Dahil sa nangyaring engkwentro namin with Adulfo, minabuti ni christian na tapusin nalang ang honeymoon daw namin. Ayaw ko na din kasing lumabas sa suit namin sa takot na muling makasalubong si Adulfo. Bumalik nalang kami ng Manila. As usual, nasa bahay lang ako, ang kaibahan nga lang ay nasa bahay ng magulang ni Christian kami nag stay. Nakikiusap kasi si tita este mommy Vangie na dito muna kami habang papalapit ang kaarawan ng anak namin ni Christian. Wala silang kaalam- alam sa nangyaring pagkikita namin kay Adulfo sa Palawan. "Hija, shopping tayo." Aya ni Mommy Vangie sa akin. Wala sina Christian at daddy Juanito dahil nasa opisina ang mga ito. "Anong bibilhin natin, mom?" May pag-ilang sabi ko sa kanya. Di pa rin kasi ako sanay na tinatawag siyang Mommy. "Anything you want. Dress,

