"Wake up, kid, marami pa akong kailangan gawin." Padaskol na tinapik ni Landon ang kanyang kanang kamay.
Pupungas-pungas na luminga sa paligid si Lesley nakita niya ang isa-isang paglabas ng mga pasahero ng eroplanong sinasakyan. Nang tumingin siya sa labas ng bintana ay agad napansin ang malalaking letra ng pangalan ng airport, unang beses na nakatuntong siya dito sa Maynila. Ito ang kauna-unahang sumakay siya sa eroplano, kanina lamang ay nasa Cebu sila sa tantiya niya ay isang oras lang sila sa himpapawid. Akala niya ay magsusuka siya lalo na at mahiluhin siya sa biyahe pero hindi nangyari iyon sa halip ay nakatulog pa sa buong biyahe. Mabuti na itong alam na niyang hindi naman pala nakakatakot sumakay sa eroplano higit sa lahat hindi siya nahilo, kapag sumakay ulit sila mamaya patungong Finland ay hindi na siya ninerbiyusin tulad kanina. Kinabahan siya dahil baka isuka niya lahat ng kinain kaninang umaga, siguradong magagalit ang katabi sa upuan na si Landon.
"Mister Harkin, here's the wheelchair na ni-request ninyo." Lumapit ang isang flight attendant tulak ang isang wheelchair na 'di niya napansing nakalapit na pala sa kanila.
Hindi man lang nagpasalamat na kinuha ni Landon ang naturang wheelchair kaya naman si Lesley na ang nagkusang magpasalamat nang papaalis na ang stewardess.
"Huwag mo na akong buhatin, Landon, kaya kong umupo mag-isa sa wheelchair," naiilang siyang naupo bago pa siya buhatin ng lalaki, nakakahiya ang pagiging OA nito.
Nagmimistula na siyang imbalido sa sitwasyon niya. Buntis lang siya hindi ibig sabihin ay bawal na yata lahat, kunsabagay si Landon lang naman ang nagpapatupad ng mga bawal ayon sa doktor maayos na ang kanyang baby heto nga pinayagan na siyang bumiyahe, may mga nireseta lang ulit sa kanyang mga vitamins para sa baby.
"Dimitri, where are you? I told you to get ready the car I need to go home as soon as possible," naiinip na sita ni Landon sa assistant sa sarili nitong cellphone.
Gusto niyang matawa kay Landon habang itinutulak ang kinauupuang wheelchair. Kung hindi nagagalit, nambubulyaw, heto naman at nagmamadali na para bang isang iglap lang ay nasa Finland na sila. Hindi pa siya nakakarating doon pero siguradong gugugol ng ilang oras bago sila makarating. Kunsabagay hindi na siya magugulat pa sa mga madidiskubre pa niyang negatibong ugali ng binata.
"Hindi maikakailang kamag-anak si Landon ni Trixie, kaya naman pala bukod sa inang maldita na pagmamanahan ay may tiyuhin ding masama ang ugali," wika niya sa sarili.
KANINA pa si Lesley hindi mapakali sa kinauupuang magarang kotse, nilingon niya si Landon na abala sa pagtipa sa keyboard ng laptop at paminsang-minsang pagsagot sa tawag mula sa cellphone. Pasimple niyang tinakpan ang bibig upang pigilan ang nagbabadyang pagsuka, nanlalamig na din ang pawis na lumalabas sa kanyang noo senyales na malapit na talaga siyang sumuka. Ngunit pilit pinipigil sa takot na magkalat sa loob ng sasakyan.
"Kuya Dimitri," mahinang tawag niya sa alalay ni Landon na nakaupo sa katabi ng driver. "'San po tayo papunta? Akala ko po ang next flight natin ay papuntang Finland? Bakit tayo sumakay ng kotse pagkagaling sa airport?"
Lumingon kay Lesley ang butler na sa tantiya niya ay humigit kumulang na kuwarenta ang edad, maliit na lalaki lang ito ngunit malaki ang pangangatawan, noong una inakala niyang si Max Alvarado ang nasa kanyang harapan na small version nito. Pero sa hitsura lamang ito mukhang nakakatakot, ngumingiti ito paminsan-minsan hindi katulad ng amo na para bang may batas sa bansang pinanggalingan na ipinagbabawal ang ngumiti.
"Dimitri, find another route. I have an emergency video conference with the board of directors thirty minutes from now,"
Mabuti na lang nagmamadali si Landon kahit papaano kaya pa niyang magtiis na huwag sumuka.
Alistong lumipat ang tingin ni Dimitri sa amo. "Yes, Prince."
