Chapter 1 - New Mission

2439 Words
Chapter 1: New home Hannah's Point of View "Pwede ba akong lumabas kahit saglit lang, Kuya?" tanong ko. Nilingon ako ng nakatatanda kong mga Kuya sa sala na abala sa panonood. Kuya Jaylord shook his head and go back on watching movie. Nakahilig siya sa sofa at nakatagilid ang ulo nito para makausap ako. “Anong gagawin mo sa ganitong oras? Mamasyal o may kikitain ka sa labas?” Mapanuya niyang sinabi. Nanlaki ang mga mata ko sakanya. “Wala noh!” “Sus! Wala daw?” sabat ni Kuya Xavier na kagat ngayon ang straw ng inumin. Napairap ako sa nanunukso niyang mga titig sa akin. “Wala nga Kuya!...Wala nga akong kakilalang tao dito tapos sasabihin niyong may kikitain ako sa labas? I just want to have a peaceful walk outside! It won’t take me long, I promise!” I raised my hand to emphasize it to them. "No.” Maawtoridad na sambit ni Kuya Clifford na nagpatutop ng labi ko. “Masyadong mapanganib sa labas. Baka mapahamak ka pa. Dito ka lang sa bahay.” "Pero Kuya? Kaya ko naman ang sarili k—“ “I said no, Hannah. No more excuses.” Madiin niyang sinabi at hindi na muling pumansin. “Kuya sige na, please…” "Bunso tama si Kuya, delikado ang lagay natin. Hindi tayo puwedeng pumunta kung saan saan lalo pa’t wala si Dad.” si Kuya Hans naman ngayon ang sumuway sa akin. Isang mabigat na buntong hininga ang pinakawalan ko bago bumalik sa pag-kain. I always have this feeling of being like a criminal. Palagi kaming nagtatago at limitado lang sa paglabas. Lingid sa aking kaalaman, maraming gustong pumatay sa'min. Mga naging kaaway ni Dad sa negosyo kaya kahit na gaano ko kagustong mabuhay ng payapa, wala akong magagawa kundi ang tanggapin nalang ang ganitong kalagayan namin. Hating gabi na ng nakarinig kami ng mga sunod sunod na pagputok ng mga baril mula sa labas ng bahay. Unordinary nervous creep out of me. Sumabog ang pintuan ko sa kuwarto at nataranta akong humawak sa comforter ko. I felt relieved when I saw who did it. Kuya Ridge piercing eyes met mine. Pumasok siya sa loob ng kuwarto ko at dumiretso sa bintana. “Anong meron, Kuya?” Nilingon niya ako. Halata ang galit niya sa mukha. “They found us.” My mind went blank. Hindi ako nakapagsalita at hinayaan lang siyang titigan ako. ”I know someone fooled us. Kung bakit tayo nahanap agad…” Napatingin siya sa labas ng bintana. “Somoeone is playing tricks with us.” Mabilis akong hinila ni Kuya Jay nang akalang mapupuruan ako ng bala na galing sa labas. Kunot ang noo niyang sinipat ako.  “Doon tayo sa taas.” Mabilis ang galaw na sumunod kami sakanya. Nagmadali kaming pumasok sa sekretong kwarto ng bahay upang doon makapagtago at nasisiguro kong hindi kami matatamaan ng mga bala ng baril doon. Hindi na bago sa'kin ang ganitong pangyayari at sa katunayan bata palang ako ay kinalimutan ko na ang ganitong pamumuhay. Naging bihasa ako sa paggamit ng baril upang sakaling kung isa sa amin ang mapahamak ay maproprotektahan namin ang isa’t isa. Kumuha ang mga kapatid ko ng shotgun at nilagyan ng silencer. Kinalas nila ito at nilagyan ng maraming bala. Pinatay naman ni Kuya Ridge ang mga ilaw sa loob ng bahay at binuksan ang monitoring system, kung saan kita ang bawat sulok ng bahay. "Sila na naman…" bulong ko sa sarili. Nakatutok kami sa malaking screen at kita sa first floor ng bahay ang halos mapuno na ng mga tauhan ng kalaban ni Dad. "Perfect timing." nakangising lumapit si Kuya Xavier sa tabi ko at ipinahawak niya ang baril nito sa'kin. "Hold this.” I rolled my eyes when he winked at me.  “Ako na muna diyan, Ridge." Sambit niya at tumango naman si Kuya sakanya. Umupo siya sa swivel chair kaharap ang ang mga naglalakihang mga screen at ang computer. “Don’t mess things up.” Kuya Ridge murmured. “Okay fine, I’ll take it slowly as you wish.” Ini-strech niya ang kanyang leeg at kamay bago nag umpisa sa balak. "After I count three, lumabas na kayo." utos niya sa amin. "Gag*, paano kami lalabas eh na-trap nga tayo. Nakapalibot ang mga kalaban at paakyat na sila dito!" Mura ni Kuya Jaylord. "Akala ko ba may utak kayo. Do'n kayo sa bintana dumaan!" Napailing iling siyang hindi na lumingon sa amin. “This Rascal.” Bulong ni Kuya Jay sa tabi ko. Napatingin ako sa labas ng bintana. "Hindi rin pwede maraming armadong nagbabantay doon." Nguso ko at maingat na pinagmamasdan ang mga palakad lakad na mga lalake do'n. "Sumunod kayo sa'kin." Sambit ni Kuya Clifford kaya nilingon ko siya. Napakunot ang noo ko nang makita ang binuksan niyang maliit na pintuan. "Ito ang sekretong daanan palabas papunta sa likod ng ba...” Nagulat kami nang biglang may sumabog  mula sa baba. Napamura ang mga kapatid ko bago napatingin sa tumatawa na si Kuya Xavier. He looks so pleased watching them get trembled. "Fvck sh*t! Yes! Successful ang ginawa nating bomba sa bahay Ridge! Akala ko ‘di gagana." Unti-unting humina ang halakhak niya nang isa-isa niya kaming nilingon. “Oh, bakit ganyan ang mga hitsura niyo?” "Nilagyan niyo ng bomba ang buong bahay!? Paano nalang kung biglang sumabog ‘yan at nadamay tayong lahat!!" Nangangalaita na sabi ni Kuya Clifford. Nag-irap siyang bumalik sa ginagawa. "Chill lang Kuya. Hindi mangyayari 'yun dahil mautak ang kapatid mo, nakalimutan mo na ba?" Nakangising sagot niya tsaka tuwang tuwa sa pagpindot muli ng kulay red na button na nasa palad niya dahilan kung bakit may narinig na naman kaming pagsabog sa labas. Kuya Clifford face palm and cuss silently. Napatitg ako sa screen at nakita kung papaano nataranta ang ilan sa kanila at nagsisitakbuhan. Bago kami tuluyang makalabas sa likuran ay naabutan namin ang mga nakahandusay na mga katawan ng kalaban. Kasabay ang biglaan na pagsulpot ni Dad kasama ang mga armadong grupo ng lalake at naglalakihan ang mga katawan sa likuran niya. Those men are my Dad’s personal body guards. Nakipaglaban rin ata sila dahil mayroong talsik ng dugo ang mga damit nila. Dad looked at us. "Mag impake na kayo at aalis na tayo.” suot ang uniporme niya sa trabaho at nag-aalalang tumingin sa amin. “I’m glad no one’s got hurt." aniya.  "Saan ba tayo lilipat, Dad kung ganoon?" Tanong ko na may pagkadismaya dahil lilipat na naman kami. I pressed my lips together while anticipating his reply. Nakaapat na ata kaming napuntahan na bansa ngayong taon dahil sa pagtatago. Dad looked at me with so much worry and at the same time, sorry in the eyes. "This time we are not going to hide anymore." Halos mapangiti ako sa narinig kahit masama ang pakiramdam ng mga kapatid ko. "Dahil alam kong handa na kayo… No more hiding, let us face them. And we will win this fight together.” Yeah, we will. Sinandal ko ang ulo ko sa headrest at napatingin sa labas ng bintana ng sasakyan. Maliwanag ang dinadaanan namin dahil sa mga street lights sa gilid ng kalsada at mga ilaw ng sasakyan na masakit sa mata kung titigan. I closed my sleepy eyes. Pinaghalong pagod at antok ang nararamdaman ko ngayon. Nineteen hours flight from Canada to Manila at ngayon ay ilang minuto nalang siguro ay makakarating na kami sa bagong biniling bahay ni Dad. Dalawang araw na akong hindi nakakatulog ng maayos kaya antok na antok na talaga ako. Kung pwede nga lang na ihiga ko na dito e, ‘di sana kanina ko pa iyon ginawa. Pero paano ako makakahiga kung kahit ang pag-upo ng maayos ay hindi ko magawan ng paraan dahil sa mga posisyon ng mga kapatid ko sa pagtulog na halos sakupin