CHAPTER FIVE
Pagbaba sa hagdan ay nakita kong nando’n na ang tatlong magkakapatid sa sofa, parang may inaantay lang, at alam kong ako ‘yon.
Imposibleng si tito kaya sino sa kanilang tatlo? Sino ba talaga o talagang silang tatlo?
Magagawa ba talaga nila sa’kin ‘yon? Pero sila lang naman ang mga taong alam ko na kayang buksan ang kuwarto ko kahit nakakandado.
Napahigpit ang hawak ko sa dalang pang beach na tote bag.
Lalapit na sana sila sa’kin nang agad akong tumakbo palapit kay manang Amor na nagwawalis lang malapit sa labas ng pinto.
“Good morning po, manang Amor,” hindi abot sa matang ngiti kong bati.
Kita ko mula sa peripheral vision ko na papalapit na ang mga bulto nila sa’kin pero hindi ko pa rin sila pinapansin o kahit tignan man lang at nagpatuloy lang sa pakikipag-usap kay manang Amor. Hindi ko sila kayang harapin, hindi ngayon, at mas lalong hindi ‘pag nalaman kong totoo ang hinala ko.
“Manang ang aga niyo po atang nagwawalis?” tanong ko para lang may ma-topic.
“Patapos na din ‘to, iha,” ani niya.
At kahit halata namang hindi pa tapos dahil kita ko pa rin ang mga dust sa sahig ay sinandal niya na agad ang walis sa pader.
Hinawakan ni manang Amor ang pulso ko. “Halika,”
“Manang Amor, bakit po?” nagtataka kong tanong nang hilahin niya ako papasok.
“Where are you going?”
Si manang Amor ang sumagot. “Sa kusina lang, iho.”
Pagkarating naming sa kusina ay agad siyang nagtanong sa’kin. Tinignan niya muna ang entrance ng kusina kung meron bang tao. “Iha, may pumasok bas a kuwarto mo kagabi o kanina?”
Nagtaka ako at agad na napaisip ng malalim.
“Hindi ko po alam. Wala po akong matandaang may pumasok sa kuwarto ko simula kagabi.” Sagot ko sa tanong niya.
Napabuntong-hininga siya ng malalim. “Iha, pasado alas kuwatro ng madaling araw ay nakita ko ang mga kuya mo na lumabas sa kuwarto mo. Hindi mo ba talaga alam na pumasok sila?”
Umawang ang labi ko. Sabi ko na nga ba.
Maliit akong ngumiti kay manang Amor. “Salamat po sa pagsabi sa’kin niyan. Pero sana po ay sa ‘ting dalawa lang ‘to.”
Matapos naming mag-usap ni manang Amor ay lumabas na din ako ng kusina at saktong may nag-beep sa labas.
Nandito na sila Aya.
Hindi ko pinansin ang tatlong mga m@nyak na naghihintay sa sala. Mabilis lang akong tumakbo palabas at binuksan ang gate.
Nagsigawan agad ang mga kasama ko nang makapasok na ako, pero nang mapansin ang suot ko ay agad nila ‘yong pinuna.
“Girl, why naman naka-turtle neck ka? At trouser, really?” nakangiwing puna ni Mara at pinagpatuloy ang paglalagay ng napaka-pulang lipstick sa labi niya.
“Hindi tayo magma-mall o magta-travel, ghurl. Sa beach tayo!” si Cassie.
Inikutan ko sila ng mata. “Mamaya pagkarating natin magbibihis ako, okay?!”
“Hayaan niyo nga si Mary,”
Napatingin ako sa driver seat.
Nanlaki ang mga mata ko. “Jaztine?!”
Ngumisi lang siya sa’kin.
“Nandito ka din?!”
Si Gabriela ang sumagot. “Nadaanan naming nagdidilig ng mga bulaklak sa labas ng bahay nila kaya napagdesisyon naming isama para may driver naman tayo.”
Nagtawanan sila. “Driver talaga?!”
“Grabe ka naman kay Jaztine!”
“Kapagod na kayang maging driver niyo!” pinandilatan kami ni Gabriela ng mata. “Mga feeling disney princess!”
Nagtawanan sila. Ako ay pilit lang na nakikisabay dahil hindi mawala sa utak ko ang mga nalaman o nangyari kagabi. Hindi ko alam kung ano ang dapat ko na maramdaman.
Pagkarating namin ay agad din silang nagbihis ng swinsuit para maligo at mag-pic sa dagat habang ako ay nanatili sa cottage suot pa rin ang turtle neck at trouser ko na nagngingitngit ang ngipin sag alit sa magkakapatid dahil sa kanila ay hindi ako makakasuot ng swimsuit.
“Ayaw daw niyang maligo!”
