Haskell Point of View:
We were eating na when Kuya Pao and Ate Bea went to sit with us. Ate Bea instantly kiss Hesed’s cheek tas umupo. Kuya Pao naman just fist bumps me.
Ate Bea: Waaah. Thank God you’re able to attend. Nakalimutan ko talaga ikaw iinvite Sed kasi alam mo naman yung memory naming mga bagong panganak.
Hesed: *smiles at Bea* it’s okay po Ate Bea. Haskell was able to invite me naman po. How’s my inaanak po pala Ate? I miss him na. I will visit you po ah.
Ate Bea: He’s fine. Natutulog na sa tamang oras. Kabagin nga lang talaga siya kaya minsan kawawa rin kasi masakit para kay baby. Oo dalaw ka ah. Sing him the song you wrote for youth fellowship.
Napangiti kami ni Kuya Pao sa kanilang dalawa. Then, bumaling sa akin si Kuya Pao.
Kuya Pao: Kumusta naman experience mo rito? First time mo, hindi ba?
Haskell: Opo Kuya Pao, first time ko po. Masaya po Kuya, kahit na sapul na sapul po ako. First session pa lang pero sobrang dami ko pong pulot.
Kuya Pao: Thank God that you enjoy the experience. Maiba ako, ang cool rin ng date niyo ah. Natuwa ako sa totoo lang. It is really a good start.
Napangiti ako dun at pareho kami ni Kuya Pao na tumingin sa gawi nila Hesed at Ate Bea na masayang nagk-kwentuhan.
Haskell: I am falling in-love with her, Kuya Pao. Pero I want to build a solid relationship with God muna. I want to be the right person for her muna.
Kuya Pao: I agree. At malalaman mo rin naman pag tamang oras na. Pero tama iyan. Grow ka muna individually. Focus ka muna kay God at sa sarili mo. And so far nga, ang ganda nga dahil nakikita ko yung growth ng relationship niyo kay God, as well as dito pa ang date niyo.
Pagkatapos nun, tumayo na rin kaming apat dahil malapit na rin mag simula ang Session 2, kaya kailangan na naming bumalik sa auditorium.
Nag worship muna ulit. This time, the Song is Safe from Victory Worship.
Under Your grace, Your mercy amazes me
Under Your wings, Your shadow covers me
Your promise of love, where my heart is safely undone
Speak to me Lord, Your servant is listening
Over the noise, I hear You whispering
My hope has come, and my heart is safely undone
I found my fortress in You
And my soul is anchored with You
My resting place is in Your name
Forever safe
And then while we were worshipping, nakita ko si Hesed on my peripheral, crying habang kumakanta at nakataas ang dalawang kamay. Ako rin sa totoo lang ay naiiyak. Kasi that’s how I feel when inaccept ko na si God sa puso ko. I found my fortress in him.
Pagkatapos nun ay pinaupo na kami at nasa harap na si Pastor Dan na Pastor rin sa church namin. Kasama niya si Kuya Pao. Ang topic naman ngayon is Waiting: Trusting His Timing, Learn how to be patient.
Pastor Dan: I have here Paolo, who will discuss waiting sa usaping romantic na pag-ibig, mamaya. Unahin muna natin ang paghihintay sa lahat ng aspeto ng buhay.
There are a lot of times where we kahit kaming matatanda na ay nagiging impatient. May mga times na naiinggit tayo sa seasons ng iba. Yung times na maf-frustrate tayo kasi feels natin ang tagal ng breakthroughs natin, be it sa career, makatapos ng pag-aaral, maging successful, or kahit sa bagay lang na gusto natin pero hindi natin nakukuha.
A lot of times we asked him why hindi pa? Why hindi natin makuha or ganun ba. Minsan sumusuko na rin tayo agad.
But what we failed to realize, iba iba ang season ng tao. May mga mauuna sa iyo, may mga mahuhuli sa iyo. May mauunang magkatrabaho sa iyo, may mahuhuling magkapamilya sa iyo.
Lord is teaching us to trust his timing. Minsan kasi pag dumating agad, hindi tayo handa, tapos maooverwhelm tayo, bibitawan natin. Minsan naman, hindi talaga para sa atin kaya hindi niya binibigay sa atin.
Waiting is never passive. Waiting is always active. Kasi while we were waiting, dumadaan tayo sa process kung saan tayo nag-g-grow, kung saan tayo natututo.
Maniwala kayo o hindi, 8 years bago ako naka graduate sa college. Dumaan kasi sa maraming unos ang family ko. Dumating sa point na nagkasakit si Mama kaya need naming ipagamot. Kailangan kong mag stop para magtrabaho. Tas ng makaluwag-luwag, hindi ko pa rin mabitawan ang trabaho kaya konti-konting loads lang yung nakukuha ko. Nalungkot ako nun kasi mga kasabay kong pumasok nung first year nauna na sa akin makapag tapos, pero naisip kong baka hindi pa ito yung season ko.
And then nung makapagtapos naman, waiting ulit sa pag-aapply ng trabaho. Waiting na tumawag ang employer, pero habang naghihintay, di ba hinahasa mo rin ang sarili mo sa mga skills na kakailanganin.
Ganun kasi iyon eh. May mga rason kung bakit hindi pa o hindi para sa atin ang mga bagay na dinadalangin natin. Need lang talaga natin ng tiwala sa kanya at higit sa lahat mahabang patience. Alam niya kasi ang tama para sa iyo. Alam niya kung handa ka na ba, alam niya kung para sa iyo nga ba ito.
Sabi nga “Great things comes to those who waits.”
So, marami na akong nasasabi kaya ipapasa ko na kay Paolo. Take it away, Pao.
Kuya Pao: Ano pa bang sasabihin ko Pastor Dan? Nasabi mo na lahat eh. Hahahaha. Joke lang.
Ang Pag-ibig ay parang prutas lang yan eh, pag hindi pa hinog, mapakla, mapait, o minsan ay maasim, pero pag season niya na or pag hinog na siya ay napaka tamis.
So, with that, we have to wait for the love to nurture, for it to grow. Ikaw ay isang parang halaman, you have to soak in God’s love muna, you have to build your relationship with God muna, before you considered entering into a relationship.
And when you meet someone that you like, pray for it. Continue to pray for his or her. Tapos get to know her, wag mong mamadaliin. Enjoy lang yung time spend niyo, and make sure na habang nagp-progress yung relationship niyo, nagp-progress rin yung kanya-kanya niyong relationship with God. Tapos as you build rin your relationship, dapat si God ang sentro. Mag worship kayo together, Bible study kayo together, nood kayo ng conference and events together, mag serve kayo together, at ito pinaka importante, surround yourself with a right circle of friends.
And then, malalaman niyo rin naman talaga pag time na ni God. Pag tamang timing na. Just trust the process.
Pastor Dan, let’s pray na for them.
Pastor Dan: Heavenly father, Una sa lahat I want to thank you for giving lahat ng andito ng open heart at open mind para makinig at iabsorb ang mga sinabi namin ngayong araw na ito. Lord, I am praying that yung mga tao, be it andito sila or wala sila rito, na mas tumibay ang pagtitiwala sa inyo, na humaba ang pasensya nila, na they will grow habang naghihintay, na they will lift it up to you. I am praying for their breakthrough rin po panginoon. I am praying na if may isara ka man pong pinto, may mga bubuksan ka pong bintana para sa kanila. In Jesus name we pray, Amen.