na ang buong upuan dahil sa laki ng mga binti nila. Marami na ang pinagbago nitong lugar. Matagal narin na panahon ang lumipas noong umalis kami dito at nagsimulang lumipat lipat ng tirahan sa iba’t ibang bansa. Marami nang bagong establisyamento at mukhang umuunlad narin ang lugar. Dad wants to drive us home because he wants to make sure that we’re safe. Hindi parin nakampante kaya pinasunod niya ang ilan niyang tauhan sa likuran ng sasakyan. Hindi lang mawala sa isipan ko ang takot sa posibleng mangyari sa amin ngayong nakabalik na kami sa bansa namin. If Dad’s rival will come after us after hearing the news, then we have to be prepared and get ready to whatever going to happen. "Malapit na ba tayo Dad?" I asked. "Yes, my princess." tango niya na nasa driver’s seat. "Mukhang excited na si bunso, ah!" Pang aasar ni Kuya Clifford. Napairap ako sakanya. Sa totoo, hindi ako nalulugod sa paglilipat namin ng bahay dahil nasanay na ako sa gawain naming ito. Iba’t ibang lengwahe ang kailangan namin na aralin upang maintindihan ang mga taong makakasalamuha. Nakakasawa nadin kaya ng ganun. Tumingin si Kuya Hans sa’kin na naka-upo sa shotgun seat. My forehead creased. Ano namang tinatawa niya? Hayst! Nasisiraan ba siya? "Oh. Anong tinatawa mo, Kuya?" Inis na tanong ko at umayos ng upo nang mapagtanto na ako ang tinatawanan niya. "Tignan niyo si bunso oh, parang nalantang halaman." asar niya habang tumatawa parin. Napakunot lalo ang noo sa sinabi niya at agad na nag-angat ng cellphone sa mukha para tignan ang sarili. I don’t look pale, I look fine. What’s the problem? Sinamaan ko siya agad ng tingin at ibanaba ang cellphone. Napatingin naman ang tatlo kong mga kuya likuran na nangingiti lang. Wala na ata sila sa mood dahil kita ko sa mga mukha nila ang antok at pagod. Si Kuya Ridge nalang ata ang knock down na dahil mahimbing na itong natutulog sa aking tabi. Hindi na lang ako sumagot. Imbes ay binatukan ko nalang ng hawak kong unan si Kuya Hans para tumigil na sa pang-aasar. Humagalpak siya sa tawa. I made a face and cross my hands irritatingly. Matalim na nakatitig sakaniya. "Inaasar niyo na naman 'yang kapatid niyo." si Yaya Imelda na umawat kay Kuya. Nagtawanan naman sila ni Dad at nadagdagan na naman ng ingay sa paligid. Baka magising pa si Kuya Ridge dahil sakanila kawawa naman. Si Yaya Imelda ang pinakamatagal na naging kasambahay namin since noong ipinagbubuntis palang ako ni mom. Nandito na siya simla noon para alagaan kaming magkakapatid at hanggang ngayon ay narito parin siya. She’s already getting old. She has white hair and wrinkles shown all over her face but her body is still flexible and strong. Mabuti siyang tao at kahit ganito ang kalagayan ng pamilya ay hindi niya parin kami naisipan na iwan. "We’re here!" pagbibigay-alam ni Dad. Nakangiti siyang tumingin sa rearview na nakadiretso sa gawi ko kaya napatingin din ako doon at nginitian din siya. "Kuya gising na…" Tinapik ko ang balikat ni Kuya Ridge. Unti unti niyang iminulat ang mga mata nito at napatingin sa labas ng bintana. He nodded at me. Umayos siya ng upo at itinuon ang pansin sa harap. Pinagbuksan kami ng dalawang maid ng gate upang maipasok ang sasakyan. Pagbaba namin ay tsaka naman ipinasok ni Dad ang sasakyan sa loob ng garahe para magpark. Kinuha ng mga maid ang mga maleta namin doon sa kompartimento. I was in awe looking at the 3rd floor house, standing proudly in front. The style was modernize and fertile. Halos lahat ng ilaw sa loob ng bahay ay nakabukas. I smiled seeing the coming maids from inside. Iginiya kami sa loob ng mga kasambahay. Malawak ang bahay. Kita ang malinis na swimming pool sa gilid at ang katabi nito na magandang hardin na puwedeng tambayan. ''Dad nasaan ang kuwarto ko? Gusto ko na pong matulog." tanong ko kay dad pagkadating niya sa loob. He smiled at me, slightly. May halo paring kaba at abala sa mga mata niya kahit napupuno na ang tauhan sa labas ng bahay. I sighed. "Manang pakihatid niyo na sila sa kuwarto nila. Pagod na sila sa biyahe." Utos ni daddy sa mga maid. “Kayo Dad hindi ka pa magpapahinga?” “Mamaya. May aasikasuhin muna ako.”  