Chapter 8: I understand.

666 Words
•JASS• "So, ganto ang plano. Sa amin ka titira hanggang sa magkaroon tayo ng perfect timing para sabihin kay Nana Grace ang totoo." "Natin?" Mahinang tanong ni Claire sa akin. "What do you mean by that?" Patakang tanong ko sakanya. "This is you problem Jass. Ayokong ako din ay haharap at magsasabi ng totoo kay Nana Grace pagdating nung sinasabi mong "Perfect Timing." Halatang galit si Claire habang binibigkas ang mga salitang iyon. Hindi ko siya lubusang maintindihan kung bakit ayaw niya na kaming dalawa ang magsasabi kay Nana Grace ng katotohanan. Nagdadalawang isip ako kung tatanungin ko ba siya o manhimik na lamang? Kapag ba tinanong ko siya mapapayapa na ako? Tinitigan ko siya ng eye to eye at diretsahang tinanong ng "why? Bakit ayaw mo?" Agad naman siyang sumagot. "Ayokong kapag nalaman na ni Nana Grace ang totoo na nagsinungaling tayo sakanya at matagal na tayong walang relasyon, ay saka ako haharap at kakausapin siya." Walang emosyon ang kanyang pagsasalita. Tumango ako at sumagot. "I understand." Matipid na sagot ko sa kanya. Tumango naman siya sa akin. •GRACE• Ayokong pagdating sa punto na dumating na yung right timing na sabihin kay nana Grace ang totoo ay saka ako haharap sa kanya na para bang hindi ako nagsinungaling sa kanya. Nakakahiya yun. Isa pa, ayoko rin na tuluyang mawala ang tiwala niya sa akin. Alam kong hindi na maalis yung fact na nagsinungaling parin ako kay nana Grace. Nagpatuloy si Jass sa pagsasalita at paghahanda ng aming gagawin. "Pagdating natin sa airport para sunduin si Nana Grace, ay dapat tayo kumilos bilang magkarelasyon." Halatang halata sa mga mata niya kung gaano niya kamahal si nana Grace at gagawin ang lahat para lamang dito. "Okay." Matipid kong sagot sa kanya. "So, any other suggestion? Claire?" Tanong niya sa akin habang nakataas ang kanyang isang kilay. "Can I have more than a one suggestion?" Tanong ko sakanya. Agad agad naman siyang sumagot at nagsalita "Of course you can." Tumango ako at nagsimula ng magsalita. "No. 1 bawal tayong magkatabi sa kama. Pwede akong matulog sa couch if wala ng ibang room." Magpapatuloy na sana ako sa aking sasabihin ngunit biglang sumabat si Jass. "Nope nope nope nope nope nope" iniyuyugyog niya ang kanyang ulo habang sinasabi ito. "Sa tingin mo ba hindi magtataka si nana Grace? Kapag hindi tayo magkasama matulog? Ha Claire? Alam mo naman siguro ang ugali ni nana Grace." Sabay na tinitigan niya ako. "Oo nga per—" hindi nanaman ako pinatapos ni Jass sa aking sasabihin. "Pero ano? Ano Claire?" Halatang galit na siya sa puntong iyon. "Ugh! Fine." At agad naman aking umirap sa kanya. He smirked. "What?" Iritang tanong ko habang tinitingnan ko lamang siya. Natigilan ang kanyang pag ngisi at nagsalita. "Nothing babe." Bumalik ang ngisi sa kanyang mukha at tinignan ako sa aking mga mata. Parang tatagos ang kanyang mga titig sa aking kaluluwa. Babe daw? Ha???!! Tanong sa sarili. Ngunit alam kong wala itong patutunguhan kaya Ay hindi ko nalang pinansin ang aking nararamdaman at agad ko syang inirapan. "Can i continue speaking now?" Nakakunot ang aking noo habang tinatanong ko siya. "Of course babe." Tipid na saad niya. Huminga ako ng malalim at nagpatuloy sa pagsasalita. "No. 2 Pwede mo akong tawaging "BABE" or what. Basta bawal mo akong halikan sa lips. Wag kang mag-alala pwede sa cheeks." Inirapan ko siyang muli. "Claire." Tipid na nagsalita si Jass at Sabay napabuntong hininga. "What?" Tanong ko sakanya. "Claire. Come. On."Kumunot ang kanyang noo ng sabihin iyon. "Huh?" Takang tanong ko sakanya. "C'mon Claire. It's just a kiss. Sa tingin mo ba may mga magkarelasyon na hindi nag hahalikan?" Tanong niya sa akin at muling nagsalita. "One more thing. Alam na alam ni nana Grace na we are always kissing specially infront of her." Napabuntong hininga na lamang ako dahil alam ko naman na lahat ng iyon ay totoo. "Sige, fine."tipid kong saad sa kanya. Ayoko sanang mag halikan kami. Like? What? Pero anong magagawa ko? *Sighs*
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD