Problema ng impaktong 'yon? Itinapat ko ang dalawang kamay ko sa bibig ko at saka ako bumuga ng hangin at inamoy ko ito. Hindi naman mabaho ang hininga ko. Inamoy ko ulit ang kilikili ko pati na rin ang damit ko, pero hindi naman ako mabaho. Mabango nga ako dahil binigyan ako ni Kuya Cairo ng pabango na pang lalake, at ito daw ang lagi kong gagamitin para walang makahalata sa akin na isa akong babae. "Halika na dito at uubusin natin ang lakas ng mga babaeng ito. Huwag kang mag-alala, 100% na malilinis ang mga babaeng ito. Tara dito at simsimin mo na ang bango nila," wika niya kaya tila ba kinilabutan ako mula ulo hanggang paa sa sinabi niya. Nakakaloka, hindi ako tomboy para manimsim ng amoy ng babae. Eww! Jusko tulungan nyo po ako. Sana lumindol, dito lang sa bar niya at magiba itong sec