Bakas sa mata ni Dimitri ang paghingi ng paumanhin nang muling lumingon sa kanya, nanlulumong napatango na lamang siya saka bumalik sa dating posisyon na nakasandal sa upuan. Inabala ulit ang sarili sa pagmamasid sa mga dinaraanan na nagtataasang mga gusali. Hindi maikakailang kinakabahan siya ngayon, walang nakakaalam sa pamilya niya lalong-lalo na ang kanyang Lola Mely, tuluyan ng nawalan ng pakialam sa kanya ang mga magulang simula nang maghiwalay ang mga ito.
Huminga si Lesley ng malalim nang maalala ang mga magulang. Magmula nang magkawatak-watak sila napakaraming nangyari na kahit sa panaginip ay hindi niya inaasahang mangyayari ang mga iyon. Muling nanariwa sa kanya ang mga paghihirap na naranasan sa kamay ng tiyahin at kay Trixie. Pinakamalaking dagok sa kanya ang pagkabuntis, hindi niya pinagsisihan na magiging ina sa ganitong sitwasyon na kasalukuyang nag-aaral. Walang kasalanan ang kanyang baby at ipinapangako niya sa sarili na hinding-hindi iiwan ang anak katulad ng nangyari sa kanya. Kaya naman ayos lang kahit hindi na siya makabalik sa eskuwela, uunahin niya ang pag-aalaga sa magiging anak. Hindi niya hahayaang may manakit sa kanyang anak, lahat gagawin niya maprotektahan lamang ito.
"Stop crying, okay! You're annoying, kid."
Nagulat si Lesley nang idampi ang mga daliri sa pisngi at maramdamang basa ito ng luha. Hindi lumilingon sa katabi nang akma sana niyang pupunasan ang mga luha gamit ang mga kamay. Ngunit bago pa niya magawa ang binabalak ay may dumamping malambot na tela sa pisngi.
"For f**k sake, kid, I hate seeing someone like you." Patuloy si Landon sa marahang pagpupunas sa mga luha ni Lesley na mas lalo niyang ikinagulat, akala niya ay abala ito sa ginagawang pagkalikot sa laptop. "Stop crying, it's so annoying for me!" nag-uutos na sabi ng binata pagakatapos ay ibinigay sa kanya ang puting panyo na amoy pabango nito. "I will not kill you even I'd lost a millions because of you."
Na-divert na yata ang atensyon niya sa iniisip dahil medyo mabawasan ang kanyang pagkahilo na ipinagpasalamat niya.
Palihim na nakatitig si Lesley kay Landon nang muli nitong ibalik ang atensyon sa ginagawa. Sa kabila ng kagaspangan ng ugali ng lalaki at ang nakakasakal nitong pagiging diktador sa isang banda nararamdaman niya ang kaligtasan sa poder nito katulad ng pagiging ligtas niya sa piling ni Demark.
"Rule number one, kid, don't cry in front of me," hindi tumitinging anunsyo ni Landon. "Number two, don't look at me like you're doing right now."
Napapahiyang binawi niya ang palihim na pagtitig sa mukha ni Landon. Daig pa nito ang may mata sa tagiliran para malaman na lihim siyang nakatingin dito.
"Gu-gusto ko lang magpasalamat dito sa panyo," palusot niya at muling pinunasan ang mukha kahit wala ng luha.
"Sa-salamat." Muli siyang tumalikod kay Landon at tumingin sa labas ng kotse, pakiramdam kasi niya ay namumula ang kanyang mukha dahil sa pagkapahiya.
"BAKIT narito tayo? Ka-kaninong bahay ito?" hindi na napigilan ni Lesley ang magtanong kay Landon makalipas ang halos dalawang oras na biyahe.
"This is my house. Use your common sense, kid. And why we are here? It's none of your business. You'll need to do is rest,"
Bago pa siya humakbang pababa ng kotse habang namamanghang nakamasid sa labas ng kabahayan ay naramdaman niyang umangat ang kanyang katawan. Magkakasakit yata siya sa puso sa palaging pagkagulat dahil sa ginagawa ni Landon. Wala man lang pasabi na bubuhatin siya, alam naman niyang ginagawa ito ng lalaki para sa kanilang baby.
Kanina lang ay sa bahay si Lesley nakatingin pero nalipat ito sa guwapong mukha ng taong nagbubuhat sa kanya. Para Silang bagong kasal na papasok sa bago nilang bahay. Ganitong-ganito ang pangarap niya noon kapag nakakapanood ng mga pelikulang bagong kasal ang mga lead character. Nahihipnotismong dumako ang tingin niya sa manipis at mapupulang labi ng lalaki na ikinalunok niya ng sariling laway nang bahagya iyong gumalaw. Parang may mainit kuryente na dumaloy sa buo niyang kawatan. Hindi na bago ang nararamdaman dahil nangyari na ito noong isayaw siya ni Landon noong birthday niya.
