. Nang magbukas ng topic si Francine habang kasalo pa rin nito sa pagkain ng cake si Justin ay mas pinili ni Frances ang manahimik. Minadali niya ang ginagawa. Iniwasan rin niyang mapatingin sa direksyon ng mga ito. Mabuti na lang patapos na siya sa ginagawa nang magkasunod na dumating ang mga ito.  “Tapos ka na, Ces? Kailangan mo ng tulong?” tanong ni Justin kay Frances nang bubuhatin na niya ang cake para ilipat sa isa pang table na naroon din sa kusina. “Oo,” tugon niya kahit kaya naman niyang ilipat iyon nang mag – isa dahil hindi naman kalakihan ang cake. Nakalapit na kasi kaagad ito sa tabi niya bago pa siya makasagot. “Thanks,” sabi niya nang mailipat nito ang cake. Ngumiti lang ito at tinulungan pa siya sa paglalagay sa box. Naghubad na siya ng apron at binalingan ang ate niya na patuloy pa rin sa pagkain. “Ate, bahala ka na muna kay Justin, tatawagan ko lang ang kaibigan ko para ipakuha na niya ang cake niya.” “Okay,” tugon naman ng ate niya.  “Wait,” pigil ni Justin sa kanya nang palabas na siya sa kusina. Kinuha nito ang dala nitong paper bags na ipinatong nito sa silya kanina. “For you,” nakangiting sabi nito. Nasorpresang tinanggap niya ang mga paper bags.  “Ibibigay ko sana sa’yo ‘yan kagabi pero umuwi ka na pala,” sabi pa nito. “Ang daya! Bakit kay Frances ang dami mong pasalubong?” kunot – noong tanong ni Francine. Kibit – balikat ang isinagot ni Justin dito. Napangiti siya, hindi naman pala siya nito nakalimutang pasalubungan. Nagpasalamat siya at muling nagpaalam. “Balik ka, ha,” sabi pa ni Justin. Tumango siya kahit pa ang totoo ay magkukulong na siya sa kuwarto niya. Siguradong aabutin na si Justin ng hapunan sa kanila, iyon ay kung hindi nito yayayaing lumabas ang ate niya. Wala na siyang balak lumabas ng kuwarto hangga’t naroon pa ito. Dapat na niyang simulang umiwas dito dahil siya rin naman kasi ang masasaktan bandang huli kung ipagpapatuloy pa niya ang kahibangan niya. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD