"Bakit, marunong kang manahi?" sagot naman agad niya sa akin. "Hindi, pero kung 'yang bibig mo ang tatahiin ko ay kaya kong pag-aralan kahit magkatusok-tusok pa ang mga daliri ko ng karayom ay titiisin ko, basta ang importante ay matahi ko lang 'yang bibig mo," sagot ko kaya umugong ang malakas na tawanan. "Eh 'di ikaw na!" sagot ni Marcus at palundag itong umalis mula sa pagkakaupo niya sa desk ko at kinalikot naman ang mga libro ko na nasa bookshelf. "Basta ang ipinangako mo sa akin na ako ang bestman mo. Kapag hindi 'yan natuloy, magkakaroon tayo ng gulo sa araw mismo ng kasal mo," wika niya sabay harap sa amin na may hawak na isang libro na binubuklat-buklat niya. Napangiti naman ako sa sinabi niya na bestman siya, iisa lang talaga ang ibig sabihin nito, malapit ko ng maging asawa

