Blood 6

2173 Words
"Huwag mo siyang itago, alam namin, nandiyan lang siya. Ilabas mo siya!" Napapitlag si Elisse nang makarinig ng hindi pamilyar na boses ng lalaki. Ang kaninang magandang scenery na kinatatayuan niya ay unti-unting nagbago. Nagdilim ang paligid at nabuo ang mga pader, ang sahig, at ang kisame. Sa paningin niya ay lumitaw ang bulto ng mga tao na hindi niya pa nakikita kahit na kailan, pero parang pamilyar sila. Hindi niya alam pero hindi maiwasang mapaisip ng dalaga kung nakilala niya na ba ang mga ito noon. Pumasok sila sa loob ng bahay, waring naghahanap. Bumakas ang galit sa mga mukha nito nang makita nila ang dalawang dalaga na mukhang nasa labinwalong taong gulang pa lang. Sa galit nila ay unti-unting nagkulay-apoy ang mga mata nila. Napamata siya sa nasaksihan. Mga bampira. "Nandito ka lang pala," anang tinig ng isa sa mga lalaki. Humakbang paabante ang dalaga, itinago niya sa likuran ang isa pang babae na taglay ang isang nakahuhumaling na ganda. Humarap ang dalaga sa babae at ngumiti. "Xenon, magtago ka, pakiusap." "P-pero—" "Sundin mo na lang ako." Putol niya sa sasabihin ng dalagang Xenon ang pangalan. Ma-autoridad ang boses nito. Wala na itong nagawa kung hindi ang tumango at pumunta sa isang sulok ng silid, tahimik na nagmamasid. Muling itinuon ng dalaga ang atensyon sa mga kalalakihan nang makumpirmang hindi basta magagalaw si Xenon. "Pakiusap, umalis na kayo. Hindi ko alam ang mga binibintang ninyo, at kung sakali mang totoo nga ang inyong tinurang, ipinapangako kong wala akong gagawin na ikapapahamak ng sino man." Pinagmasdan ni Elisse ang babae mula sa taas kung saan siya nakapuwesto. Maganda ito, mahaba at itim na itim ang buhok, katamtaman ang tangkad at may banayad na boses. Kahit ang expression ng mukha nito ay napaka-inosente. Hindi niya alam kung bakit hinahanap ito ng mga kalalakihan dahil mukha namang mabait ang nasabing dalaga. "Huwag mo kaming paikutin! Sinasabi mo 'yan dahil hindi mo alam ang mga pwedeng mangyari." anas ng pangalawang lalaki, "Kamatayan mo lamang ang babali sa nakatakda, walang saysay ang buhay mo kumpara sa buhay naming lahat! Mamatay ka!" The woman's lips turned into a straight line. Sa kabila ng kawalan nito ng emosyon ay nababasa sa mga mata nito ang namumuong galit. Sa pagkuyom ng mga kamay ng dalaga, doon pa lang ay alam na ni Elisse. And even on Xenon's horrified expression, she knew it. Something will happen and it's not a good thing. "Hindi ko na uulitin 'to. Umalis na kayo kung ayaw ninyo pang mamatay." babala ng dalaga sa mga kalalakihan. Tila nainsulto ang mga ito at walang anu-ano ay sinugod siya. "Lapastangan! Karapat-dapat ka ngang mamatay!" Mas humaba ang mga pangil nila at tinangkang kagatin ang babae pero nakaiwas ito. Parang roller coaster ang nangyayari sa bilis ng mga kilos nila. Kahanga-hangang naiwasan ng dalaga ang lahat ng mga pagsugod ng mga ito. Sumugod ulit ang isa at nagpalabas ng yelo na hugis patalim sa kamay nito. Naiwasan 'yon ng dalaga ngunit hindi na siya nakagalaw sa pwesto dahil nag-yelo na pala ang kanang paa nito. Naisahan ito ng lalaki dahil pain lang pala ang mga pinalabas na yelong patalim. Ngumiti silang lahat at sabay-sabay na sumugod habang kumakalat ang yelo sa binti ng dalaga pataas hanggang sa inabot sa baywang