"Puntahan ninyo si Celestina, gising na," wika nito habang naglalakad na ito palayo sa kinaroroonan namin. Inakbayan naman ni Hugo si Lyka at iniharap sa magandang tanawin ng Manila at nagsalita ito. "Tandaan mo Lyka, kami ang pangalawa mong pamilya. Kung may nais kang sabihin ay nandito lang naman kami. Kung inaakala mo na pagtatawanan ka namin ay nagkakamali ka. Magkakaibigan tayo at magdadamayan tayo sa hirap at ginhawa. Isang salita mo lang at gagawa na ako ng aksyon," wika ni Hugo, kaya kunot noong tinitigan ni Lyka si Hugo. "Ano ba ang pinagsasasabi mo diyan?" wika ni Lyka. "I mean, kung gusto mong kidnapin ko ang kakambal ko at dalhin ko sa isla ni Josh para makasama mo at magawa mo ang gusto mo sa kanya ay sabihin mo lang. Kikidnapin ko ang sira ulo kong kakambal para sayo," wik

