Chapter 3

1680 Words
"Ma, gising! Mama!" narinig 'kong gising sakin ni Galle. "Hmm?" Ungol ko at iniinat ang katawan. "Si Aling Susan po nasa labas ipapatanggal na daw yung mga gamit natin," natataranta niyang untag na nagpagising ng diwa 'ko. "Ha?! B-Bakit nag bayad na tayo ah!" Natataranta ko ding bangon nang marinig 'ko nga ang pagsasalita ni Aling Susan sa labas, "oh dali dali, tanggalin na yang mga yan" sabi niya. Tinakbo ko ang pinto at nakitang kakaunti na lang ang mga gamit namin, "teka teka! Aling Susan! Ano pong ginagawa niyo?" Mangiyak ngiyak kong sabi habang hinihila sa mga lalaki ang electricfan namin. Mahigpit ang paghawak nila 'nun at gusto talagang ilabas. "May bagong titira dito, mabilis at doble ang ibabayad. Kaya itigil mo ang pagpigil d'yan sa mga 'yan at umalis na kayo dito!" Sigaw niya habang tulak tulak ang balikat ko. Nakikita kong umiiyak si Galle habang nilalagay ang mga damit namin sa bag, "anak anak! Hindi, H-Hindi. Ibalik mo 'yan hindi tayo aalis dito," pagpigil ko kay Galle. "Aling Susan antayin n'yo naman po muna matapos yung bayad naming mga ilang araw pa, grabe po itong ginagawa n'yo samin! Wala kaming matitirahan!" Iyak ko sa kanya habang pilit na binabalik ang mga gamit sa kung saan ang mga ito nakalagay. "Hoy! Ilang araw nalang 'yon! Kung gusto mo ibalik ko pa sayo eh! Dali dali ilabas na lahat 'yan!" Sigaw niya pa habang nagpapaypay ng sarili. Wala akong nagawa habang sapilitang nilalabas ng mga tao ang gamit namin. Halos wala ng natira ang loob ng bahay ko sa loob ng mga ilang minuto. Tinulungan ko nalang si Galle kumuha ng gamit at inayos ito sa maliit na bag. Kakaunti lang naman ang mga damit namin kaya hindi rin kami nahirapan. Inalo ko ang ulo ni Galle habang umiiyak, "makakahanap tayo ng bahay, Galle. Diba sabi ko may trabaho na 'ko, hahanap tayo ng bahay na mas maganda pa dito, ha? Kaya tumahan ka na please, ayaw makita ni mama na umiiyak ka" pinunasan ko ang mga lumalandas na luha mula sa kanyang mata habang patuloy naman ang agos ng luha ko pababa. Wala kaming magagawa sa pagkakataong ito; pero sa susunod na magkakaharap tayo Aling Susan, sasampalin kita ng libo-libo. Inakay ko si Galle sa labas at nagulat sa dami ng taong nakikiusyoso, "Kawawa naman sila Celine," "Na'ko napaka bait na bata n'yan, sana makahanap sila ng matitirahan kun'di kawawa sila sa lansangan." "Tumpak ka d'yan, maganda't makinis siya, baka marape pa" Rinig kong bulungan ng mga tao sa paligid namin, kinuha ko ang telepono ko at naghanap ng maaring hingian ng tulong. Nakita ko ang pangalan ni Michael sa unahan kaya siya ang tinawagan ko, "Hi Celine! Are you coming?" sagot niya. "Oo mamaya. Pero p'wede bang humingi ng pabor? Pinalayas na kasi kami sa tinutuluyan namin, padala ka naman ng sasakyan o kung ano para lang mailipat namin 'to ka agad." Paliwanag ko. Kumukonti na ang mga tao sa paligid pero bawat dumadaan ay timitingin sa amin, "no, I'll be sending you a garbage truck. Itapon mo na lahat ng gamit mo at bumili ka ng bago. Tumira ka sa condo, kasi sobrang laki ng una mong sweldo." Yung lamang at pinatay na niya ang tawag. Lumaki ang mata ko sa tuwa, totoo ba? Jus'ko yung puso ko! Ilang minuto lang ang tinagal at may pumunat na nga ditong