nito. "Sineiah!" Nahihintakutang sigaw ni Xenon nang bumulwak ang dugo sa tagiliran nito matapos masaksak ng isa sa mga kalaban. Napaungol at napasigaw sa sakit ang dalaga na Sineiah ang pangalan. Gusto mang iiwas ni Elisse ang paningin ay hindi niya magawa. She wanted to run away because of fear but she she can't move. She was forced to watch. It's like an invisible force that she can't control herself. Tuluy-tuloy ang pagtulo ng dugo sa sugat ng dalaga. Malalim ang tama nito. Kulay pula na ang kaninang puti nitong bestida. "Sa puso mo dapat siya tinamaan, hangal!" singhal ng isa, "Ano pang hinihintay mo? Kitilin mo na ang buhay niya!" Tumango ang lalaking may hawak ng punyal at walang pagdadalawang isip na sumugod kay Sineiah pero lahat ay nabigla nang sa isang kisap-mata ay naglaho ito sa paningin nila. Lahat ay natahimik. "P-pinuno—!" Napasigaw ang lalaki sa matinding sakit. Elisse's eyes widened. Her heart literally stopped beating for a brief second. Then, her heart started pounding incredibly fast. She was both amused and horrified. Nagulat na lang siya na nasa likuran na si Sineiah ng lalaki malapit sa pinto. Para itong multo. Isinaksak nito ang kamay sa likuran ng lalaki. Tumagos ang kamay ni Sineiah hanggang sa harap, punung-puno ng dugo ang kamay nito habang hawak ang puso ng lalaki na ngayo'y wala ng buhay. Itinulak niya ang lalaki pabagsak sa sahig. Napalunok ang lahat. Elisse looked at Xenon. Her lips were extremely pale while she's shaking her head, mumbling incoherent words. Masasalamin sa mata nito ang takot, pagkabagabag, at awa. Mas lalong nag-ngalit ang mga bampira at sinugod muli si Sineiah na mukhang wala na sa sarili. Tagusan ang tingin nito at blangko ang ekspresyon. Pero isa lang ang nakapagdala ng kilabot sa kaibuturan ni Elisse—nakangiti ito na hindi umaabot sa mata. Nakangiti ito ng nakakakilabot, ngiti ng taong gustong pumatay. Mabilis na napunta ito sa likuran ng isang lalaki, hinawakan niya ito sa braso at ipinaikot ito sa hindi normal na paraan. Sumigaw sa sakit ang lalaki nang maputol ang braso. Dinilaan ni Sineiah ang ibabang labi niya at parang gutom na hayop na kinagat ang leeg nito dahilan para halos humiwalay ang ulo ng lalaki sa katawan nito. Napasigaw si Elisse at gano'n din si Xenon. Gusto na niyang masuka sa mga nakikita. Gusto na lang niyang ipikit ang mata at takpan ang mga tainga pero may nagtutulak sa kany na huwag itong gawin. She's beyond scared but she can't do anything. Pinanood niya ang lahat. Pinanood niya kung paanong nagkalat ang dugo sa paligid, kung paano namatay ang lahat, kung paanong nawala ang ngiti sa labi ni Sineiah na parang wala itong ginawa. Hindi alam ni Elisse kung bakit nakikita niya ang lahat ng 'to. Fuck. Nag-triple ang takot na nararamdaman ni Elisse nang tumingin si Sineiah sa taas—kung saan siya nakapuwesto—hanggang sa magkatinginan sila. Mas lalo siyang natuod sa kinalalagyan. She's sure. Sineiah's staring at her. Bumalik ang ngiti sa labi nito. Pero iba ang ngiti nito ngayon kumpara sa kanina. Ngiting nakikisimpatya. "Mamamatay ka rin kagaya ko." Napabangon siya. Naramdaman ni Elisse ang pagtulo ng nanlalagkit niyang pawis sa noo. Hinawakan niya ang bandang dibdib at ang bilis ng t***k ng puso niya. Panaginip ba ang lahat ng 'yon? Parang totoo. Nakakatakot. "Mamamatay ka rin kagaya ko." Anong ibig nitong sabihin? She sighed heavily. Simula nang mapadpad siya sa lugar na ito, nagsimula na ring maging bangungot ang bawat panaginip niya. "Mabuti at gising ka na." Napalingon siya sa pinagmulan ng boses—si Adrienne. Kakapasok pa lang nito sa loob at kasama niya sina Sam at ang kambal. "Onee-chan! Mabuti naman at gising ka na!" Worried na sambit ni Rin. Lumapit sila ni Len sa kanya at sabay siyang niyakap, napahiga pa siya sa kama dahil sa impact. "We missed you!" She slightly giggled. Ang cute talaga ng kambal. Nasa ibabaw niya ang mga ito at nakasiksik sa mga braso niya. Mabigat sila pero ayos lang. Elisse averted her gaze to Adrienne na ngayon ay nakatingin lang sa kanya. "What happened?" "Nawalan ka ng malay sa library," Tumingin ito sa phone then sa kanya ulit. "You've been sleeping for four hours." Naalala na niya. Pagkatapos ng mga na-visualize niya, nakaramdam siya ng matinding sakit. Kaya siguro nawalan siya ng malay. Habang pinaglalaruan ni Elisse ang buhok ng kambal ay naisip niya ulit ang naging panaginip. "Adrienne?" "Hm?" "Ano...alam mo ba...uh..." Nagdadalawang-isip pa siya kung magtatanong ba o hindi. Panaginip lang naman 'yon, why did she need to deal with it? "Ano ba 'yon? Sabihin mo na," Naiinip na tugon nito. Moody talaga. Bossy pa. Napabuntong-hininga siya. Humiga na sa magkabilang gilid niya ang kambal kaya bumangon naman siya. Parehas sinimulang paglaruan ni Rin at Len ang kamay niya. Wala naman sigurong mawawala kung magtatanong siya. "Alam mo ba kung anong p-pangalan ng unang itinakda?" "Why?" Napaiwas siya ng tingin. "W-wala lang." Wala siyang narinig na kahit ano sa kanya. Akala niya wala na itong balak sagutin ang tanong niya pero hindi. "Sineiah." "H-ha?" "Sineiah. 'Yon ang pangalan niya." Umismid ito. "Bingi." masungit na dagdag pa ng cold na bampira. She nodded slowly. Coincidence lang ba 'yon? Katulad nang sa panaginip niya, 'yon din ang pangalan nito. Tapos nandoon pa si Xenon. She's confused. What's that? A vision? Bakit napanaginipan niya ang isang pangyayaring nanggaling na sa nakaraan? Hindi niya mapigilan ang sarili na maguluhan. "Something's bothering you," Sam said to her. "Wh-what do you mean?" Napatingin siya kina Rin at Len na nakatulog na pala. "Tell me, do you see visions?" tanong nito. Lumapit ito kay Elisse at inayos ang ilang hibla ng buhok niya. "S-sam...I...I don't know." Elisse said in low voice before sighing. "I don't understand." Tumango ito na parang naiintindihan ang lahat kahit wala pa siyang pinapaliwanag. "Magiging ayos lang ang lahat. Huwag ka na masyadong mag-isip ng mga bagay-bagay, okay?" "A-ang bait mo," nahihiyang sabi niya. Elisse bit her lower lip because of embarassment. Sam chuckled. "Thank you." "Si Diamond, nasaan?" tanong niya na lang. Naaalala pa rin niya yung unang expression na nakita sa babae. "Ewan ko ro'n," She shrugged her shoulders. "Palaging nawawala 'yon si Diamond. Sa SC room at classroom ko lang siya madalas na makita." "Okay..." Nakaramdam siya ng panghihinayang. Gusto sana niya itong maging kaibigan. She sighed. But she didn't know if she had the confidence. "Problem." Halos mapatalon siya sa gulat nang biglang lumitaw si Diamond. Parang kanina lang ay pinag-uusapan nila ito. Sam frowned her forehead while Adrienne