Rented Girlfriend 3

1547 Words
Chapter 1 "Bro we gotta do somethin!" Huminga ng malalim si Gabriel bago niya inisang lagukan ang walker blue label scotch Whisky sa kanyang hawak na baso at agaran niyang naramdaman ang paghagod ng mapait na inumin sa kanyang lalamunan Ngunit wala na yatang papait pa sa nangyayari sa career niya! He just lost 3 million followers over the year! Imbis na madagdagan ang mga followers niya ay para bang mas lalo pa iyon nababawasan sa pagdaan ng panahon "Gabriel panay pang-bababae kasi inaatupag mo. How about our career? Palubog na tayo ng palubog eh" Tinignan niya ng malamig na tingin si Hero. Ang kanyang camera man - editor - kumpare. Inaanak niya kasi ang anak nitong kumag niyang kaibigan. "Pangit mo kase mag-edit kaya wala na tayong viewers" Biro niya kahit hindi naman siya nakangiti Sino ba naman ngingiti gayong 1 Million views nalang ang latest vlog niya? Dati-rati'y umaabot ng 20 Million views. "Damn bro huwag kana magbiro sa ganitong sitwasyon dapat na tayong nag-iisip ng mga bagong ideas para bumalik mga followers mo" Iritadong sagot ni Hero sakanya "Relax ka lang. Oh inum ka nga muna" Tinagayan niya ito ng isang bagong whisky. Pulang pula na kasi ang mukha ni Hero sa sobrang highblood sakanya Narito sila ngayon sa kanyang private condo unit sa makati city. Isang buwan palang siya rito sa Pilipinas dahil karaniwan sa mga vlogs videos niya ay mga pagkain ng ibat-ibang bansa na napupuntahan niya. Tinignan lang ng masama ni Hero ang whisky bago ito tumayo at nagpalakad lakad sa harapan niya. "Ayokong uminom. Nag-iisip ako hindi katulad mo panay ka kalokohan" Galit na sambit ni Hero bago ito nagpatuloy sa paglakad lakad pabalik balik sa harapan niya na para bang malalim ang iniisip "Mas stress pa ang kumag" Aniya ngunit pabulong lang. Ininom nalang niya ang whisky at isang lagukan lang ulit iyon sakanya. "Mag macho dancer ka kaya sa mga matrona party? O dikaya mag--" "Mag resign kana kaya?" Putol niya sa sinasabi ni Hero. Nais niyang matawa sa mga suwestyon nito eh. Gagawin pa siyang macho dancer ng mga matrona? Di niya yata kayang gawin yon "Why? Maganda ang katawan mo Gabriel. You're handsome. Iyan nga ang nagustuhan ng mga followers mo sayo. Putcha pati nga asawa ko kinilig pag pumunta ka sa bahay namin eh. Bakit hindi natin gawin puhunan yan kaysa lakwatsa ka ng lakwatsa sa ibat-ibang bansa?" Nais niyang matawa kaya naman napangiti na talaga siya. "Siraulo. Ikaw nalang. Hindi ko ipapahiya sarili ko para lang sa fame. Kung ayaw nilang manuod--" "Paano naman ako ha? Nakasalalay sayo ang kinabukasan ng mga inaanak mo" Napa-iling siya habang napapangiti. Nag-uumpisa nanaman kasing magdrama si Hero. Bagay na bagay nga rito maging artista eh. Kamukha nito ang sikat na artista na si ketsup. Medyo kumedyate rin ang kumag niyang kaibigan. Pero sa lahat ng kaibigan niya ito ang maaasahan niya. "Kasalanan ko ba bakit nag-anak anak ka?" Biro niya bago siya sumandal sa kanyang sofa. Pasimple rin naman kasi siyang nag-iisip talaga ng magandang ideya pero wala talagang pumapasok sa isip niya. Pasimple niyang hinilot ang kanyang sintido. Sumasakit na kasi ang ulo niya dulot ng pag-inom niya Tumabi si Hero sakanya at nilagok nito ang mismong bote ng whisky. Napakunot tuloy ang nuo ni Gabriel. Kinuha agad niya ang bote sa bunganga nito at binatukan niya ito sa sobrang inis niya "Huy kumag ka ba? Pag namatay ka lagot ako sa asawa mo" Parang bata itong nagmaktol. "Hindi ko na kasi alam gagawin eh! Marami akong utang--" "Ako na magbabayad. Yun lang pala eh" Mayabang na sagot ni Gabriel. Palibhasa nag-iisang anak siya ng isang multi-billionaire na may-ari ng pagawaan ng mga luxury bags. His parents are successful business owners in Los Angeles. Isa iyon sa mga rason kung bakit gusto niyang may mapatunayan sa sarili niya. "Marami akong utang sayo! Edi sige hindi ko na babayaran" Napailing nalang si Gabriel. "Loko-loko talaga tong kumag na to" sa isip isip lamang niya. "Kidding aside Gabriel. We need to do something. Yung kakaiba. Yung papatok sa mga tao. Hindi na uso ngayon yang mga pag-kain na vlog mo eh. Ang uso na ngayon yung nakakatawa, nakakakilig--" "Nakakakilig?" Kunot nuong putol niya sa sinasabi ni Hero. May bigla kasing ideya na pumasok sa isip niya Tumango ito "Karamihan sa mga viewers ngayon, sawa na sa lungkot. Gusto na nilang mapanuod yung mga videos na panay kalokohan o di kaya panay nakakakilig katulad ng mga korean drama. Maghahawak palang ng kamay yung mga bida kinikilig na mga kabataan eh" Mas napalalim ang pag-iisip ni Gabriel. May isang ideya ang pumasok sa isip niya. Ngunit hindi siya