Humugot ako ng malalim na paghinga at sumandal ako sa upuan. Hinawakan ko ang tiyan ko at dinama ko ang baby ko na nasa tiyan ko kahit ang liit pa ng tiyan ko. Gusto ko lang kumuha ng lakas sa kanya kasi pakiramdam ko ay nanghihina ako. Napatingin ako sa pintuan ng ilang katok ang narinig ko dito. Alam ko na si Kuya Trenz ang kumakatok, marahil ay umalis na si impaktong Josh kaya nandito na siya upang kausapin ako. Mas mabuti na 'ngang umalis na siya dahil ayokong makita pa ang pagmumukha niya, kasi mas lalo lang akong nakakaramdam ng galit. Bumukas ang pintuan. Hindi naman ito naka-kandado kaya hinintay ko na lang na pumasok ang taong kumakatok. At katulad nga ng inaasahan ko ay si Kuya Trenz ang bumungad sa akin. Isang ngiti ang gumuhit sa kanyang labi at naupo ito sa sofa na nakatapa

