Tumingin si Matt sa katabi niya at umiling na lang siya. "Anong gumugulo sa isip mo?" tanong ni Dracula sa kanya. Napalingon siya at umiling na lang. "Ang galing mo mag-sinungaling," pag-iibang sabi ni Matt at natawa na lang siya. Nag-dabog na pumasok sa loob ng bahay si Dracula napapailing na lang si Matt sa inasta nito. Pumasok na sa kwarto si Matt para maligo namiss niya ang buhay noong tao pa siya. "Matt! Dracula! Irene! Matheo! Eduardo! Yuhoo!!!" tawag ng isang boses mula sa labas. Kaagad na bumangon si Matt at lumabas ng kwarto niya at sumilip sa may kahoy ng hagdanan na tanaw ang unang palapag. "Auntie!" sigaw ni Matt at kinatok ang pintuan ng kwarto ni Dracula. "What?!!" bungad ni Dracula nakakunot pa ang noo nang buksan ang pintuan nito. "Auntie Frieda is back!" sabi ni

