Kabanata Ika-una

890 Words
Prologue "Tin, ano bang ginagawa mo? At saan ka pupunta? Wala ka bang pasok ngayon?" sunod-sunod na tanong ng lola nito. "La, meron po pero ililipat ko po muna itong paninda natin sa kabilang puwesto po," sagot ng dalaga. "Ako ng bahala diyan pumasok ka na at mali-late ka na," taboy naman ng lola nito. "La, ako na po. Saglit lang naman po ito, eh," saad ni Tin at pinagpalitan nito ang kaniyang gusto. Agad din nitong binuhat ang paninda ng kamatis nang kaniyang lola. "Hay, ang tigas talaga ng ulo nitong apo ko," walang nagawang saad na lamang ng matanda. Dahil medyo malayo pa ang pupuntahan ni Tin at mabigat ang dala nitong kamatis ay nakakita ito ng parking lot na bakante, roon ay kaniyang inilapag ang isang tray ng kamatis. Dahil mabigat din ang dala pa nitong plastic na nasa kanan niyang kamay ay hinati niya ito. At ipinatong sa tray na inilagay niya sa dala nitong bilao. "Buti na lang at nakita ko si Lola, baka mamaya buhatin pa niya ito at mapano pa siya. Parang wala yatang guard na naka assigned dito, ah. Asaan kaya 'yon?" tanong pa nito na palinga-linga sa paligid. "Hindi bali at saglit lang naman ako. Babalik ako agad," saad pa nito at agad na iniwan ang dalang kamatis, mabilis na naglakad palayo habang bitbit ang isang plastic na kamatis. Makaraan ang ilang sandali ay agad itong bumalik at sa pagbalik niya ay nakita nito ang isang sasakyan na magpa-park sa kinalalagyan niya ng kamatis. Ang masaklap ay hindi yata napansin ng driver ang kamatis na inilagay niya roon, dahil ang nakita lang nito ay ang kotse at agad na ipinasok sa lane. "Anak ng TOKWA! ANG KAMATIS KO!" Sigaw nito at agad na tumakbo patungo sa kaniyang mga kamatis. Nakita rin nito na ang mga kamatis na nagkalat at napisa ng gulong ng sasakyang pumarada roon. "Bumaba ka diyan!" galit na sigaw nito sa lalaking nasa manobela at na nasa loob ng sasakyan. Pinagpapalo pa nito ang salamin na bintana ng sasakyan. Agad na kumunot ang noo ni Peterson at dahan-dahan bumaba rin ng sasakyan nito. Napa tango naman ng tingin si Tin dahil sa tangkad ng lalaking bumababa ng sasakyan. Pero hindi ito nagpatinag sa tangkad ng lalaki at naka kunot pa rin ang kaniyang noo. "What do you need?" kunot noong tanong naman ng binata. "Ano'ng what do you need? Nakikita mo ba 'yan, ha? Nakita mo ba 'yang ginawa mo sa kamatis ko, ha?" maangas na wika naman ni Tin habang nakaturo ang hintuturo nito sa mga nagkalat na kamatis. Napatingin naman si Peterson sa mga kamatis na nagkalat at agad na inilipat nito ang tingin sa kaniyang relo na nakasuot sa kaniyang kaliwang kamay. 'It's already seven pm. Naghihintay na si Marie sa loob ng mall at mali-late pa ako kung papatulan ko 'to," saad nito sa kaniyang isipan habang nakatingin sa dalaga nagdadaldal sa kaniyang harapan. Napatingin din si Tin sa lalaki dahil wala itong lumalabas na salita sa kaniyang bibig at nakatingin lang ito sa kaniya. "Hoy! Nakikinig ka ba sa akin? Hindi porque parang kapre ka sa tangkad. Takot na ako sa iyo, ah! Kala mo!" asik pa nito sa binata. Kukuha na sana ito ng pera sa kaniyang coat na suot nang biglang tumunog ang cellphone nito kaya agad niya itong sinagot at bahagyang lumayo sa babae. "Babe, andito na ako. Nasaan ka na ba? Matagal ka pa ba?" tanong ng fiancee nito sa kabilang linya. "Bastos talaga itong lalaki na 'to. Kitang kinakausap ko pa siya, eh. Tinalikuran ba naman ako!" naiinis na wika nito. Mayamaya pa ay nagpulot ito ng isang kamatis na nakakalat at binato ito sa binatang habang may kausap pa phone. "Sapol," nakangiting saad pa ni Tin nang matamaan nito ang ulo ng binata. Na agad namang ikinalingon ni Peterson. "I'll be there in five minutes," wika nito sa kaniyang kausap at pinutol na ang linya. Malalaking hakbang ang ginawa nito upang makalapit agad sa babae. At talagang madilim ang mukha nito. Na ikina atras naman ni Tin nang makitang galit ang itsura ng binata hanggang sa na corner siya nito at dumikit ang kaniyang likod sa kotse ng binata. "Akala mo ba, natutuwa ako sa 'yong babae ka. Kanina ka pa dakdak nang dakdak. Pasalamat at nagmamadali ako at babae ka. Dahil kung hindi malamang--" putol nito at nagulat siya sa ginawa ni Tin na bigla siyang tinuhod sa kaniyang hinaharap na agad niyang ininda ang sakit. "ARAY! Hindi pa ako nagkaka-anak. Mapipisa na ang itlog ko. Humanda ka sa aking babae ka!" wika nito na napa upo pa sa sakit. "Malamang ano? Ha? Akala mo hindi ako lalaban sa iyo, ha? Itong maliit na ito ang magpapayuko sa iyo. Kala mo siguro! Ang yabang mo! Bleehhh! Kulang pa iyan na pambayad sa kamatis na binasag mo. Sa susunod na magkita tayo. Babasagin ko na talaga iyang itlog mo! Hmmmp!" maangas pa na wika ni Tin at napatingin ito sa kaniyang relo. "Hala! Late na ako. Patay na naman ako nito kay Ma'am," nag-aalalang saad pa nito at agad siyang tumakbo palayo. Naiwan naman si Peterson na halos mangiyak-ngiyak sa sakit na nararamdaman nito. "B*wes*t Humanda ka sa aking babae ka. Makakaganti rin ako sa 'yo, makikita mo!" naiinis na saad naman ni Peterson sa kaniyang sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD