“Ikalma mo, Czerina Dulce. Huwag kang kabahan, isipin mo ang limang milyøn,” pagpapalakas ng loob ni Czerina sa sarili habang palakad-lakad sa loob ng maliit na silid na kaniyang inookupa.
Itinapat niya ang kanang kamay sa bandang kaliwa ng d*bdib. “Inhale.” Lumanghap siya ng hangin. “Exhale.” Saka marahas na huminga.
Ngunit kahit ilang ulit niyang ginawa iyon, hindi pa rin mawala-wala ang malakas na kabøg sa kaniyang d*bdib. Napapitlag pa siya nang biglang tumunog ang cellphone niya.
Kaagad niyang kinuha ang gadget na nakapatong sa mesita. Ngunit lalo siyang kinabahan pagkakita sa taong tumatawag.
“H-Hello, Ma’am Santi,” garalgal ang tinig na bati niya kay Santina habang nângínginig ang kamay na nakahawak sa cellphone.
“Pauwi na si Slyth, Cedee. Pumasok ka na sa kuwarto niya. Lasing siya ngayon. Nag-away sila ng anak ko,” bungad sa kaniya ni Santina matapos niyang sagutin ang tawag.
“P-Pero, paano po kung mamukhaan niya ako kaagad?” nauutal niyang tanong.
Sinadyang palitan ng pundidong ilaw ang bumbilya sa silid ng binata upang hindi umano makita ang kaniyang mukha. Ngunit kinakabahan pa rin siya. Halos limang taong magkasintahan sina Slyth Aeryx at Atasha, at nasisiguro niyang imposibleng hindi nito mahalata na ibang babae ang nasa loob ng silid.
“That’s why pinagamit ko sa ’yo ang paboritong perfume ni Atasha na regalo mismo ni Slyth,” tila puno ng kumpiyansang tugon ng babaeng nasa kabilang linya. “I even let you wear my daughter’s silk sleepwear dress na galing din sa fiance niya. Halos magkasukat din kayo ng katawan. Mas malaki nga lang ang balakang at hinãharáp mo. Pero hindi niya na ’yan mapapansin.”
Limang talampakan at pitong pulgada ang height ni Czerina. Sa tuwing mapapatapat siya kay Atasha, halos hindi nagkakalayo ang tangkad nila ngunit alam niyang matangkad siya ng bahagya sa dalaga sapagkat may takong ang mga isinusuot na sapin nito sa paa samantalang siya ay wala.
Pinagupitan din ni Santina ang kaniyang buhok na kagaya sa anak nito. Ang dating mahaba niyang buhok na hanggang baywang, ngayo’y lagpas balikat na lang.
“K-Kinakabahan po ako, Ma’am Santi. Baka kasi makilala agad ako ni Kuya Aeryx. Siguradong palalayasin po ako no’n.” Naupo siya sa kama, sinuklay ang unat at kulay tsokolateng buhok.
“Don’t worry, ako ang bahala sa ’yo. Na-transfer ko na ang matitirang pera sa bank account na in-open natin para sa ’yo. Bago ka umalis, ililipat ko sa bank account ni Aelinor ang bayad sa utang ninyo ng Mama mo.”
Tila nabuhayan siya ng loob sa tinuran ng ginang. “S-Sige po, Ma’am Santi, kakayanin ko ’to.”
Pagkatapos nilang mag-usap, muli siyang nagwisik ng pabango. Sinuklay niya ang buhok at muling nagpahid ng lotion sa kâtäwán.
Pinagmasdan muna ni Czerina ang sariling repleksiyon sa full-length mirror na nakadikit sa may gilid ng pinto. Ilang ulit siyang huminga nang malalim.
Isang manipis na red silk sleepwear dress ang kaniyang suot . Hanggang kalahati ng hita niya ang haba. Sa nipis niyon, tila wala rin naman siyang sápløt. Bakát ang hübog ng kaniyang kàtåwan lalo na ang magkabilang t*ktôk ng målulüsōg niyang d*bdib.
“Kaya mo ’yan, Czerina Dulce,” aniya sa sarili, pinalalakas ang loob. “Una at huling beses mo naman ’tong gagawin.”
Inihanda na ni Czerina ang sarili sa mga posibleng mangyari. Sakaling màâkit nga sa kaniya ang binata at may mangyari sa kanila, malugod niyang tatanggapin oras na magbunga ang pag-iisa ng kanilang katawan.
