6

2203 Words
"Señior!" sabay bati nina Matt at Irene nang makita ang taong kausap ng ama ni Matt. "Tapos na kayo?" tanong ni Eduardo sa anak kaagad na tumango sa kanya. "Anong ginawa nyo dito, doc? Ang sabi ni Reina sa akin hawak mo na ang folder ng formula pwede mo na ba ito gawin sa laboratory natin at tapusin na ang likido para maagapan ang mga taong kinakagat ng kauri natin?" tanong ni Señior Dave nang humarap kina Irene at Matt. "Hindi ko magagawa kaagad, Señior ang sinasabi nyo pag-aaralan ko ang nakasulat sa folder bago ko ituloy ang naudlot na paggawa sa likido itabi nyo muna—itapon ang hindi namin natapos ni Señior Supreme dahil hindi na pwede ito gamitin na stock na ito ng matagal kahit nakalagay ito sa freezer may kakaiba na sa likido baka kapag ginamit na ito sa tao kinagatan may epektong hindi maganda," sabi ni Matt kay Señior Dave na hindi nakasagot. "Paano mo nalaman?" tanong ni Señior Dave napatingin siya kay Matt. "Dahil sinimulan ko na basahin ang nakasulat 'yon kaagad ang hinanap ng mga mata ko," sagot ni Matt. "Kung hindi nyo gagawin, Señior maraming tao ang mapapahamak kasama ang kauri natin." sabat ni Irene. "Kausapin mo, doc ang lahat sa laboratory para sa kaligtasan natin ayoko maulit ang nakaraan at sumugod ang mga lobo at Bernadine sa Pilipinas hindi pa tayo nakaka-ahon." sagot ni Señior Dave seryosong tumitig kay Matt. "What he shows you are not true," Edward said softly as he watched Señior Dave he saw something else he couldn't explain. "Sige, Señior sasabihan ko sila kapag bumalik ako sa lab bukas." kaagad nasabi ni Matt kay Señior Dave. "Aalis na ako, doc Eduardo sana gawin mo ang sinasabi ko sa'yo." bilin ni Señior Dave bago umalis sa opisina. Napatingin si Matt sa ama nang mapaupo ito. "Ano ang inuutos sa'yo ni Señior Dave, pa?" tanong ni Matt seryosong tumingin. "Nagpapagawa ng lason si Señior para sa mga Bernadine at sa mga katulad mo pati sa lobo," mahinang sabi ni Eduardo at kaagad pinatay ang CCTV sa may kisame ng opisina nito. "Para saan?" tanong ni Irene. "Para ang mag-hahari na lang sa mundo ang mga bampira," sagot ni Eduardo. "Gagawin nyo pa rin, pa?" tanong ni Matt sa ama. "Oo, para sa kaligtasan nyo kahit kaya nyo siya kalabanin iba pa rin ang nag-iingat." sabi ni Eduardo. "There still alive in the Alegayo family? Except for Frieda and your wife?" Edward asked Eduardo as Matt's voice changed. "Maria's siblings or her child or grandchild," Eduardo replied to his son and Edward took a serious breath. "Ang nawawalang tao sa frame siya ang pag-asa natin? Dahil, siya lang ang sumuway sa hari?" sabat ni Irene. "Bakit niya 'yon inuutos?" natanong ni Matt sa sarili at napaisip na lang. "Parang ganun," sagot ni Eduardo. "He doing this because, he wants him to reign the world, he also the reason for having a war?" Edward said Matt's voice changed again as he said. "Ano ang kinalaman ni Señior Dave, bakit niya 'yon gagawin?" tanong ni Irene sa mag-ama. "Ang natitirang buhay sa pamilya ni Maria ang pag-asa natin...saglit hindi ba sa nakaraan kinagat ako—si Edward ni Maria isa siya dahil nanalaytay na sa amin ang dugo ni Maria," sabat ni Matt napatingin sa kanya ang ama at si Irene. "That