"Ghaaad! Ganito yung pagkain nila dito?" Tanong ko naman na sobrang mangha. Kahit puro vegetables lang siya, kakaiba talaga siya kasi sobrang sarap na sa buong buhay ko ngayon lang ako nakatikim ng ganitong klaseng pagkain. Tapos yung kanin di rin uso dito, mapapasabak ako nito. -_______- "Ang sarap ng pagkain nila dito. Hindi kagaya sa bahay." Pahayag naman ni Alisha at pinagpatuloy nalang namin ang pagkain. "Masasarap nga yung pagkain dito sa Arcadia High." Pahayag naman ni Yumi. Pagkatapos naming kumain agad na kaming bumalik sa kwarto namin para magpahinga. "Bakit nga pala may Wizardry tayong subject?" Panimulang tanong ko naman sa kanila pagkatapos naming mag half-bath. "Ewan ko nga rin eh, pero last year wala naman yan. Ang pagkaka-alam ko lang kasi, ngayong taon pumasok na sa

