On-The-Love Training Book 2 midnyt_princess CHAPTER 34 "Hey! Are you okay? Bakit natutulala ka? Iniisip mo ba ko?",sabi ni Jin sa akin habang kinakaway kaway pa nya yung palad nya sa harap ng mukha ko. Parang natatauhang napatingin ako sa kanya nya, nagulat pa ko sa biglang pagsulpot nya. Parang kanina lang ay ganado syang nagpa-practice ng sayaw nila tapos ngayon ay nasa harap ko na sya. Sa malamang ay nakita nyang malayo yung tingin ko kaya nya nasabi na natutulala ako. "Hindi ako natutulala noh!", sagot ko na tinabig ko yung kamay nya pero hindi ako galit. "Pero ako yung iniisip mo?" joke pa nya. Nakita kong ngumiti sya. Shet! Pawis pawis na nga sya ay ang gwapo gwapo pa rin nya, pano ka namang hindi mai-inlove sa lalaking to di ba? "Ya