is our hope, son so that we can live because when one of them lives he will sit on the throne of the king or queen in Cali," Eduardo replied to the two companion he was talking to. "Hindi halatang may ganun balak si Señior, alam kaya 'to ni Señior Irving?" sabi ni Irene sa mag-ama. "'Yon ang hindi natin alam," sagot nina Edward at Matt kay Irene. "Huwag nyo ipagsabi sa iba ang pinag-usapan natin," sagot ni Eduardo. "Opo, pa may sasabihin din kami sa inyo." sabi ni Matt sa ama napatingin ito sa anak. "Ano ang sasabihin nyo?" tanong ni Eduardo sa anak. "Sa bahay natin pag-usapan may nakikinig sa labas ng opisina mo, pa mabuti ginamitan ko ng kapangyarihan kaya wala itong narinig," sagot ni Matt sa ama. "Naramdaman mo rin pala," sagot ni Irene lumabas na sila sa opisina nagulat pa ang taong nasa labas. "Dracula.." tawag ni Irene. "Have you heard anything?" tanong ni Matt sa taong nakatayo. "No, but I know it's about mission, if that's all!?" nasabi ni Dracula. "Oo, ano ang ginagawa mo dito gabing-gabi na ngayon." tanong ni Matt. Ang alam nila kapag ganitong oras may ginagawa ito sa kwarto nito sa House Of Z. Kaya nagtataka sila kung bakit ito nandito ngayon sa kanilang harapan. "Pinapupunta ako ni Señior Irving sa inyo kaso wala ka naisip ko baka nandito ka tama ang hinala ko." sabi ni Dracula. "Bakit, ano ang dahilan para papuntahan ka ni Señior?" tanong ni Eduardo Kay Dracula. "Hindi niya sinabi at isasama nyo na daw ako sa misyon nyo, doc sa inyo ako magtitiwala at sa maniniwala kahit anong mangyari may duda ako sa army ni Señior Dave." sabi ni Dracula natahimik ang tatlo. "Si Corazon Zaragosa ang lola mo, Dracula pwede ba namin makausap?" sabat ni Eduardo kay Dracula. "Opo, doc lola ko siya, bakit?" tanong ni Dracula napatingin siya kina Matt at Irene. "Kailangan namin ang tulong niya sa misyon, Dracula." sabat ni Señior Irving mula sa likod nito. "Señior!" tawag nila kay Señior Irving. "Umalis na tayo dito at sa mansyon tayo mag-usap tungkol sa misyon," seryosong sabi ni Señior Irving. "Señior," tawag ni Irene. Umalis na sila ng hospital at sumakay sa kanilang sasakyan at umuwi sa mansyon hindi sila huminto sa may cafe shop kundi sa konektadong kalsada nito sa isang subdivision huminto. Nang makarating sila sa mansyon pinarada nila sa garahe ang mga sasakyan bumaba sila kaagad si Eduardo ang nagbukas ng pintuan kasunod niya ang mga kasama. "Honey!" tawag ni Eduardo pagpasok sa loob ng bahay. "Mama Frieda!" tawag ni Matt sa pangalawang ina. Bumaba mula sa itaas ang ina ni Matt na yumakap sa mag-ama nang makababa ng tuluyan. "Mabuti nakabalik kayo," sabi ni Evangeline sa mag-ama niya. "Hindi naman kami nawala kung yumakap ka, hon." sabi ni Eduardo sa asawa niya nang lumayo ito kaagad. "Oo nga, mama may nangyari ba dito habang wala kami?" tanong ni Matt napatingin sa ina na umiling na lang. "Honey," tawag ni Eduardo sa asawa niya. "Nakapag-luto ang mga human sa dining area ng dinner," aya ni Evangeline sa mag-ama niya napatingin pa siya sa mga tao nasa likod. "Hi, tita!" sabay bati nina Dracula at Irene kumaway pa tumango sa kanila si Evangeline. "Si mama Frieda?" tanong ni Matt sa ina. "Nasa Cafe shop," sagot