"What?" Di maka paniwalang tanong ni Jack "Let me go home please. Kahit wag mo na akong ihatid. Maglalakad nalang ako" pagpupumilit ko habang tumutulo ang luha sa aking pisngi. "Jack!" Napayuko ako dahil sa pagtawag ni Daddy kay Jack. Hindi ko makita ang mukha nito dahil nasa harapan ko si Jack. Nasa harap saakin ang matinpuno nyang dibdib. Napasinghap ako ng bigla akong hilain ni Jack at niyakap ng mahigpit. Napasubsob ang mukha ko sa dibdib nya. Hindi ko na matandaan kung kailan ang huling beses na niyakap nya ako ng ganito kahigpit. Aaminin ko sobra kong namiss ang ganitong pakiramdam. "Shh. Hush now baby. I will drive you home you need to rest" Di ako maka kibo, nanatili lang akong nakayakap sakanya. "Jack" tawag ulit ni daddy. Hinawakan ni Jack ang kamay ko bago kami humarap

