"Grabe ang gwapo mong tignan habang naglalakad ka ng ganyan, 'yun nga lang hindi ka macho pero gwapo," wika ni Evelyn kaya natawa ako. "Marami namang maliit at payatot na lalake noh? Isa na ngayon si Carlos sa kanila," wika ko kaya tawa ng tawa mga kaibigan ko. "Ngayon naman, simulan mo maglakad katulad ng ginawa ni Dustin habang nagsasalita ka ng boses lalake na hindi namin maririnig ang boses ni Celestina. Kailangan ang boses ni Carlos na ang maririnig namin mula ngayon. Boses ni Carlos na hindi ka natatawa sa sarili mo. Kaya mo bang gawin 'yon?" ani ni kuya. Kinamot ko ang ilong ko at pagkatapos ay humugot ako ng malalim na paghinga. Inayos ko ngipin ko kasi nga nahihirapan pa ako magsalita, lalo na nakatikwas na ang nguso ko ngayon dahil nga sa suot kong pustiso. Nagsimula akong ma