ni Evangeline sa anak. "Ah, okay mama." sabi ni Matt sa ina. Pumunta na sila sa dining table ang kumain lang si Dracula at si Eduardo. Umiinom lang ng dugo nang hayop ang iba nilang kasama. "Ano ang pag-uusapan natin, Señior?" tanong ni Eduardo kay Señior Irving. Nagka-tinginan sina Matt at Irene nang lihim sa sinabi ng Señior. "Sa basement tayo mag-usap makikinig ang katulong sa atin," sabi ni Señior Irving. "Yes, Señior." sagot nilang lahat kay Señior Irving. "Anong meron dito?" bungad ni Frieda hinalikan sa pisngi ang anak-anakan. Hindi sila sumagot ng mag-lapag ng pagkain ang katulong sa mesa. "Sumama ka na lang sa basement," sabi ni Evangeline sa pinsan na tumabi ng upo sa tabi nito. Inabutan ito ng snifter glass at nilagyan ng dugo napapikit pa ito. "Hmm.." nasabi ni Frieda at ininom kaagad ang laman ng snifter. Nang matapos sila tinawag ni Evangeline ang katulong. "Magpapalit lang ako ng damit sa kwarto, honey/mama." sabay banggit nina Matt at ng ama nagka-tinginan pa sila at nag-tawanan. "Hintayin namin kayo sa ibaba," sabat ni Señior Irving napatingin pa sa mag-ama. Magkasamang umakyat sa itaas si Matt at ang ama. "Sasabihin mo ba ang pinag-usapan natin kay Seńior Irving?" tanong ni Eduardo sa amak nang maka-akyat sila sa huling baitang ng hagdanan. "Hindi, pa ang sasabihin ko lang ang napapansin ko at tungkol sa ginawa namin sa laboratory." sabi ni Matt sa ama. "Good, dahil lolo niya pa rin 'to mag-observe muna tayo." sagot ni Eduardo sa anak. "Tama na ituloy mo ang pinag-uutos sa'yo ni Seńior Dave at ipaalam nyo sa amin ni Irene ang nangyayari para gagawa kami ng kabaliktaran nito—ang formula hawak ko maselan ang nilalaman nito kaya 'yon ang sinabi ko kay Señior," sabi ni Matt sa ama. Pumasok na sila sa kanilang kwarto at nagpalit ng damit. Naunang lumabas si Matt kinatok niya ang kwarto ng magulang. "Pa, mauuna na ako." tawag ni Matt sa ama ng katukin niya. "Sige." sigaw ni Eduardo mula sa loob ng kwarto.. Lumakad na si Matt nasalubong pa niya ang katulong. "Hi, doc!" bati ng mga katulong nang pababa si Matt. "Hi!" bati ni Matt bago niya iwanan ang dalawa. Pumunta si Matt sa basement ng kanilang bahay. Naupo siya sa pwesto niya napalingon sila nang makitang dumadating si Eduardo at tumabi sa asawa. "Ano ang pag-uusapan natin?" tanong ni Frieda sa mga kasama nang nandito na ang lahat. "Misyon namin sa paghahanap sa asawa ni Matt, sa pag-gawa ng likido nina Señior Supreme at Edward at sa lola ni Dracula." seryosong sabi ni Señior sa lahat. Tahimik na nakatingin sila kay Señior. "Kailangan natin ang tulong ng lola ni Dracula para malaman natin kung nasaang taon ngayon ang asawa mo, Matt." sabi ni Señior. "Paanong kailangan?" sabat ni Matt hindi niya maisip ang gustong sabihin ng Señior. "Mangkukulam ang lahi ko," sabat ni Dracula kay Matt nang tumingin. "Ang lahi nila ang pinaka-makapangyarihan na mangkukulam sa kanilang lahi," sagot ni Frieda sa mga kasama. "May asawa ka na pala sa edad na 20, Matt?" tanong ni Dracula nang hindi makapaniwala sa narinig. "Asawa ko siya sa nakaraang ako, si Edward Manalo—ang asawa niya ang hinahanap ko na asawa ko rin naman." sagot ni Matt kay Dracula. Alam ng lahat ng agents