"Dimitri, open the main door."
Nabalik sa katinuan si Lesley nang sumigaw si Landon, mabilis na ibinaling muli sa paligid ang mga mata. Bungalow type ang naturang simpleng bahay , katamtaman simple lamang ang laki nitong sa halip na nagtataasang pader ang bakod ay mababang mga puno ng niyog. May security siyang nakita nang pumasok sa mataas na gate ng subdivision kaya sa tingin niya ay ligtas dito. May nadaanan silang mga bahay na malayong-malayo sa nasa harapan nagmistula itong bahay-kubo.
"Yes, Prince Landon,"
"If you need something press this button," ani Landon nang maibaba siya sa katamtamang laki ng kama. "Put her luggage beside." Turo nito sa built in cabinet nang balingan si Dimitri na kasunod nila. "Then leave, I'll talk you later."
Binuksan ni Landon ang aircon at inayos ang mga kurtina ng bintana upang takpan ang liwanag na nanggagaling mula sa labas. Pagkatapos ay muling bumalik sa kinaroroonan niya habang siya ay nakasunod lamang ang mga mata sa bawat pagkilos nito.
"Rest." Pinatay ni Landon ang lampshade matapos siyang kumutan hanggang bewang.
Naaninaw niya ang bulto ng katawan ni Landon na papalabas ng kuwarto. Agad niyang inabot ang button na itinuro ng binata kanina. Naisip niyang baka tulad ito sa bahay nina Demark na kapag pinindot mula sa silid ng mga amo ay maririnig ang buzzer sa kusina o maid's room. Baka may katulong sa bahay na iyon, kung lalabas siya ay tiyak na magagalit si Landon.
Ilang segundo pa lamang ang nakakalipas mula nang pindutin ang buzzer ng biglang bumukas ang pinto.
"Need something?" humahangos na bungad agad ni Landon na labis niyang ikinagulat.
Dire-diretso si landon na malalaki ang hakbang matapos kapain ang switch ng ilaw sa malapit sa may pinto.
"Kid, what you need?" naiinip na ulit ni Landon nang hindi pa rin siya tumutugon.
"Tu-tubig. Pasensya na kung naistorbo-"
Hindi na natapos ni Lesley ang iba pang sasabihin nang talikuran siya ni Landon. Nagtungo ito sa isang bahagi ng kuwarto at may binuksang maliit na refrigerator.
"Here,"
Napapahiyang inabot niya ang maliit na bottled water hindi niya napansin ang ref na naroon, "Salamat,"
Marahas na napabuga ng hangin si Landon habang nakatingin sa kanya nang inumin niya ang tubig na ibinigay nito. Kinuha nito ang cellphone mula sa bulsa ng suot na cargo pants at may tinawagan. "Dimitri, cancell all my video conference now until tomorrow. I will not answer any phone calls also." Tumigil ito sa pagsasalita marahil ay may sinabi ang kausap.
"Don't ask just do what I said," mabilis na pinatay ang tawag at hindi na hinintay pa ang sasabihin ng nasa kabilang linya.
"Okay na ako, salamat ulit sa tubig." Ipinatong niya ang bote ng tubig sa side table at muling umayos ng higa sa kama.
Hindi nagsalita si Landon, muli nitong pinatay ang mga ilaw akala niya lalabas na ito ng kuwarto ngunit nagkamali siya. Sa halip pabagsak na nahiga ang lalaki sa bakanteng espasyo ng kamang kinahihigaan niya.
"A-nong ginagawa mo? Bakit ka humiga d'yan?" nahihintakutang tanong ni Lesley saka hinawakan ng mahigpit ang makapal na kumot na nasa tapat ng kanyang dibdib.
"Rule number three, don't ask too many question. I said, rest," mariing turan ni Landon sa huling sinabi.
Naninigas ang buong katawan ni Lesley at hindi gumagalaw sa kanyang puwesto sa takot na magkadikit sila ni Landon. Ano bang pumasok sa utak ng lalaki para humiga dito sa kama niya? Malamang may iba pa namang kuwarto dito.
"Hindi mo na kailangang pindutin ang buzzer if you need something,"
"Ba-bakit?"
"Because I'm already here, kid," may iritasyon sa tinig ni Landon ng sagutin siya. "Just tell me what you need,"
__________
Happy reading and sorry din sa mga mistakes ng grammar at kung anu ano pa?