Nagulat si Ara nang pag-mulat ng dalawang mata niya ang lalaking hindi niya inaasahan ang makikita niya. "Kararating mo lang?" tanong ng bumungad sa kanya at hindi nakapagsalita si Ara. Kaagad siyang bumangon sa pagkaka-upo niya sa sahig. Tumayo siya at nag-pagpag ng puwet bago niya binalingan ng tingin ang bumungad sa kanya. "Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Ara sa lalaking nakatingin sa kanya. "Nag-liligpit? Pumasok na sa school ang kapatid mo," sabi ng kausap ni Ara umiwas siya ng tingin. "Pwede ba na lumabas ka ng kwarto ko?" seryosong sabi ni Ara at iniwas niya ang tingin dito dahil biglang bumilis ang t***k ng puso niya. "Sige," sagot ng lalaki na si—Matt at lumabas na ito ng kwarto. Napangiti na lang si Matt sa reaksyon ng asawa niya at napapailing na bumaba siya. Pumunta