na si Matt o Matthew Manalo ang dating Edward Manalo ng House Of Z na namatay ilang buwan nakakalipas kaunti lang ang nakakaalam ng totoo. "Hindi pa rin ako makapaniwala, pero dahil sa lahi akong mangkukulam alam ko na hindi ka magsisinungaling," sagot ni Dracula tahimik ang paligid. "Ang likido, Matt tapusin mo na dumdami ang katulad mo." sabi ni Señior nang balingan niya ng tingin si Matt. Huminga muna si Matt bago magsalita sa mga kaharap tumingin pa sa kanya si Irene. "Uulitin ko ang sinabi ko kay Señior Dave kanina, pag-aaralan ko ulit ang nakasulat na formula bago ako gumawa dahil hindi ko na ito kabisado pero sa ngayon kailangan natin itapon ang likidong hindi namin na-ituloy gawin dahil kapag nilagay ito sa katawan ng tao may masamang epekto sa kanila ito dahil hindi tapos ang likido kahit nilagay nyo ito sa freezer." sagot ni Matt sa lahat. "Bakit?" tanong ni Frieda. "Parang pagkain may expiration ang likido hindi ko alam kung hanggang kailan dahil hindi ko matandaan kung kailan ito ginawa para makasigurado tayo itapon ito at gumawa ng bago," sabi ni Matt sa pangalawang ina. "Ilan taon ang expiration nito?" tanong ni Señior. "Hindi ko alam, Señior kaya dapat pag-aaralan munang maigi ulit." sabi ni Matt. "Okay, pagkatapos natin mag-usap tatawagan ko si Reina para sabihin ang sinabi mo." sabi ni Señior. "May dapat kang malaman, Señior dahil lolo mo siya may kutob ako na may tinatago sa atin si Señior Dave—sa House Of Z at sa agents," seryosong sagot ni Matt. Tumango si Señior at tumahimik silang lahat. "Kailan natin pupuntahan ang lola ni Dracula?" tanong ni Evangeline sa mga kasama. "Sa makalawa," sagot ni Señior. "Dalawang linggo makalipas?" tanong ni Frieda sa kaibigan niya. "Sa martes, sa tuesday lunes ngayon." sagot ni Señior sa mga kasama. "Hehe! Peace.." nasabi ni Frieda sumenyas siya ng peace sign sa kamay at tinignan siya ng masama ni Señior. "Maaga lang tayo aalis nun sa House Of Z," sagot ni Señior tinignan sina Matt, Irene, at Dracula. "Okay," sabay sagot nina Matt, Irene at Dracula. "Malakas ang kapangyarihan nila kapag martes," sagot ni Señior bago matapos ang pagpupulong. Umalis na sina Dracula, Irene at Señior Irving para bumalik sa House Of Z. Bago man makarating sa kani-kanilang kwarto kwarto nagsalita si Matt sa magulang niya. "Mama, mama Frieda at papa ang likidong tinutukoy ni Señior Irving tapos ko na kanina sinabihan lang kami ni Edward na huwag namin ipaalam sa iba sana atin-atin lang 'to, pa." sabi ni Matt tinignan ang ama dahil nakausap nito si Señior Dave. "Oo, hindi ko ipapaalam sa iba." sabi ni Eduardo sa anak. "Kami rin, anak basta mag-iingat ka kung may duda ka na kay Señior Dave mas malakas pa rin siya sa'yo." bilin ni Evangeline sa anak ng ngumiti na lang. "Opo, ma." sagot ni Matt sa magulang niya. Humiga na si Matt nang tignan ang folder lalo na ang nahulog kanina napulot ni Reina. 'The Evil is alive, The Devil is dangerous' Ano ang ibig sabihin ng nakasulat? Tumayo si Matt at nag-scan ng mga nilalaman sa folder nang ma-ilipat sa laptop pinindot ang copy to paste nilagay sa folder kung saan ang folder nasa flashdrive niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD