Napatingin ako kay Celestina na walang kamalay-malay sa maaaring maganap. Nakahawak lamang siya sa kanyang tiyan kaya napatingin din ako sa kanyang tiyan, sa magiging baby namin. Kailangan ko siyang pag-ingatan lalo pa at buntis ang mahal ko. Magkakamatayan muna kami bago nila makuha sa akin si Celestina. Determined to shake them off, I pressed harder on the gas pedal, weaving through traffic with precision. But no matter how fast I drove, they refused to leave our tail. Talagang nakasunod lang sila at hindi sila humiwalay sa amin. "Shiiiiit!" Wala sa sarili ko na napamura ako habang pasilip-silip ako sa aking side mirror at sa rear-view mirror. Kailangan ko silang mailigaw o kaya naman ay kailangan kong makabalik agad sa mansyon nila. Bakit ba kasi napili pa namin ang mall na 'yon na

