Pagdating namin sa baba ay naabutan namin ang mag- lolo na naghaharutan sa sala. Umaktong parang kabayo si sir Juanito tapos nakasakay sa likod nito si Jaia habang nakaalalay naman si tita Vangie. Mabuti nalang at carpet ang sahig di masyadong madudumuhan ang damit kahit pa magpaikot ikot kayo. Napangiti ako sa nakita, di matatawaran ng kahit anong bagay ang ngiting nakikita ko sa labi ni Jaia. Gusto ko pa sanang pagmasdan pa sila nang magsalita si Christian na nasa tabi ko lamang na ngayon ay nakaakbay na sa akin. "Aba, ang saya nyo yata?" Tanong ni Christian sa kanila. "Daddy, Nanay!" Tawag ni Jaia sa amin. Saka dali-daling bumaba sa likod ng lolo nito. "Oh, nandito na pala kayo. Ang tagal nyo namang bumaba." Sabi ni Tita Vangie na inalalayan si Jaia pababa sa likod ni Sir Juanito

