Kinabahan naman ako sa sinabi ni Ma'am, dahil alam ko naman sa sarili ko na di ako marunong gumawa nun. Kailangan ko narin sigurong tanggapin na hanggang earth lang yung pagpapakitang gilas ko. Hindi dito sa Arcadia. -_____- Agad na kaming tumayo at agad namang hinawi ni Professor Hearths yung mga chairs namin gamit ang kapangyarihan niya. "Now focus. Feel your power and concentrate." Pahayag niya naman. Agad ko nang pinikit ang mga mata ko at nagfocus. Nararamdaman ko na parang may mga current nalang na lumalabas mula sa loob ng katawan ko. This is freaking awesome. Ganito pala ang mararamdaman mo kapag may kapangyarihan kang pinapalabas. Agad ko naring binuksan ang mga mata ko at laking gulat ko nalang nang may bughaw na portal sa harapan ko. "Oh my Ghaad! Am I not dreaming? Pleas

