"Ganun naman pala. Mamaya mo na lang ako masahihin kapag matutulog na tayo," wika niya pero hindi ako kumibo. Paano ba 'yan, jusko malikot pa naman akong matulog. Dapat yata ay magsuot ako ng jumpsuit mamaya kapag matutulog na kami para sigurado ako na hindi tataas ang suot kong t-shirt. Baka magulat 'yun na may suot akong bandage sa katawan. Alangan namang sabihin ko na may bali ako sa dibdib ko. Baka bigla pa niyang tanggalin ang ginagamit kong pang-ipit ng bulkang Mayon ko. Oo bulkang Mayon 'yan, malaki 'yan hindi 'yan maliit. Teka lang, kanina nga pala ay may napansin akong sofa sa silid namin. Tama! Duon na lang ako matutulog kaya hindi ko kailangang tumabi sa kanya sa kama. Ayos, solved na ang problema ko. Humarap ako kay Josh na may malaking ngiti sa labi ko na kita lahat ng ngip