Aniya at tumango ako. Nasa 2nd floor ang room ko, ganoon din sa mga kapatid ko maliban sa kambal na si Kuya Ridge at Kuya Xavier. Glass staire ang disenyo ng hagdan ganoon din ang makurbang banister. The old and classy chandelier hang perfectly in place. Sa lahat ng nilipatan namin itong bahay lang na ito ang kakaiba, masyadong malaki para sa amin. Humiga ako sa kama pagkatapos buksan ang malaking kurtina ng glass wall. Seeing the light of the moon and city lights. Someone flashed in my mind and pain creep within me. Mom.   Clifford Jake POV I can’t sleep well last night. I keep on thinking of why Dad suddenly came up with this decision. Hawak ko ang batok ko at dumiretso na sa kusina para magtimpla ng kape nang makita ko si Dad na abala sa kaniyang Mcbook. "Good morning, Dad." Napapaos kong sinabi at sumilip ng kunti sa ginagawa niya nang mahuli niya ang ginawa ko. I smiled, fakely. "Good morning." Marahan niyang bati. Tumango lang ako at tumabi kay Kenneth sa counter na abala sa pagtitimpla. “Anong ginagawa ni Dad?” Bulong kong tanong. Tamad niya akong nilingon at nagkibit ng balikat. "Coffee? You want?” Pag-iiba niya ng usapan. Itinulak niya ang baso ng kape sa harapan ko. Napasandal siya sa counter top at sumimsim sa kape. Sa aming anim na magkakapatid si Kenneth ang pinakamagaling sa pagtitimpla ng kape. Pwede din siyang maging chef dahil sa galing siyang magluto pero ayaw niya dahil hindi daw bagay sakanya ang ganoong trabaho. He called it cheap. “Tingin mo?” he asked and I took a sip. Sumandal din ako at napatitig kay Dad. “Tungkol sa negosyo o..“ "Good morning!" Bumukas ang pintuan at iniluwal ang kambal na si Xavier John at si Ridge Kane. Xavier looks cool while Ridge looks very pissed and annoyed. "Kuya si Xavier, pinakealaman na naman ang mga gamit ko." Sumbong ng isa.  Umagang umaga talaga itong kambal na ‘to kahit kailan palaging nag-aaway. "Hindi ah! Hinawakan lang, ang arte." angal ni Xavier. Napailing ako sa titigan nila ng masama. Holding someone’s things without their permission is the same to tamper. "Tumigil nga kayo ang aga aga nag sisigawan kayo!" Sambit ko. Hindi nadala sa marahan na pag-awat kaya kailangan pang sumigaw bago tumigil. Napamasahe ako sa sentido ko Mapang asar talaga si Xavier. He likes provoking things and make everyone mad na akala mo leon. Kaya kung bakit palaging nagkakaroon ng riot sa loob ng bahay. "Nasan si Jaylord?" Tanong ni Hans. Bumukas ang pintuan at iniluwal si Jaylord at Hannah na mukhang maganda ang gising. Ngumiti siya sa’min at bumati. Jaylord didn’t great us. Dumiretso lang siya sa hapag at nakipag usap kay Ridge. "Kuya saan tayo pupunta mamaya?" Ngiting tanong ni Hannah habang kumukuha ng gatas. Kapareho sila ni Jaylord na hindi mahilig sa kape. Kung umiinom man, bihira lang. "Mall daw sabi ni Dad kanina sa akin." Sagot ni Kenneth Hans. Nilingon ko siya. "Bakit daw kuya?" si Hannah. "Bibili kayo ng mga gagamitin niyo sa bago niyong school." sagot ni dad na kararating lang. We looked at him. “Talaga Dad? Hindi na ako home schooling?” Tumango si Dad kay Hannah. "I already enrolled you. You should get ready to your new school.” He smiled bluntly.      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD