Haskell Point of View:
Ngayon ay araw ng Miyerkules at iinterview ko ngayon kay Kuya Pao. Ang topic namin ay about How to be patient and how to love as a Christian.
Andito ako ngayon sa kanila, dala-dala ulit ang recorder ko ganun rin ang questionaire. At nagsimula na kami.
Haskell: Hi Kuya Pao, thank you po sa pagpayag, kahit busy ka po as a new father. Congrats po, by the way.
Pao: Hahaha. Wala iyon, para sa creatives pa ba. Hahaha. Salamat rin at isa ako sa iinterviewin niyo. Sakto nga at nagpapahinga ngayon si Misis at si Baby.
Haskell: Hahaha opo kuya. Was it hard po ba?
Pao: Yes, it is challenging pero sobrang fulfilling. Pero yun nga, dapat talaga bago lumabas si Baby, nakapag-ipon kayo ng tulog hahahaha. Joke. Pero ano importante kasi talaga tulungan kayo ni Misis. Salitan kayo sa pagbabantay ba. Tsaka since si Misis ang nagf-feed, dapat ako talaga magpapalit ng diaper. Tsaka pag ‘di kaya, ask divine intervention. Hahahahaha.
Haskell: Hahaha Grabe naman po sa divine intervention kuya. Ito let’s go na po sa pinaka topic. How did you and Ate Bea meet?
Pao: We meet sa church, 15 years ago. Mga 16 years old pa lang kami nun. Pareho kaming akay lang ni Raf, yung connect leader mo. Hahaha. We didn’t really know each other then, tas nagkakilala kami nung araw na yun. Nagkacrush ako sa kanya nun. Sobra. She’s ano eh, alam mo yun… When you saw her parang may glow. Parang, ah ‘di ko mapaliwanag.
Haskell: I know what you mean Kuya. I know what you mean. And since you said na you had a crush on her ever since you saw her, kailan niyo po siya niligawan?
Pao: Nung nag 21 ako. Bea is 3 months older than me so, 21 na rin siya nun. Pero bago yun, pinagdasal ko muna talaga. Kung kailan ba yung right time na kaloob niya. Kung ready na ba akong manligaw sa kanya. And bago ako manligaw, I continuously work on how to be worthy of her sa mata ng Diyos. Pero ah, take note all my growths there is not only for her. Una para talaga kay God. Pangalawa for me. Pangatlo yung para sa kanya. So, ayun. Tips rin, kahit mag-asawa na dapat parang nasa ligawan stage pa rin kayo. Kahit pa parents na kayo. At higit sa lahat si God talaga ang nasa sentro.
Haskell: Thank you po for the tips kuya.
Pao: No problemo.
Haskell: But, Kuya you said it took 4 years bago ka sinagot ni Ate Bea. Why? And did you get tired ba while you are waiting?
Pao: Ay oo. Hahaha 4 and half years rin yun. As to why, alam niya kasi na pareho pa kaming hindi ready for the relationship. Nags-struggle ako nun sa oras for duties sa church, duties sa trabaho, oras para sa kanya. Mahirap balansehin ba. Tas ‘di pa ganun ka solid ang relationship namin ni God. Siya naman, breadwinner. So, inuna niya muna makapagtapos yung sumunod sa kanya. Tsaka ano eh, may commitment issue siya nun. From a broken family kasi. So she have to deal and heal muna from that. She need to focus on her relationship with God muna then relationship with herself bago niya ako sagutin. As for nainip… medyo, medyo talaga. Tayo kasi minsan mainipin. Hahaha. Tsaka minsan darating talaga sa point na mapapagod. Mga pangatlong taon ko na nung pangliligaw nung nakaramdam ako ng Pagod nun. Tas nagdasal ako kung dapat ko na bang itigil. Tas kinagabihan nun, nanaginip ako, andun naglalakad sa aisle si Bea, naka wedding gown… pero hindi ako yung groom. Best man lang ako. I think that is God’s sign na parang nag prevent para ihinto ko. Parang God’s way na maging patient ako. Ayun. After nun, pinagdasal ko talaga araw-araw ang patience. Commitment talaga eh.
Haskell: Pero Kuya, is there a point na kayo na tas parang nagkasawaan na kayo? How do you conquer that?
Pao: Alam mo yung mga itch itch na iyan? Totoo iyan eh. Yung manglalamig kayo talaga sa isa’t isa. Yung mas madalas na kayong mag-away kaysa magkasundo. Muntik na kami maghiwalay noon. 5th year namin as mag syota. Madalas na kami magtalo nun. Tapos na yung honeymoon phase, kumbaga. Tas madalas na ako sa barkada nun, siya sa church at work niya. Tas muntik na akong mambabae nun. Nakakahiyang aminin pero muntik na talaga. Tas may mga buyo pa ng mga kaibigan. Yung araw na maghihiwalay kami, nagkita kami sa kung saan niya ako sinagot. Pareho na kaming desidido nun. Pareho na kaming toxic that time eh. Wala na kasi si God sa sentro naming dalawa nun. Tas ako napariwara pa. Nasa byahe ako nun, tas lahat ng billboard na nakikita ko sa Edsa, sa maniwala ka o sa hindi puro 1 Corinthians 13:4-8 yung “Love is patient, love is kind. It does not envy, it does not boast, it is not proud. It does not dishonor others, it is not self-seeking, it is not easily angered, it keeps no record of wrongs. Love does not delight in evil but rejoices with the truth. It always protects, always trusts, always hopes, always perseveres. Love never fails. But where there are prophecies, they will cease; where there are tongues, they will be stilled; where there is knowledge, it will pass away.” Habang nakikita ko iyon, nagflashback lahat sa akin. Yung una ko siyang nakilala, yung nung maging magkaibigan kami, yung nung nililgawan ko siya, yung nung napagod ako pero narealized kong hindi ko siya dapat sukuan, yung masasayang sandali, bumalik lahat yun, bro. Tas naiiyak ako sa bus nun. Sakto pa tugtog sa radio, Starting over again ni Lani Misalucha tas sunod yung If ever you’re in my arms again. Naisip ko, Hindi. Hindi ko siya kayang pakawalan. Siya yung babaeng nilaan sa akin ni God eh. Nagdasal ako bro. Nagdasal ako na bigyan ulit ako ni God ng isa pang pagkakataon. That I will not take his daughter for granted again. That this time, I will love her the way God designed me to be. So, ayun I seek God muna. Nagpromise rin akong iiwasan ko na yung bad circles ko. Iiwasan ko na yung mga bisyo ko nun, nagbalik loob ako sa kanya. Sabi ko, si God na ulit magiging sentro ng buhay ko. Tas ganun rin pala siya. Pareho kaming dalawa nun. So nung magmeet kami, iyakan talaga bro. Tas nagsorry kami sa isa’t isa. Ayun. Hahaha.
