"Ano ba ang training na gagawin nila duon sa itaas ng bundok?" tanong ni Carlos. Hindi sinagot ni Marcus ang tanong nito dahil alam naman ni Carlos kung sino talaga ang kasama nila at alam nito kung ano ang training na ibig niyang sabihin. Naglakad na si Marcus at susunod na lamang sana si Carlos ng muli siyang inakbayan ni Josh at binulungan siya nito. "Maniniwala ka ba kung sasabihin ko sayo na pwede akong maging bakla?" wika ni Josh sabay tawa nito ng malakas at muling hinapit ang manipis na katawan ni Carlos. "Kung bakla ka huwag mo akong yakapin dahil hindi tayo talo," inis na sagot ni Carlos kaya muling natawa si Josh sa tinuran nito. "Hindi nga ba?" sagot nito kay Carlos sabay bitaw at tumatawa ito na naglakad na papasok sa loob ng malaking rest house. Napahinto naman sa paglala

