"Mahal mo ba siya? Gusto kong marinig ang totoo mula sayo. Kung sasabihin mo na hindi ay ibabalik ko ang pera ni Nato at ako ang magbibigay sa kanya ng 100 million. Sabihin mo sa akin ang totoo," wika ni Marcus. "Hindi mahalaga kung ano ang nararamdaman ko. Isama ninyo si Carlos sa Subic pagpunta natin duon para sa training ng tatlo. Tignan ko lang kung tatagal siya sa ginagawa niyang pagpapanggap bilang isang lalake," wika ko kay Marcus. "No. Hindi ko ilalagay sa kapahamakan si Celestina," aniya kaya natawa ako. "Hindi ko rin siya ilalagay sa kapahamakan. Pangako ko 'yan. Wala akong gagawin sa kanya, gusto ko lang siyang nanduruon para makasama natin at makita ko kung paano siya bilang isang lalake. Kung kaya ba talaga niya itong panindigan," wika ko kaya natahimik si Marcus. Hindi siy