sigurado kung papayagan ba siya ng nobya niya kung sakaling iyon ang gagawin niya "Natahimik kana? Mag isip ka hoy--" "I have an idea" Seryosong sambit niya na ikinatigil ni Hero sa pagsasalita "Really? Ano yon?" Tumayo siya upang tumingin sa glass window ng kanyang condo unit. Kitang-kita mula sa kinatatayuan niya ang nag tataasan mga gusali ng makati city. Tanaw niya ang city lights mula doon. Dahil ang condo unit niya ay nasa ika-55th floor. Parang laruan nalang ang mga ilang kotse ang natatanaw niya mula roon. Lumingon siya kay Hero pagkatapos niyang mag-isip ng malalim. "I will rent a girlfriend. Baka sakaling kiligin ang mga viewers. May napanuod kasi ako dati sa news about that rented girlfriend thing dito" Unti unti naman napanganga si Hero na para bang isang magandang bagay ang narinig nito. Hindi agad ito nakapag-react kaya naman nilapitan niya ito para tapikin sa pisngi. Para kasing naengkanto na ang kumag eh "What do you think about it? Huy?" "Damn Gabriel Harishama! Ngayon ka lang yata nagkaron ng magandang ideya sa limang taon mong pagiging vlogger!" Pumalakpak pa si Hero na para bang nanalo ito sa lotto. Kumikinang pa ang mga mata nito. "Yoko na nga. Ang saya mo eh" Biro niya bago niya ito iniwanan upang tumungo siya sa kusina. Nagugutom na kasi siya. Aside from being a food vlogger magaling rin talaga siyang magluto. Kayang kaya niyang iluto lahat ng mga putahe. Just name it. Kaya nga tumaba ang kumag niyang kaibigan dahil panay ang lamon nito sa mga niluluto niya "Bro wala ng bawian. Nasabi mo na eh. Tutal wala namang may alam na may gigi ka doon sa Los Angeles eh" "Gigi?" Kunot nuong tanong niya. Di niya kasi nagets ang sinabi nito "Gigi. Girlfriend Girlfriend'nan" Napangiti siya "Siraulo. Girlfriend ko talaga yon" Umikot naman sa ere ang mga mata ni Hero na para bang hindi naniniwala sakanya "Girlfriend mo lang yon pag andoon ka sa L.A. Pero pag nasa ibang bansa ka para kang single eh. Landi mo--" Tumawa siya ng malakas bago niya binato ng basahan ang mukha ni Hero. May basahan kasi sa lababo malapit sa kinatatayuan niya. Saksi kasi si Hero sa pagiging playboy niya lalo na kapag nakakakilala siya ng magagandang babae. Hindi naman niya kinakama ang mga iyon. Hangang flirting stage lang siya dahil takot siyang magkasakit. Pampalipas oras lang naman niya ang mga babaeng iyon dahil malayo ang girlfriend niyang si Annika. Long time girlfriend niya ito simula pa noong high school siya. He's 24 years old right now. He took up bachelor of science in business administration in Los Angeles. Tapos siya sa pag aaral pero vlogging ang nagustuhan niyang gawin after ng graduation niya. 5 years na siyang vlogger. He had 10 million followers on his social media account. Pero ngayon halos 7 million na lamang. Paunti-ng paunti ang tumatangkilik sa mga videos niya. Nauumay na yata ang mga tao sa mga videos niya dahil panay pag-kain at travels lang naman ang mga iyon "Flirting tawag don. Hangang sayaw lang" Pagdadahilan niya pa. "Lokohin mo lolo mo Gabriel. Huwag ako. Mula bata pa tayo kilala na kita. Pati nga pag tubo niyang kuko mo nasaksihan ko pa eh" Pareho silang natawa mag-kaibigan. Nabuo ang desisyon niyang subukan ang pagkakaroon ng rented girlfriend. Bahala na kung pumayag si Annika o hindi. Basta maisalba niya lang ang papalubog niyang career "Ako mamimili ng girlfriend mo" Nakangiting sambit ni Hero habang hawak na nito ang mini ipad niya. Samantalang nagluluto naman siya ng kakainin niya "Gusto ko maganda tas cocomelon" Biro niya habang ginigisa ang bawang at sibuyas "I gotchu brother" Nakangising sagot ni Hero. Palibhasa alam nitong mahilig siya sa chix na may malaking hinaharap. "Lagot talaga ko kay Annika. Sabihin ko ideya mo yan" Lalong lumakas ang tawa ni Hero. "Isang araw lang naman eh" Hindi na siya sumagot dahil naging busy na siya sa pagluluto. Seryoso kasi siya sa tuwing nagluluto siya. "Whoa!" Nagulat pa tuloy siya nang magsalit ulit si Hero. Para itong nakakita ng kakaiba sa screen ng mini ipad na hawak hawak nito "Ginulat mo naman ako. Bakit anong nangyari?" Kunot nuong tanong niya kay Hero "Damn ang ganda bro!" Hinarap ni Hero ang mini ipad sakanya upang makita niya ang tinitignan nito Napangiti siya ng makita niyang isang litrato ng magandang babae ang naroon. Well, maganda nga. "Cocomelon yan" Nakangiting sambit nalang niya "Ito na ang kukunin kong rented girlfriend mo." Tumango siya. Ewan ba niya pero para bang nasabik siya sa bagong pakulong gagawin nila "Anong name niyan?" Interesanteng tanong niya kay Hero "Savy baby!" Todo ngiting sagot ni Hero
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD