"Celestina, marry me please," bulong niya na hindi na niya malaman kung lalapit na ba siya kila Marcus upang humingi ng tulong. Kaylanman ay hindi siya lumapit sa mga ito upang humingi ng tulong tungkol sa personal na problema niya, pero ngayon ay samo't saring katanungan na ang pumupuno sa kanyang isipan. "Bakit ka umiinom mag-isa dito? Matulog ka na Josh at itigil mo na ang iyong pag-inom dahil wala 'yang maidudulot sa iyo na mabuti." Biglang napatingin si Josh sa pintuan na sliding door ng sumungaw dito si Celestina at kunot ang noo nito na nakatitig lamang sa kanya. "Halika dito, inom tayo, gusto kitang kausapin kaya please pagbigyan mo ako," pautal-utal na ani ni Josh sa dalaga. Naupo naman si Celestina sa silyang nakatapat kay Josh. Kinuha niya ang bote ng alak sabay tungga nito