remained still, waiting. "What do you mean?" "Intruder. Come." Mukhang naintindihan ng mga ito ang maikling phrase na binanggit nang isa. Mabilis silang sumunod kay Diamond and she followed. Lumabas din siya ng kwarto ngunit nawala na sila pagkaliko niya pa lang sa corridor. Ang bilis. She didn't want to be left behind so she forced herself to find them. Nakarating siya sa masukal na parte ng school sa kakalakad. Halos manigas siya sa kinatatayuan nang muntik na siyang mahagip ng isang matulis na bagay. Elisse looked behind her back. Tumama 'yon sa isang puno. Isang dagger. Bumalik ang tingin niya sa mga kasama. Kasalukuyang nakikipaglaban sina Adrienne. Ito ba yung problemang sinasabi nila? Anong...anong nangyayari? Napalingon sa kanya si Adrienne at nanlaki ang mata. "Stupid! Why did you follow?" Yumuko si Adrienne at sinipa pailalim yung lalaking tinangkang suntukin siya. Tinapakan nito ang tiyan ng kalaban tumingin ulit sa kanya. "Get away from here!" Napaatras siya. She wanted to help but what was she going to do? There were many enemies approaching. And it didn't help that her knees were shaking. Tinangka pa siyang lapitan ng isa pero bago pa man ito makalapit ay sumugod na si Sam at sinuntok ito, twisting the man's head. Humandusay ito sa lupa. "Elisse, go! Now!" Mas dumagundong ang boses ng kasama. "They're after you!" Lalo siyang naguluhan. Anong kailangan ng mga ito sa kanya? Why it's happening? And here she thought she'll finally be safe but everything was just the opposite of her expectations. Pinagpasyahan na lang niya na sundin sila. Mas mapapahamak sila kung nandoon siya, she's just a burden. Labag man sa loob ay tumakbo na siya palayo. "Akala mo ba patatakasin kita?" Napahinto siya at napaatras nang may lalaking humarang sa kanyang dinaraanan. Nakakatakot ito at malaki. Rinig niya ang malakas na pagtambol ng puso dahil sa takot at kaba. "A-anong kailangan mo sakin?" "Kailangan mong mamatay." Ngumiti ito. "Napakaswerte ko naman." "Mamamatay ka rin kagaya ko." Nag-echoe sa isip niy ang malamig na boses ni Sineiah dahil sa sinabi ng lalaki. Ako? Kailangang mamatay? "Magdasal ka na." Tumawa ito na mas lalong nagpatingkad sa kulay pula nitong mata. Lumapit ang lalaki sa kanya na ikinaatras niya. "H-huwag kang lalapit!" "Too late, brat." Hanggang dito na lang ba siya? Ito na ba? Katapusan na ba niya? Wala man lang siyang magawa. Naisip niya ang sariling ina. Gusto niya itong makita...kahit saglit lang. Sumugod ang lalaki at napapikit na lang si Elisse, naghihintay na tapusin nito ang buhay niya. Nakita niya sa sariling isipan ang ina. Gusto niya pang makita ang ngiti nito. Nakarinig siya ng sigaw na para bang nasasaktan. Napadilat siya nang walang maramdamang sakit. Anong nangyari? Nanlaki ang mata niya sa nakikita. Niloloko na ba siya maging ng sariling paningin? Nakatayo sa harapan niya ang isang babae, nakatalikod ito sa kanya. Sinasakal nito sa leeg ang lalaki. Kilalang-kilala niya ang posture ng katawan nito. Sobra. "B-bitawan mo ako!" Sigaw ng bampira na halatang hirap nang huminga. "Sabi ko naman sayo, eh. I'll always protect you, Elisse." Kilalang-kilala niya ang boses na 'yon. She gulped. Boses 'yon ni... "A-Asha?" Paano napunta rito ang best friend ko? _____
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD