Umalis na si Señior para pumunta sa kwarto niya. Umalis sina Irene at Dracula naiwan sa living room sina Matt at Frieda. "Ano ang iniisip mo, Matt?" tanong ni Frieda nang lapitan niya ang tinuturing na anak. "Ang mangyayari sa panahon na 'to, Auntie mula kami sa hinaharap at nagpunta kami dito para baguhin ang mangyayari sa panahon namin dapat may mabago bago pa lumala." nasabi ni Matt nakatanaw siya sa labas ng kanilang bahay. "Mamatay ang mga katulad natin?" tanong ni Frieda nakatingin siya kay Matt. "Lahat ng angkan natin mamatay mula sa plano ni Señior, at maraming katulad natin ang papanig sa kanya para hindi mamatay ang kapalit naman magiging masama sila wala ng kapayapaan sa ating mundo." sagot ni Matt. "Tama ka, gagawin niyang masama ang mga katulad natin para magkalat ang lah