truck ng basura. Nagsibalikan ang mga tao at mas lalo pang dumami ito ng makitang pinaglalalagay ko ang mga gamit sa basurahan, "mama ano pong ginagawa n'yo! Gamit natin 'yan!" Pagmamaktol ni Galle ngunit 'di niya ako pinigilan. "Hindi na natin kailangan ang mga ito anak, titira na tayo sa condo." Medyo malakas kong sabi na kinaluha ng mata ng mga nakarinig, "kuhain n'yo na ang gusto niyong kuhain dito, at yung matira itapon ninyo!" Sigaw ko sa mga kapitbahay ko na agad naman nilang dinaklaw. Nagagawan sila sa mga kung ano-ano habang ako nama'y ngumingiting inaakay si Galle papuntang labasan para umalis na. Sumakay kami ng jeep papuntang opisina ni Michael. Tahimik si Galle na nagmamasid sa paligid. Alam kong maraming tanong ang tumatakbo sa isip niya ngayon pero mas pinipili niyang tumahimik. Mabuti naman at ginagawa niya iyon dahil mauubos talaga ang dugo ko sa utak pag ipinaliwanag ko pa kay Galle kung ano ang aking trabaho. "Ma'am bawal po ang bata sa loob." Pigil sakin ng guard. "Alam na 'to ni Michael, kung gusto mo tawagan mo pa siya ngayon." Sabi ko sa kanya. Pailing iling siyang pinadiretso kami. Ang totoo'y walang alam si Michael na dadalhin ko ang anak ko dito pero kailangan ko munang gamitin ang pangalan niya para hindi ko iwan si Galle dito sa labas. Makikita ang mga matang nakasunod sa amin. Naalala kong nakapantulog lang pala ako at ni wala pang toothbrush o ano. Pero bahala na, kukuhain ko lang ang pera ko at aalis na ko dito. Pag pasok ko sa opisina ni Michael nagulantang ako ng makitang naguusap sila ni Lais at isa pang lalaki. Hindi ko iyon kilala pero tumikhim ako para maagaw ang pansin nila sa pagtatawanan. "Oh, Celine! Goodmorning!" Bati ni Lais sakin. Inirapan ko siya dahil nakakairita ang pag bati niya, hindi mo alam kung natatawa ba sa itsura ko o nang aasar lang. "Celine hindi ba sinabi sayong bawal mag dala ng bata dito?" Ma awtoridad niyang ani na para bang hindi natutuwa sa pagpunta ko. Ang lalaki naman sa gilid ay tahimik lang at ibinigay ang upuan para sa aming mag ina. "Grant halika, labas muna tayo." Sabi ni Lais sa lalaki na napagtanto kong Grant pala ang pangalan. Lumabas ang dalawa at iniwan kaming tatlo sa loob. Natatakot na nagtago si Galle sa braso ko, kaya sinapo ko ang kanyang buhok at pinalagay ang sarili. "Michael pasensya na, alam mo namang nawalan kami ng bahay ngayon at wala akong mapagiiwanan sa kanya. Pumunta lang ako dito para kuhain ang una kong sweldo at aalis na rin kami ka agad dito." Umiling si Michael at kunot ang noong nagtipa sa kanyang cellphone. Agad namang tumunog ang akin, "am probably inside your v right now if you're not having your child with you" basa ko sa mensaheng iyon. Kunot noo ko siyang tinignan pero deretso parin ang mukha niya, "that's how I bid congrats tho," sabi niya at nilikot likot ang kanyang upuan. Don't get him wrong, we haven't done such things like that yet. He pull off a card from his side and he offered it to me, "nakalagay na lahat d'yan. Walang labis, walang kulang." Kinuha ko ang card at agad na nilagay sa wallet. Nginitian ni Michael si Galle at pilit na inaabot ang kamay niya sa kanya pero mukhang natatakot si Galle sa kanya kaya pinakilala ko ito sa kanya, "ah Galle, ito nga