Buo na rin ang desisyon niyang hindi na mag-aasawa. Kaya ayos lang sa kaniya sakaling maanakan siya ni Slyth Aeryx. Ayaw niyang kumilala ng ibang lalaki. Nagkaroon siya ng trauma dahil sa mga pinaggagawa ng kaniyang ama.
Natatakot siyang matulad sa kaniyang ina, na minalas at napunta sa lalaking puro bisyo ang inuuna. Ayaw niyang danasin ang hirap na pinagdaanan ni Czarina noon.
“’Wag mo sana akong isumpa kapag nakahalata kang ako ang kasama mo, Kuya Aeryx. Kailangan ko lang talagang makalayo dito. Hindi naman kita aagawin sa fiancee mo, alam ko namang hinding-hindi mo ako magugustuhan.”
Sumilay ang isang mapait na ngiti sa mga labi ni Czerina bago tuluyang lumabas ng sariling silid. Bawat hakbang ng paa niya, palakas nang palakas ang kåbog ng kaniyang d*bdib.
Ramdam din niya ang pamamawis ng mga kamay na mahigpit na nakahawak sa magkabilang gilid ng süøt niyang manipis na silk sleepwear dress.
Dire-diretsong pumasok si Czerina sa silid ni Slyth Aeryx. Silang dalawa lang ang tao sa mansiyon. Sa susunod na araw pa ang balik ng mag-asawa. Lumuwas sa maynila ang mga magulang ng binata upang dumalo sa kaarawan ng isa sa mga kaibigan ng mga ito.
Walang kasambahay na natutulog sa mansiyon sapagkat lahat ng tauhan ng mga Del Castillo ay binigyan ng sariling lupa at bahay ni Aelinor.
Hindi rin kailangang pumunta sa mansiyon nang napakaaga sapagkat ang ginang mismo ang personal na nag-aasikaso ng almusal ng mag-anak.
Malayang nakapaglakad si Czerina patungo sa silid ng binata nang walang iniisip kung may makakakita ba sa kaniya sa ganoong ayos. Hindi sanay magsuot ng ganoong damit ang dalaga ngunit isinuot niya pa rin bilang pagsunod sa utos ni Santina.
Nang tuluyang makapasok si Czerina, hinanap niya ang remote control ng air conditioner at ini-on ang appliances. Kabisado niya ang bawat sulok ng kuwarto ni Slyth Aeryx kaya hindi siya nahirapang kumilos kahit ang mapusyaw na liwanag lang na nagmumula sa terasa ang nagsilbing tanglaw niya.
Sa nanginginig na tuhod, lumakad si Czerina palapit sa malapad na kama. Pinagmasdan ang higaan ng binata na bahagya lang niyang naaninag. Kaagad na tumaas ang mga balahibo niya nang gumuhit sa kaniyang isipan ang mga bagay na posibleng mangyari sa kanila ng lalaki.
Marahas na napalünøk ng låwāy ang dalaga. Dahan-dahang nahiga patalikod sa pinto habang tinatambol nang malakas ang d*bdib niya.
Hindi naaabot ng mapusyaw na liwanag ang kama kaya hindi makikita ni Slyth Aeryx ang itsura ng babaeng nakahiga, maliban na lang kung bubuksan nito ang lampshade.
Ngunit pati iyon ay sinadyang ipasira ni Santina. Lahat ay planado ng ginang, ang kailangan lang niyang gawin ay galingan ang pang-áākit.
Ilang sandali pa, tumunog ang doorknob at umingit nang mahina ang pinto, hudyat na mayroong pumasok sa silid.
Lalong bumilis ang tíbôk ng puso ni Czerina. Mariin niyang ipinikit ang mga mata at kinagat ang ibabang lâbī. Sunod niyang narinig ang tunog ng switch.
Dahil pinalitan ang bumbilya, hindi iyon umilaw. Magkasunod na inulit ng binata ang pagpindot, ngunit nanatili pa ring madilim sa silid. Sunod niyang narinig ang mga yabag nito.
Habang papalapit nang papalapit ang mga yabag, pabilis naman nang pabilis ang pintig ng kaniyang puso. Halos hindi na siya makahinga. Pakiramdam niya’y mahihimatay siya sa kaba.