"Okay na siya, walang nangyaring masama sa kanila ng baby namin," wika ni Josh na nakaupo lang sa gilid ng hospital bed. Nilapitan naman ni Marcus si Josh at tinapik niya ito sa balikat at idinikit nito ang kanyang noo sa noo ni Josh at ngumiti ito bago nagsalita. "Buti nakarating agad kami, pasensya na kung medyo nahuli kami ng dating at muntikan pa kayong mapahamak. Nakita namin mula sa itaas ang sunod-sunod na pagsabog kaya alam namin na nasa ituktok kayo at nakikipaglaban. Gagawin kong giniling ang matandang 'yon at sisiguraduhin ko sa kanya na pagsisisihan niya ang ginawa nila sa inyo," wika ni Marcus. "Ang sabi ko, ako ang papatay sa hayop na 'yon. Sa kamay ko siya magbabayad dahil sa ginawa niyang pagtangkang saktan ang babaeng mahal ko," sagot agad ni Josh ng marinig nito ang si

