┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ Sumapit na ang gabi. Ang lahat ay naghihintay sa labas para sa palarong gagawin ni Marcus para sa lahat. Inalalayan ni Josh sa paglalakad ang kanyang kasintahan hanggang sa makarating sila sa may harapan ng dagat. Iniupo niya si Celestina sa isang bakanteng lounger at maingat na inihiga si Celestina at binalot ng tuwalya ang katawan nito. Umiihip ang malamig na hangin kasabay ang malakas na pagsalpok ng alon sa buhangin. Napatingin si Josh sa isang malaking table o tila ba napakalaking stand ng isang bagay. May nakatakip dito ng puting tela na binabantayan ng mga tauhan nila na pinamumunuan ni Jun. Napakunot noo siya at ang kuryosidad niya ang nagtulak sa kanya upang lapitan ito, ngunit hinarang siya ni Jun at umiling. "Curious ka rin ano?" ani ni Harvey Sebastian kaya na

