"See that, Josh? Kung ikaw si King of Denial, aba at may Queen of Denial naman tayo ngayon. Ano kaya ang magiging title ng ibang mga kaibigan natin? Huwag kang magtago ng saloobin mo. Huwag kang tumulad kay Josh na nahihirapan ngayon. Kung sa tingin ninyo ay kailangan ninyo ng makakausap upang mapagaan ang mga problema ninyo, nandito ako at bilang pinuno ninyo, handa ko kayong pakinggan at tulungan sa abot ng aking makakaya. Kung pinoproblema mo ang pinsan ko na kakambal ni Hugo, tell me now para maunawaan ko at matulungan kita. Salita nyo lang naman ang hinihintay ko, kaso kapag lumalapit kayo sa akin ay huli na ang lahat, masyado ng malaki ang pinsala kaya kung minsan ay medyo nahihirapang resolbahin ang mga problema ninyo," may inis na ani ni Marcus. Hindi ako nakakibo sa sinabi niya da