Haskell: Naiiyak ako kuya. Was that the last time you fought Kuya?
Pao: Hindi. Hahaha. Lalo na ngayong mag-asawa kami. Pero marunong na kami mag-ayos nito. We talked, we compromise, nagpapakumbaba. Isinasabuhay yung 1 Corinthians 13:4-8. Yan talaga is the key. Tsaka know your proper timing rin. May times na mas okay na pag-usapan bago matulog para ma settle na, may times rin na dapat ipagpabukas na para kapwa malamig ang ulo na. Tsaka bukod diyan, pinagdarasal rin talaga. Sa relationship, ‘di lang 2 ang involved. Involved rin si God.
Haskell: Did you two, went to couple counseling po nung nagka-ayos kayo nung muntik kayo magkahiwalay, kuya?
Pao: Yes, we did. Kailangan eh. Kailangan pa rin ng mga gabay. Kailangan rin ng mga makakausap ba. Tsaka nagp-pray over. Tsaka healing na rin niyo. We are active rin diyan.
Haskell: Kuya, 2nd to the last question: anong mapapayo mo po sa aming mga kabataan na gustong pumasok na sa romantic relationship?
Pao: Una, waiting talaga. Habang nagw-wait mag grow ka rin. Second, put God first. Third, mahalaga yung mga conferences about diyan sa mga youths. Hahaha. Fourth, Isa puso yung 1 Corinthians 13:4-8, and Lastly, Relationship is a commitment. Bago ka pumasok, dapat handa ka. Dapat isipin mong for a lifetime yan. Dapat hindi lang sa masaya, bagkus pati sa paghihirap. Hindi lang kilig, dapat may partnership. Tas yung traditional wedding vows yung may ‘For richer, For Poorer, In sickness and in health…’ hindi lang yan sa kasal. Dapat ganyan na kayo, magkasintahan pa lang. No relationship is perfect rin ah. Wag kayo mag base sa mga Soc. Med. Couples.
Haskell: Dami kong natutunan Kuya Pao. Parang ayaw ko na matapos. Hahahaha. Ito Last na kuya. Recently, ano pa po yung natutunan niyo?
Pao: Always compliment your girl. As in. Kasi they suffered minsan with insecurities. Wag na wag niyong if-feed yun. Isa yan sa duties ninyo to make sure na alam nila how beautiful they are. My wife kasi, when she was pregnant lalo na nung lumaki na yung tummy, grabe insecurities niyan. I made a mistake to laugh at that. Pero nabawi ko naman. I told her I love her curves at mas lalo pa siyang gumaganda kasi yan yung parang physical manifestation na dala niya yung bunga ng pagmamahal namin. And truly, I love her curves ngayong after birth. And also ito pinaka duty nating mga lalaki. To lead her and our future family kay God.
Haskell: Grabe. Thank you talaga Kuya. Dami kong baong aral.
Pao: Salamat salamat rin. Hahaha. Uy narinig ko si Akina. Tara pakilala ko siya sa iyo.
At umakyat na kami sa kwarto ng baby nila, kung saan Ate Bea was already carrying Baby Akina. Kiniss ni Kuya Pao yung noo ng kanyang asawa, tsaka kinuha si Baby sa kanya.
Pao: Balik ka pa sa tulog, mahal. Pupuyatin ka na naman nito mamaya kasi feeding time niya ng alanganing oras. Hahaha. Ako na bahala sa kanya. Tapos na kami sa interview.
Bea: Sure ka? How was your interview pala?
Pao: It is great. K-kwento ko sa iyo once fully rested ka na. Sleep na.
Bea: Nag pump na pala ako kanina ng milk. Nasa ref na. I love you. And I love you baby.
Pao: I love you too. Tulog na. *in baby voice at ikinakaway ang kamay ni Baby Akina na kakatapos lang dumighay.* Night night Mommy. I love you so much. Don’t worry, Daddy got me. Thank you Mommy.
At bumalik na si Ate Bea — na medyo natawa kay Kuya Pao. Sa katabing kwarto at natulog na ulit.
Napangiti ako sa nasaksihan ko, hanggang sa pag-uwi.
Bago ako matulog, ang aking dasal ay:
‘Lord, Salamat po sa mga aral na nakuha ko po kanina. Thank you for allowing me to witness a love like that. Lord, I am praying po na magkaroon rin po ako ng ganyan. Na if mamarapatin niyo po, maging ganyan po kami ni Hesed, in the future. Siya na po ang nakikita ko, Lord. And I am praying po in your God’s will. Amen.’