Napatingin ako sa sumigaw no’n. Si Gabriela habang nakatingin kay Jaztine na papalapit sa’kin.
Tinaas ko lang ang kamay sa kaniya dahil wala ako sa mood.
“Bakit ayaw mong maligo?”
Nagkibit-balikat ako at tinignan sila Aya na masayang nagsasabuyan at nagpipic sa dagat. May biglang pumasok na idea sa isip ko.
Kung nakaya nilang gawin sa’kin ‘yon ibig-sabihin ay may pagnanasa o nararamdaman sila sa’kin? Nagma-make since din iyong araw na bigla nila akong hinila papasok sa kotse dahil hindi dahil overprotective stepbrothers sila kundi dahil nagseselos sila nagseselos sila!
Biglang nagliwanag ang mukha ko. Kung hindi ko sila kayang gantihan bakit hindi ko na lang paselosin? Napatayo ako. Ang talino ko talaga!
Napatingin ako kay Jaztine na ngayon ay nagtataka nang nakatingin sa’kin dahil sa bigla kong pagtayo. “Pic tayo mamaya, i-post ko!”
Napangiti siya. “Sige ba,”
Kinuha ko ang bag at tinawag si Cassie.
Sabay kaming pumasok sa cr para makapagbihis ako. Kinuha niya ang susuotin ko na swimsuit na one piece. Hinubad ko lahat ng suot, walang pake kahit nandiyan siya dahil sanay naman na kami, nakatingin lang din naman siya sa salamin tinitignan ng maigi ang mukha niya.
Sinuot ko ang one piece at nag-retouch kaunti.
“Ghurl, hickey ba ‘yan?” nakangiwi niyang tanong sa’kin habang nakatingin sa legs ko. Nginisihan ko lang siya.
“Kanino galing?”
“Secret,” ani ko at pinakita pa sa kaniya ang natatabunan na hicckey ng buhok sa batok at leeg.
“Ang dami, ang wild siguro no’ng naikama mo?”
Inikot ko lang ang mata.
Paglabas namin ay agad kong nilapitan si Jaztine. Excited na gawin ang binabalak ko.
Tinawag ko si Mara ang dakilang photographer sa grupo. “Mara, babe!”
“Oh?!” sigaw niya habang patuloy pa rin sila sa pagsasabuyan nila ni Aya.
“Pa-pic nga kami dito!”
Agad siyang napatingin sa’min. Tinalsikan muna si Aya ng tubig at lumapit.
“Camera ko ba gagamitin?” tanong niya pagkarating.
“Hindi na,” binigay ko sa kaniya ang phone. “Dali, pic mo kami ni Jaztine,”
“Ay, wow, atat you?” nginisihan ko lang siya.
Hinila ko si Jaztine sa tabi ko. “Kaya mo ‘yong post na nakayuko ka sa leeg ko parang hinahalikan?”
Napaubo siya. “Halik?”
“Hindi naman literal ‘yong parang lang!”
“Hoy, ano ‘yan?!” napatingin kami kay Aya.
“Mind your own business, beh!”
Patakbo siyng lumapit sa’min at mahinng kinurot ang beywang ko, hanggang sa isa-isa na lang nagsilapitan.
“Ano meron?’ tanong nila.
Pinandilatan ko sila ng mata dahil naiinip na ako at hinila ulit si Jaztine na kanina pa nila kinukulit.
“Mara, dalo, picture-an mo na kami!”
“Ay hindi kami kasali?!” pandidilat ng mata sa’kin ni Cassie.
“Maya na kayo, mg epal ‘to!” mas nilapit ko si Jaztine sa’kin. “Dali na, Mara,”
Nag thumbs up siya. “Get out of the way nga kayo!”
Nang tumabi sila ay agad kong kinuha ang isang kamay ni Jaztine at nilagay sa beywang ko dahilan para magsigawn ang mga babae. At buti na lang ay hindi ko na kailangan pang sabihan siya ng gagawin niya dahil agad na siyang nag-pose. Hinayaan ko na lang ang pagtama ng labi niya sa leeg ko. I intentionally tilted my head as I look up, closing my eyes seductively as if feeling the pleasure of Jaztine’s kiss kahit wala naman. Mas lalong nagsigawan ang mga girls.
After the pic I immediate look at the picture and posted it on i********: and f*******: na naka-tag si Jaztine pati na din ang mga step-brothers ko. Sinasadyang ipakita sa kanila. Alam ko naming nagpakasaya sila sa pangmam@nyak ng katawan ko kaya bakit hindi ko na lang ipakita sa kanila na ibang lalake ang tinuturing kong may gawa sa’kin nito?
I posted it with a caption of, ‘Kuyas, look, your little princess is a big girl na😊’