"Haler! Paano ko matatandaan 'yan eh araw-araw iba ang kasama mong babae sa opisina mo. Hindi ba kuya? Nagkakamali na nga ako sa pagtawag ko sa mga pangalan nila kasi nga araw-araw iba-iba ang girlfriend mo. Buti hindi ka pa nakakarma? Or maybe karma is waving na? Nakakaloka! May picture ka ba para naman maalala ko kung sino ang babaeng 'yan. Baka mamaya may mabanggit ako diyan na ibang babae eh magalit pa 'yan sayo," wika ko kay kuya. "Iba ito, seryoso ako dito kaya huwag kang magkakamali na sirain ang tiwala niya sa akin. Tignan mo itong picture namin ni Alyssa, ang ganda niya at ang seksi," wika ni kuya na may ngiti at ipinapakita sa akin ang larawan ng isang babae na nakayakap sa kanya na nasa gallery niya. Maganda nga ang Alyssa na tinutukoy niya pero hindi ko naman ito maalala na na

