Umalis na si Edward at napadpad siya sa pinagkaka-guluhan ng mga tao. "Anong meron?" nasabi ni Matt nakatingin din sa nagkakagulong tao. "Hanapin muna natin ang dalawa," sagot ni Edward tumitingin sa mga tao kung nandun ang hinahanap nila. Natahimik naman si Matt tumulong na rin sa paghahanap sa mga kasamahan nang-iwan. Kinuha ni Edward ang cellphone sa bulsa niya at tinawagan ang mga kasama tumabi siya para hindi masagi ng mga tao magkaka-gulo. Calling... Irene: Oh? Edward: Nasaan kayo? Irene: Kayo? Nandito ako sa mall, bakit? Edward: Huwag kang mag-sinungaling parehas kayong wala ni Dracula. Irene: Haha! Edward: Walang nakakatawa, Irene Gomez! Irene: Nandito ako sa tapat ng bahay ng ama ni Señior, inutusan niya ako. Edward: Kasama mo ba si Dracula? Irene: Hindi ko siya kasa

