"Tigilan mo ako Celestina. Mali kung ano man ang iniisip mo tungkol sa akin dahil kaylanman ay hindi ko papatulan 'yang kaibigan mo. Nakikita mo ba ang mga babaeng dine-date ko? Ang layo, kahit kalingkingan hindi papasa 'yang kaibigan mo," wika niya kaya hindi na ako sumagot sa kanya. "Bakit ka ba kasi nandito? Sasabihin mo na ba sa akin kung ano ang totoong pakay nila lolo at lola sa akin? Tama ba ang hinala ko na ipakakasal nila ako sa kung sinong lalake? Ang unfair naman kuya. Si ate nagawang pakasalan ang lalaking mahal niya, pagkatapos ako eh naka arranged marriage? Bakit naman ganuon? So unfair!" umiiyak kong ani. "Wala ako sa posisyon para sagutin ang tanong mo. Hintayin mo na lang sila lola at lolo sa pagdating dito para malaman kung ano ang totoong pakay nila sayo. Huwag k

