┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ "Babe, anong sinasabi mong tama na 'yan? Hindi pa sila nakakalaro kaya umalis ka diyan at tatapusin natin ang palaro ko. Kung may palaro ka bukas, fine. Pero tatapusin natin ngayon ang palaro ko at tutulungan mo ako na mapasunod ko silang lahat, naiintindihan mo ba ako o mapuputulan ka ng kaligayahan sa gabi?" wika ni Althea. "Sino ang kasunod? Tumayo na dito at bumunot na kayo sa mga garapon kung ayaw ninyong tadtarin ko kayo ng bala," sigaw ni Marcus. Napangisi naman si Althea at kinindatan pa sila Joyce kaya nagkakatawanan sila habang hinihintay kung sino ang lalapit sa table. Hindi naman nagtagal ay naglakad na palapit sa table si Trez at tumayo sa harapan ng mga garapon. Inayos niya ang sleeves ng suot niyang polo at kumuha ng tig-isang nakabilot na papel. Napabuga si