pala ang Sir ko si Sir Michael. Michael, si Galle. Anak ko." Tumango siyang nakangiti. "You can call me tito Michael, Galle." He said curling up his body to wave at him. Galle pour a sight to him and slightly wave his hand, I giggle a bit as Michael sat back bit ashamed "Stop laughing." He said. "Sorry, nahihiya lang siya." Sabi ko bago magpaalam at umalis. Inalok pa kami ni Michael na ihatid pero tumanggi na ko nakakahiya naman kasi. Wala pa kaming isang linggong magkakilala nararamdaman ko ng maganda siyang maging kaibigan. Kailangan kong maging malapit sa kanya dahil una sa lahat siya ang direktor ko; malaki-laki rin ang mahuhuthot ko sa kanya kung sakali mang magsh-shoot kami palagi. At isa pa, mabait siya hindi tulad ni Lais na isang tingin lang; alam mo nang pinagnanasaan ka. Bastos. Pumunta kami ni Galle sa isang kainan para kumain, binayad ko ang kahuli hulihang sweldo ko galing sa pagwawalis at sa pag h-hotel namin, ang card ang ipangbabayad ko. "Oh anak, hinay-hinay lang wala kang kaagaw," pag puna ko kay Galle nang makitang lamon kung lamon ito. Inabutan ko siya ng tubig at tissue, agad niya naman iyong ininom at ginamit. "Eh kasi mama, hindi pa tayo nag a-almusal pero panghapunan na itong kinakain natin. Kanina pa ako gutom," sabi niya at nagpatuloy sa pagkain. Kasalanan ito ni Aling Susan eh, napaka bastos. Nag babayad naman kami, halos ilaan na nga namin yung pangkain namin sa upa hindi parin kami pinalagpas. May ilang araw pa kaming bayad eh. Napailing-iling nalang ako habang iniisip ang sama ng ugali niya. "Mama diba papasok na 'ko sa school ngayong taon? Anong grade ko na?" Tanong niya. Nginitian ko siya bago sumagot, "Si Galle ay magiging kinder 1 na! Masaya 'yun 'nak, marami kang magiging kaibigan sa school." Sagot ko sa kanya at sumubo. "Mama si Gian kinder 2 na," pahabol pa niya. "Yung nang aasar sa'yo?" Kunot noo kong tanong. Tumango naman siya at nagpatuloy ang papaubos na nitong pagkain. "Bukas i-eenroll na kita 'nak. Bibilihan na kita ng mga lapis na bago tsaka bag, anong design gusto mo?" Tanong ko ulit. "Kahit ano lang po ma basta may magamit." Mana sa akin ang hindi pagiging materyihiloso. Basta kung anong meron, ayun nalang hindi na mag hahangad ng mga kung ano-anong hindi naman kailangan. Kaya masaya akong napalaki ko siya ng tama at utak na hindi sarili lang ang iniisip. Nagpahinga kami ng saglit bago pumuntang hotel na pinaka malapit, hindi kami nahirapan humanap ng matitirahan dahil kahit pang mayaman kayang bayaran ng card na ito, malaki-laki din ang laman at kayang-kaya kaming mabuhay ng mahigit isang taon. Malaki nga talaga ang pasahod ng FuchsiaMambas. Pasalamat na lamang at sila ang nakakuha sakin hindi ang mga pipityuging bar na nagaalok ng ligaya sa murang halaga. Mabilis akong naligo at nagpahinga naman si Galle sa kwarto. Isa lang ang kwartong napili namin dahil hindi makakapayag si Galle ng matulog mag isa. Pero malaki na ito para samin, halos kasing laki lang ng C.R. nito ang dati naming bahay. Kompleto ang gamit sa loob at nakakarelax na view dahil sa bintana nito. Tuwang-tuwa kami kasi unang beses namin tumira sa gan'to kalaking bahay. Sana dito na kami habang buhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD