On-The-Love Training Book 2 midnyt_princess CHAPTER 22 MAKI- POV "But I don't like you. I hope you don't mind hija." Napatulala ako. Ang straight forward naman pala nyang masyado. Nakakabigla! Hindi ako prepared. Pagkarinig ko palang kanina ng kalatok ng takong nya ay kinabahan na ako, yung para bang nasa school ako at ayan na ang terror na teacher ko. Tapos ngayon namang kaharap ko na nga sya ay mas nakaramdam pa ko ng takot. Pano nasa itsura talaga nya yung pagiging matapobre nya at pintasera! Yung halos lagi nyang itataas ang kilay nya sa mga mababang uri ng taong katulad ko at hindi sya mag aalala kung masasaktan pa nya ang damdamin ko sa panglalait nya. Basta ang mahalaga ay yung masabi nya ang nasa isip nya at kung ano pang gustuhin nya.