"Yohooooo!" Sumigaw ako sa tuwa dahil nasa bundok na kami. Tulad ng ipinangako ni Jack sinulit namin yung 1 week na makakasama ko sya. Noong isang araw pumunta kami sa Enchanted Kingdom pagkatapos ay naglibot kami sa Baguio. Sinusulit namin ang bawat sandali na magkasama kami. Kahit nakaka lungkot man isipin kailangan nyang umalis pero alam ko naman na para sa companya nila iyon. "Ang ganda!" Namangha ako sa tanawin. Ngayon lang kasi ulit ako naka akyat ng bundok after how many years. "You like it?" Sunod sunod ang ginawa kong pagtango. "Will you miss me when Im gone?" Napalingon ako sakanya dahil sa tanong nya. Bakit pakiramdam ko may ibang kahulugan ang sinabi nya. Para bang mawawala na sya. "Ano kaba! Babalik kapa naman hindi ba? May skype naman" naka ngiting sagot ko. Hinaw

